habang ka text ko kanina ang isang kaibigan at habang binabasa ko ang mga posts ng mga tao napaisip ako..is it worth it?
ang dami kong namiss dahil dun..is it worth it?
ang daming mga nangyari sa mga kaibigan ko..at hidni ko sila natulungan kasi masyado akong busy sa pagtulong sa iba..is it worth it?
yah..worth it sya kasi the fact na nakatulong ako sa isang kaibigan..pero is she worth that help? all those times, all those sacrifices? kung sa ibang kaibigan ko na lang kaya ginawa un? ganito pa rin kaya mararamdaman ko? or am i expecting too much? baka hanggang dun lang talaga ang kaya?e bakit sa ibang tao?
dahil ba lagi LANG naman akong nandito?
e pano kung nawala na ako?
ang tanong, may epekto ba pag nawala ako?
o well..you could always find another..ur good in doing that..nakita mo nga agad ako noon e..
pero can u find someone like me?
siguro naman..malamang..baka nga someone better pa..
ayoko ng mainis..kasi wala rin naman akong magagawa kahit mainis pa ako..
kung mabasa mo man ito(which i doubt), oo, ikaw ang tinutukoy ko..
oo, madalas naiinis ako..nasasaktan ako sa pambabalewala mo..siguro sasabihin mo, hindi mo ginagawa un..na mahalaga ako sayo..yea, narinig ko na yun..kaso nahihirapan akong kumbinsihin sarili ko..kasi halos hindi ko maramdaman..pero dahil kaibigan kita, okey lang sa akin yun..alam ko aware ka na ur taking me for granted..dahil sayo na mismo nanggaling un..at wala na akong magagawa kung hahayaan mo na lang syang ganun..kung masaya ka na sa ganun..dahil kaibigan kita..okey lang ulit sa akin yun..ayokong manumbat..at hindi ko gagawin un..dahil hindi ko gawain un..pero ang masasabi ko lang..kung naniniwala ka sa social exchange, ako din, may konsepto din ako ng social exchange..at kung naiinis ka sa mga taong bumabalewala sa'yo..isipin mo, bka ikaw din..
alam kong ihihirit mo..tinatanong kita, hindi ka sumasagot/hindi mo sinasabi..well, if ur a friend hindi mo na kailangang magtanong..dahil dapat nararamdaman mo..at yes, babalik nanaman tayo sa dating issue.. ang so-anong-gusto-mong-gawin-ko-bakit-wala-ka-ding-masabi- issue..
naiinis ako bakit masyado kong mahal ang mga kaibigan ko..bakit ang dali na lang para sa akin ang magsakripisyo para sa kanila..at naiinis ako kasi wala akong ginagawa pag naiinis na ako..hindi ko masabing naiinis na ako..pero in the first place , dapat bang sabihin pang naiinis ka na..
wag kang mag-alala..naapreciate ko yung mga ginagawa mo para sa akin..ay gusto kong magpasalamat sa mga yon..kahit paano, alam kung your trying to improve yourself..kasi kung hindi ko nakikita yun..siguro matagal na akong umalis..
ewan ko..i'm staying sa friendship na to dahil gusto kitang tulungan..sa lahat ng bagay..dahil gusto kitang matuto..para di na maulit ung mga nangyari sa'yo noon..pero minsan feeling ko wala na akong sense dito..dahil kung ano yung issues before, yun pa rin yung issues ngayon..at hindi ko alam kung paano maayos un..honestly..hindi ko alam kung may naitutulong ako para maayos ang mga bagay..o baka isa pa ako sa mga nagpapalala nito..
don't get me wrong..hindi lang puro pagkakamali mo, if pagkakamali nga syang maituturing, ang pinapansin ko..i know ikaw yan..ganyan ka talaga..pero minsan hindi ko lang talaga maiwasang mainis at masaktan kasi bakit sa ibang tao nagagawa mo pero sa akin hindi..oo, siguro nagseselos ako..nagseselos ako kasi alam ko mas deserving ako sa kanila..ewan ko..o baka nagfefeeling lang talaga ako..
pero at the end of the day..kaibigan pa din kita..kahit nasasaktan ako..mahal pa din kita..pero habang tumatagal, dumadami ang nakikihati sa pagmamahal na yun..dati dalawa lang kayo..at ang mahirap, yung parte mo ang nakukuha nila..dahil sa un ang madaling makuha dahil nababalewala..pero wag kang mag alala..sa ngayon, sigurado akong hindi kita iiwan sa ere..tulad ng ginawa ng iba...
pero hindi ko alam bukas..
at sa isang bukas..
...hindi lahat ng laging nandyan ay hindi na mawawala...
hindi ko alam kung bakit kailangan kong ilabas tong mga to sa blog na to..sa mga nakabasa..siguro yung iba sa inyo alam kung sino ang tinutukoy ko..wala akong pakialam kung ano ang isipin nyo o kung lalagyan nyo ng issue tong post na to.. basta ako, alam ko kung bakit ko ginagawa ang mga ito..at para sa iba, wag nang mag attempt..wala kayong mapapala..