Roseanne

August 8th, 2007

nanonood ako ng Roseanne ngayon... nakakainggit naman... kasi silang mag-asawa, parang kami ng dupang na yun...

noon...

kakainggit dahil nayayakap nya ang asawa nya ng ganun kahigpit... na may mga anak sila... na andyan sya sa tabi nya...

na nagkakakausap sila...

walang hiya...

ba't hindi nya 'ko kinakausap?! ba't parang ayaw nya 'kong makasama? kahit sigawan nya 'ko, ayos lang... kahit sabihin nyang lumayo ako sa kanya, ayos lang... kahit magbangayan kami araw-araw, ayos lang...

basta makausap ko lang sya...

Posted by Calanthe at 02:34 AM | Gets?


Occassion

July 29th, 2007

kaarawan nya ngayon... tinawagan ko sya... babatiin ko sana... para ako ang mauna... tsaka, matagal ko na ring 'di narinig ang boses nya... hindi sya sumagot... tinektk ko na lang... tsaka myspace... sana mabasa nya...

Posted by Calanthe at 12:25 AM | Gets?


Sharing

June 7th, 2007

paano mo ba maipapaliwanag ang kaisa-isang comment sa isang bagong larawan sa site nya na parang ikaw lang ang nakapansin? hmmm... may lusot kaya ito?

eh, ano naman diba? sabi nya nga isa daw ako sa mga matatalik nyang kaibigan [ewan ko lang kung totoo... wala namang dahilan yun para magsinungaling, ngunit... ah ewan!] kaya nararapat lang namang ako ang isa sa mga unang makapansin nun...

at tsaka wala akong magawa eh ^.^ eh hindi ba naman sumipot ang loko sa AIM... kaya ayun... hehehe...

ngunit, ang gusto ko talagang sabihin ay...

... dalawang gabi na magkasunod at napanaginipan ko sya... at hindi lang kami "matalik na magkaibigan"... kung ano pa nga eh, "magka-ibigan" kami... eh ikaw kaya, mapanaginipan mong naghahalikan kayo? [Lunes po ata eto nangyari] mabilis lang nga, ngunit, halik pa rin yun diba? tas sabi pa nya [sa panaginip] na may... na... hindi lang sa pangkaibigan yung halik na yun... na may konti pang halaga... kasi naman nga eh, mahal ko na ata yung taong yun... ang masama pa eh parang nahalikan ko nga... nagising ako, kung ano-ano pa, at hanggang sa ngayon parang andyan pa yung mga labi nya... jusko! tas dun sa isang panaginip, kuha ko kinabukasan, martes, tanungin ba ko kung pwede syang makisakay pauwi? eh mas malayo kaya ang bahay nun! kung ano pa nga eh dapat ako ang magtanong... 'di ko nga lang natapos kasi nagisingginising ako... at... kahapon, wala kasi ginising ako ng maaga... halos nga bumalik ako sa tulog eh... inaantok pa kaya 'ko...

... hindi lang po yan... hindi pa tapos XP sa mga nakaraang araw, sumisipot ang loko... nabubuhay... ano ba yun? at hindi lang po yan ha... kinekwentohan nya kaya ako ng buhay nya O.o oo nga, minsan ako nagsisimula... ngunit... kahit hindi nya naman ako sabihan ng buhay nya, ayos lang naman... gaya ng dati... nasanay na ko dun... ngunit... nagpapasalamat ako sa Diyos at nalaman ko na rin ang kahit kaunting katiting ng buhay pag-ibig nya... kahit hindi ako, basta alam ko...

... isa pa nga po pala XD ng mawalan sya ng koneksyon kahapon, tinext nya 'ko... O.o natuto daw ba? eh dati nawawala na lang yun ng parang bula... hindi naman sa nagrereklamo... nagpapasalamat nga ako eh... ngunit... mahigit sa sampung beses ko nang sinabihan yun na ayaw kong nawawala na lang sya... ba't... ngayon lang sya natuto? natuto na nga ba o isang beses lang? kahit ano pa, masaya na rin ako dahil, kahit isang beses, pinaalaman nya ko ^.^

... kaya ngayon... hindi ko alam kung alam nya na may malakas akong nararamdaman sa kanya... sinabihan ko na ngang, "mahal kita"... HA?! O.O sinabi nya?! opo... sinabi ko po... kapag nagpapaalamanan na... hehehe... para hindi naman masyadong halata XP ako pa? ^.~ at sinagot naman ako... mahigit sa isang beses nga, sya pa nagsimula... kaya ayun... ewan ko lang kung nasa parehong pahina kami o iba ang nararamdamanpagtingin nya sakin... ngunit, kaibigan ma o ka-ibigan, ayos lang sakin...

... basta't nariyan sya...

Posted by Calanthe at 04:04 AM | Gets?


« Newer | »



¤ Home
¤ Archives
¤ Profile
¤ Portfolio
¤ Link Me
¤ Sources
¤ Joined Fanlistings
¤ Tagboard