January 18th, 2005
paalam na aking mahal... POSTED AT 08:05 PM as a stickied, favorite post ![]() ![]() ayun...sa lahat pu ng mga mambabasa at palaging naliligaw sa blog na ito...pasensya na kayong lahat...sapagkat ako ay magpapaalam na sa blog na ito...sa maraming kadahilanan...mawawala na ang bading na bading na bading na walang kwentang ako...marahil sa susunod na lang ulit na aking paginog sa mundong ito ako makababalik...ako pu ay yayao na sa oras na ito...paalam sa inyong lahat...mahal ko kayo!!!peace...rock on!!! PPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAaaaaaLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAMMMMMMM nnnnnnnnAAAAAAAAAAAAAAA sa inyong lahat... ![]() Feeling: dead 2 Komento, Komento, Komento...
|
|
December 26th, 2004
dalawang linggo na lang birthday ko na.... POSTED AT 07:05 PM lumipas na ang pasko parating na ang bagong taon wala ka pa rin... dalawang linggo na lamang at kaarawan ko na, sana magkita na tayo... sana kaarawan ko... sana'y makapumunta ka, sana nandoon ka... kahit wala kang dalang regalo, ang makita at makasama ka'y isa ng espesyal na regalo sa akin... naalala ko tuloy ang text mo, "ayokong magtanong kung ano ang gusto mong regalo!" sumagot ako sa sinabi mo, "kahit anong regalo ayus lamang, basta galing sa iyo.." pero sa loob-loob ko, "ang sabihin mong mahal mo rin ako, yun ang gusto kong regalo.." malapit na ang kaarawan ko at espesyal ang araw na iyon, pero si LeSLeY ang pinaka-espesyal sa akin...
|
|
June 12th, 2004
Between April 13-20,2004 POSTED AT 06:52 PM as a favorite post (PsY-CoH) Dito sa kalyeng ito nagsimula... isang bahay sa metrica... sa kanto ng metrica at dapitan may tindahan ng tinapay. sa cubao may farmers plaza... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. chowking sa kanto ng aurora at EDSA, national bookstore sa may araneta colisium... dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad sa kahabaan ng maceda hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. Farmers Plaza sa Cubao... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. seattle's best sa e. rodriguez tanaw ang st. joseph college, "ground coffee" habang nagyoyosi. dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad sa kahabaab ng maceda hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. May farmers Plaza sa cubao... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. dunken donut na malapit sa fiesta carnival dalawang donut at "brewed coffee" tissue ng dunken donut. sa paligid ng araneta center matatagpuan ang araneta colisium, yosi "break" sa tapat ng jollibee na katabi ng national bookstore sa may araneta colisuim... dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. Dito sa isang bahay sa metrica... harapan ng tindahan ng tinapay sa kanto ng dapitan at metrica... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. chowking sa kanto ng aurora at EDSA, national bookstore sa may araneta colisium. seattle's best sa e. rodriguez, dunken donaut na malapit sa fiesta carnival kape, yosi, dalawang donut at ang tissue. ang palibot ng araneta colisium, dyip na dumaraan sa espanya, trisikel at ang kahabaan ng maceda, kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... mauulit pa kaya?nasaan na... nasaan na tayo?wala na... marahil alaala na lamang... ------------------------------------------------------------------ minsan akong napadpad sa mga lugar na ito...di ko alam kung bakit... pero ang sarap ng feeling...at ang saya saya...hay...maybe memories... |
|
June 6th, 2004
TuLa Ko... POSTED AT 04:26 PM (PsY-CoH) Part I Naalala ko lang ang kahapon, ikaw ay isang larawan lamang. perpekto, maaliwalas, walang buhay... pinipiga ang utak sa ganitong mga bagay. Sa iyong imahen nabuo ang aking hugpungan, muling dumaloy ang dugo't nagbigay kahulugan sa aking mga ugat suminghap-singhap ako... Salamat sa buhay... buhay na muli mong inihatid sa akin... buhay na minsa'y ninais kong kitilin... buhay na nagbigay sa akin ng kawalang pag-asa... Buhay!!! hindi masaya ang buhay kung di ka nabuhay... kung buhay ka man at di ka nakilala ako'y wala na ring dahilang mabuhay. salamat salamat salamat... Part II Heto ako ngayon, sa pagitan ng bawat hininga nag-iisa, nagmumuni-muni at nag-iisip pagka't ang larawa'y isang saglit na kinuha sa buhay... buhay na produkto ng pag-ibig, kung pag-ibig man iyon... Muli akong natigilan... muling nalungkot... ngunit ako ay nangako, di na ako muling babalik sa mga nakaraang paghinto, alam ko na ngayon, ito'y parte lamang ng aking pag-inog sa mundo... Kaya mula dito, nais kong malaman mo na di ko malilimutan ang masasayang sandali na kasama ka... salamat salamat salamat... |
|


