bertdey
Posted by cres at 05:41 PM on February 14, 2005.
ito na cguro ang pinaka tahimik na bertdey ko, walang hadaan sa bahay, walang regalo, walang tugtugan, at higit sa lahat walang inuman, pag gising ko parang hindi ako excited, para bang wala lang..... wala akong inaasahan na extraordinary na mangyayari.... hindi mawawala yung mga bumabati at nakakalimot sa bertdey ko...hehe! pero ang hindi ko maiintindihan eh parang meron akong hinahanap na hindi ko alam kung ano yun, until pag uwi galing ng skul dun ko lang nalaman yung hinahanap ko... nagyaya kasi si nanay ko na sa labas nalang kumain ... another first sa family namin so kami kami lang at yung mga iniirog naming magkakapatid... para naman daw yun sa valentines day hirit ng tatay... haaayyy!!! nakakatuwa ang katahimikan ng bertdey ko, walang hassle, walang ngaragan,walang hugasan, at kinabuksan walang hang over.
salamat Lord sa bertdey ko!!!
mag isa
Posted by cres at 07:00 PM on February 9, 2005.
mag isa ako ngayon...... yun lang walang masabi eh hehe!
sa loob ng computer lab
Posted by cres at 04:16 AM on January 6, 2005.
isang bagay na hindi ko maalis sa sarili ko ay ang maging excited sa mga bagay na gusto kong gawin at maging tamad sa mga bagay na ayaw kong gawin pero dapat. haha ayos!!! ang gusto ko talagang sabihin eh astig ang 2k4 dami magnadang nangyari na kakaiba, sabi nga diba kung ano yung hindi mo inaasahan eh yun pa yung dumadating. Yung first quarter ng taon eh parang pangkaraniwan lang nagkaroon ng amalaking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko nung October nung magka dengue yung utol ko,
una: nabuhay yung utol ko.
pangalawa: nakabayad kami sa ospital sa isang mahimalag paraan
pangatlo: nag pray kami as a family ( si tatay in visaya kaya med nahirapan kami intindihin)
pangapat: nagkaroon kami ng covenant na magpe pray bago kumain.(pagsabay sabay kami)
panglima: nag simba na ang tatay ko ( hindi na sya nagsisimba for 17 years)
pang anim: nagkabayad na kami sa inakala naming lifetime utang.
pang pito: hindi na kami masyado nagaaway( hindi na kasi nangaaway si tatay at hindi na nagtataray si nanay)
pangwalo: nagakabayad na ako sa balance ko sa skul.
pangsyam: nagkakalaman na yung ref namin
pangsampu: nagkabati na yung pinsan ko at si tatay.
At ngayong pag pasok ng taon inaasahan ko na marami pang kakaibang gagawin si Lord para mas maging matatag pa kami bilang isang FAMILY.
may isa pa pala napag pray na yung utol ko sa aming new year's eve dinner ayaw na ayaw nya kasi dati.
madami ng plano madaming gusto pero ang dulo si Lord parin ang masusunod. kapit lang hindi naman Siya ang bibitaw tayo lang ang sumusuko. para tayong naka kapit sa patalim yung nga lang si Lord ang nasa TALIM tayo sa hawakan.
sa mag ka KC ko KTFHTC parin!!
bagyo
Posted by cres at 03:44 PM on December 2, 2004.
ang lakas ng dating ni winnie! ngayon as i post this eh nagpapapansin naman si yoyong, marami nang puno ang nabunot, mga bubong na lumipad, tulay na bumagsak, at mga ilog na umapaw. ang bait naman ni LORD!........sa akin, kasi wala akong naranasan sa mga yan napapanood ko lang sa TV, nababasa sa radyo at sa mga kwentuhan, eto nga at nakakapag internet pa ako, ang sarap ng ulam namin kanina, may hot soup pa, tapos sabay higa sa sofa. Bakit kaya hinayaan ni Lord na mangyari yun makasalanan ba yung mga taong yun? hindi naman pwedeng trip lang nya....sino kaya ang gusto nyang kausapin? ako? ikaw? gobyerno? kristiano? muslim? siguro para sa lahat, maaaring iba iba ang interpretasyon o pagtanggap natin sa isa't isa, pero isa lang ang gustong ipahatid ni Lord, hawak nya ang buhay ng bawat tao, at kontrolado nya ang kalikasan at wala tayong laban sa kaya nyang gawin....... Isipin mo bawat isang punong nabubunot isang kabuhayan ang masisira, sa baat bubong na lumilipad isang pamilya ang nawawalan ng tahanan, sa bawat tulay na bumabagsak isang buhay ang nawawalan ng pagakakataong maabot, at sa bawat isang ilog na umaapaw may daang daang mata ang lumuluha sa pagkamatay ng mahal sa buhay.. isang buhay na di natin alam kung nakarinig na ng Mabuting Balita......Ilang bagyo pa ang dadaan at ganito din ang mga maaaring mangyari, ano na ang gagawin mo? ikaw na rin ang makakasagot nyan, pag masdan mo ang paligid mo at ang sarili mo at saka mo tingnan ang paligid ng mga taong naapektuhan malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin..gawin mo ang kaya mo at hindi kung ano ang ginagawa ng iba
[img:468763]
DISIPLINA
Posted by cres at 07:16 PM on November 28, 2004.
