August 28th, 2008

Ser Sam Nazzarid Chronicles Part 2

Nagkalat sa ilang station sa account na hina-handle ni Ser Sam ang ganito:

slave

Hay, naisip ko tuloy, ansarap magpakaalipin ke Ser Sam.

Kahit alipin saguiguilid pa ako.

Naka-compose tuloy ako ng The Alipin Oath, alang-alang ke Ser Sam.

 

The Alipin Oath


Malugod akong magiging alipin ni Ser Sam.

 

Luluhod ako sa harapan niya:

             para i-pedicure o i-spa ang kaniyang mga paa,

             itali ng maayos ang mga sintas ng kaniyang rubber shoes,

             at pakintabin ang kaniyang sapatos na balat.

 

Tutuwad ako:

             para abutin ang mga gusot sa kaniyang kobrekama,

             para i-floor wax ang sahig ng kaniyang condo,

             at para sa paglalaro namin ng kabayo-kabayuhan.

 

Lagi akong handa para pagsilbihan siya kahit saan niya gustuhin:   

            mapa-kusina man,

            sa loob at labas ng kaniyang kotse,

            sa landscaped garden man ng bahay ng kaniyang mga magulang,

            o sa baldosa ng shower room sa HTMT.

 

Ako ay Sam-panatiko

            sa isip,

            sa salita,

            at sa gawa.

 

Mama mia.

 


sam

Taken from his Multiply site

Currently listening to: Little Bird - The Weepies
Currently feeling: amused
Posted by GHV2 at 06:49 PM | Not Yet Cumming?

August 27th, 2008

Ang Laki sa Gatas....

Kanina ko lang napanood ang TVC ni Sir Jose Wendell Capili.

Para ito sa Laki sa Gatas campaign ng Bear Brand.

Pero bakit ganun, ginawa siyang straight?

Para siyang si Senator Ping Lacson na nangangampanya.

Naipakita nga ung mga libro niya, napakalayo naman ng camera shot.

Dubbing ba yung boses niya?

Haha, andami kong reklamo ha.

Kudos sa Bear Brand sa pagsasama ng isang batikang manunulat sa campaign nila.

Basta laki sa gatas, malakas at matalas (?).

 

sss

Currently listening to: Love Will Lead You Back - Kyla
Posted by GHV2 at 06:49 PM | 2 Reached Orgasm

August 25th, 2008

Gay Lit et al

Ayun, gininaw kami kahapon ni Kuyatot sa loob ng Room 201, CAL Bldg. Ang lamig-lamig kasi, naulan pa. Nandun kami para makinig ng lecture on gender issues by the beautiful Jerry Gracio.

Syet, sapul na sapul ni Ser Jerry ang mga isyu ng isang gay writer sa kaniyang pagsusulat! At ang kaniyang hamon: huwag maging titisentrismo ang pagsusulat ng gay literature.

Bakit nga ba puro sex ang laman ng isang akdang pambakla?

Dahil bilang isang baklang manunulat, repressed ang kaniyang damdamin. Sa pamamagitan ng kaniyang pagsusulat, naibubulalas niya ang kaniyang natural na nararamdaman. Nagiging grapiko ang paglalahad niya ng sex: burat, tamod, tsupa...

Pero bilang isang baklang manunulat, ganun na lamang ba ang kaniyang maisisiwalat? Kung ganun na nga lang, OK lang. Pero marami pang kinakaharap na problema ang isang bakla sa lipunan na kaniyang ginagawalan.

Maaaring isang factory worker ang isang bakla. Naroroon ang economic issue ng isang bakla: kung mahirap ang isang bakla, paano siya makakakuha ng kaniyang matsutsupa? Naroroon ang political issue ng isang bakla: kung bakla ka, nararapat ka bang maghangad ng iyong karapatan? (Or, isa pang halimbawa, paano na ang isang baklang manunulat sa kasalukuyang bill ngayon ni Senator Villar?)

Ibinahagi ni Sir Jerry ang mga tula nina Nicholas Pichay ( "This is a delicate matter, sucking cock" ), J. Neil Garcia ( "Boys" ), at ang aklat ni Honorio Bartolome De Dios na "Sa Labas ng Parlor."

Nakakatuwa, kasi mukhang pati si Kuyatot ay naengganyo sa paksa ni Ser Jerry. Na-enlighten siya. San hindi siya magtaka pag puro etits ang laman ng mga tula ko. Harhar.

***

Nakakatuwa din, kasi halos parang kapitbahay ko na si Sir Jerry. Pareho pala kaming taga-Valenzuela. May isa pa daw na LIRA member na taga-Valenzuela din. Sana magkasama-sama kaming mga bakla isang araw.

Wow, ang sayang usapan malamang ang mangyayari!

***

Me question ako: pag sinabi bang "Domestic Partner," ang meaning ba nun e magka-live in na kayo? Or basta nagsasama na ang mag-partner sa iisang bubong?

***

Me isa pa akong tanong. Pag ba mahaba ang paa, malaki ang ano? Kasi kinuhanan ko ang paa ni Phillip, at oo, mukhang mahaba ang kaniyang paa. Makinis pa.

Hindi ko naman pinapantasya ang lolo mo. Nag-deny pa eh. Haha!

 

paa

Currently listening to: Last Kiss - Mariah Carey
Currently reading: Apokripos - Jerry Gracio
Posted by GHV2 at 07:08 AM | 6 Reached Orgasm

August 23rd, 2008

Nido

Naglambing si Daddy at nagpapabili ng Nido.

Medyo mahal pala ung brand na iyon, buti na lang naunang nakabili ang sister ko.

Hindi namin alam kung bakit Nido ang ipinabibili ng tatay ko. Nung nakainom na siya, nasabi niya na first time daw niyang uminom ng Nido.

Ayan, officially, Nido kid na si Daddy.

Panay tuloy kanta namin dito ng "Look at me, Mom..."


Posted by GHV2 at 06:47 PM | 2 Reached Orgasm
« Newer | »