Ang kaligayahan na mapasailalim sa disiplina ng Panginoon ay isang bagay na dapat hinahanap hanapat hinihiling natin sa Kanya, alam nyo kung bakit, kasi sa mga bagay na humahawak sa atin dito sa mundo, klasalanan man, career, mga gusto natin sa buhay, mga ayaw, na pinipilit nating malampasan sa sarili nating kakayahan.... ang sagutin yung mga tanong na lumuluto sa utak natin, na para bang hindi natin alam bakit natin tinatanong...OO alam ko na alam nyo na nasa Panginoon ang sagot at sya lang ang makakatulong sa atin pero talaga bang hinahayaan nating kumilos ang panginoon o meron parin tayong iniiwan sa bulsa natin na "pang kungsakasakali lang" Kahit anong gawin nating pag pupumilit na sulusyona, sagutin, hanapin, o pagtakpan wala parin tayong magagawa taong lang tayo, mahina sa lahat ng bagay.... at wag mong sabihing hindi.. lahat tayo may kahinaan, kalokohan, tinatagong kasalanan na hindi dapat natin sinasabing "OK LANG YUN" dahil baka naman dahil gusto kaya "OK" ano ba gusto puntuhin?... isa lang magpadisplina ka sa Panginoon mula sa pinaka malaking issue sa buhay mo hanggang sa pinaka simpleng desisyon na gagawin mo, ipasailalim mo sa Diyos. Hindi mo na kailangan ng magtanong, magisip,maghanap ng solusyon.. ang kailangan nalang eh yung buong buong ibigay mo sarili mo sa disiplina ang Panginoon...mahirap?.... oo mahirap pag may gusto kang gawin bukod pinapagawa Niya... mahirap?....oo mahirap kung iba yung gusto mo sa gusto Nya... Ano ba talaga ang plano ng Panginoon sa akin, sayo, sa atin? ewan ko! tao lang din ako... tanong mo kay LORD..pano mo malalaman sagot? pag nagpa disiplin aka sa kanya... kelan mo mararamdaman ang epekto? sa langit na!
Bakit ko nasasabi ito? kasi ako dinidisplina ng Panginoon ngayon, at masaya ako, na tinanggal nya lahat ng bagay na umuukupa sa isip, panahon at puso ko, nang mas maramdaman ko ang DISPLINA NIYA.... masarap, masaya, walang hirap, basta ganap na pag suko. walng "pero, pero", iniiwang pang bakasakali, at panghihinayang.
lakas ng dating
Posted by cres at 04:01 PM on November 7, 2004.
Ang saya saya ng concert ni Tommy Walker sayang at wala kayo dun una nakakatuwa yung mga CA worship band na kasama ni Tommy Walker.......teka baka hindi nyo kilala si Tommy Walker he is singer musician and song writter sya yung gumawa ng song na mourning into dancing and HE KNOWS MY NAME ok!
balik sa kwento 2 nights yung concert nov. 4-5 17 songs lahat ng kinanta, kaya praise and worship to the max!!! na enjoy ko yung P&W kasi. . . . . hehehe isa ako sa back up choir nila kaya ang saya saya.!!! pero alam nyo ba na gumagawa talaga ang makulit ng paraan para masira ang mga gabing yun dahil umulan nung gabi ng concert nung unang gabi medyo kaya pa nagawa pa naming magpabasa sa ulan, pati yung mga tao nanonood nag basa narinbut the response sa altar call eh grabe parin around 50 souls accepted the Lord as their personal Lord and Savior kaya sulit ang ulan. Then tha following night kala namin aaraw na pero almost the whole day eh umuulan huminto 1hr before the concert starts but as soon as the concert starts the rain falls parang nangiinis si taning dahil mas malakas ang ulan nun napilitan na nga kami bumaba ng platform para hindi mabasa as in para kaming mga basang sisiw pero no match sya tuloy parin at eto pa nadoble pa ang mga taong tumanggap, as the rain is pouring harder saved souls are also overflowing, more or less 1 hundred lioves were brought to Christ hindi na nga napigilan ni Tommy Walker ang saya at nagpa ulan narin, pero habang papatapos na ang prayer the rain has also ending so we started singing and dancing to rejoice and celebrate!!! nandun din ang IVCF to intercede and to be counselors. At yun natapos na ang masayang concert malang sa mga oras na ito eh nasa America na uli sila Tommy Walker, but the memories, blessings and the impact to those who accepted will remain. Lets continue to pray sa mga taong yun. ok
Kaya sa mga susunod na may mga ganong concert Pumunta kayo!!!!nyahahahahaha!!!!!!
yun lang po!
unang hirit
Posted by cres at 07:10 PM on November 2, 2004.
ok mag uumpisa na akong mag sulat dito, wala pa akong masayadong mga articles na mapopost kaya kwento ko nalang yung nangyari sakin ngayong araw na ito.
talagang iba ang galing ni taning sa pag gulo ng isip sa mga nag LCDC alam nyo ang mga revelation ni Lord sa akin at yung cnabi ko na na realize ko na, pero alam nyo ba na pag uwing pag uwi ko tinira agad ako ng mabait na si taning. pilit nya kaming pinag aaway ng tatay ko eng eng ba sya prepared na ako sa kanya, kaya nagawan ko agad ng paraan, ano paraan? hidni ko alam basta hindi natuloy yung away namin, si Bosing na ang kumilos. Yun lang!
salamat talga sa mga taong ginamit ni Lord para mas lumago pa ako. nakaklungkot mang isipin na yung natapos na LCDC ay marahil ang panghuli ko na, sa byahe nga pauwi eh medyo napapaisip pa ako dahil ang lakas talaga ng dating sa akin ng mga ganitong camp. pero natutunan ko din na hindi dapat ako maging komportable sa mga camp dahil ang tunay na pagsubok ay nandito sa labas, kaya buti nalang at may mga tao, bagay, at pangyayari na gingamit si Bosing para malapit tayo sa kanya. ok na bayun? sa susunod nalang uli.
this is nice
Posted by cres at 05:05 PM on November 1, 2004.
i hope i can journal my everyday in this site, this will be a big help for me to share my 24/7 a month.
that's it