ThIs Is My WoRLd

My Categories

your name:

url:

your message:

July 20th, 2005

munting aral dulot ng ulan..

Posted by delilah07 at 11:57 PM on July 20, 2005.

Dalawang oras ka nang nakatitig sa blankong papel.
Hindi pala madaling simulan ang isang artikulong
tungkol sa wakas. Saan ka nga ba maaaring magsimula?

Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula? Hindi na.
Gaano man kahiwaga, ang simula ay nalilimot,
nawawalan ng saysay dahil sa napipintong
katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat sa
nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo upang
pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang tanging
magagawa ng simula ay ipaalala ang simula ng wakas.

Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede. Ang
pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano, saan at
kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga bagay na
habang pilit iniintindi ay lalong nagiging mahirap
maunawaan. O baka naman nasa harap mo na ang
sagot. Ayaw mo lang itong paniwalaan kaya't pilit
mong isinasantabi ang tanong na bumabagabag sa
iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili.

Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan? Sa
ulang hindi mo naman hiniling at dumating sa
panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang nagpakita sa
iyong maaari kang tumingala sa langit at tumayo sa
gitna ng kalsada, habang nilulunod ng mga patak ng
tubig ang iyong kasuotan at mga gamit.

Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.

Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa buhay mo
ay darating at aalis kung kailan nila gusto. Wala
kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na
manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan.
Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin kung
kailan, pero mararamdaman mo ang paglumanay ng
hangin at ang paghawi ng mga ulap.

Ang maiiwan ay ikaw... at isang puwang.

Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan,
kundi sa pamamaalam. Ang isang taong
pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang
hindi umaalis, subalit maaari rin siyang umalis

nang hindi nagpapaalam. Paunti-unti. Dahan-dahan.
Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya, habang sa
iyo, dumarating sa bawat araw ang kapiraso ng wakas.

Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang matapos
na lang ang lahat sa simula. Nang sa gayon, walang
pinagkatagu-tagong text message na kailangang
burahin, walang mga sandaling dapat ibaon sa limot
at walang puwang na palalalimin ng pangungulila.

Nakapapagod maghintay kung kailan muling mapupunan
ang puwang na tanging ikaw ang nakadarama. Mas
madali itong pag-ipunan ng galit at pagkamuhi.

Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo lang na
dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at
kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang
maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.

Maghihintay. Aasa.

Dahil kahit maging balewala ka na sa isang tao,
mananatili siyang importante sa iyo.

GiVe Me Ur BeSt ShOt!!

Be happy to the one you love...Does this concept really exist?!

Posted by delilah07 at 02:19 AM on July 20, 2005.

LOVE is such a complicated word...You Love to be happy and at the same time you LOVE because ur hurt...

When you love someone so much but does not love you back the common advice that you will get is "Move on and be happy for him/her".

Does this concept really exist?! How can you move on when your life's been taken away from you. How can you be happy when your hurting...How can you forget when it is not even your choice to love the person...

If you were able to do this then maybe that's not LOVE u are feeling...Just a simple crush, infatuation or admiration may be...OR you're just in complete denial!...

This are the questions from an inexperienced person...Confused, i might say...

Well, i guess one who loves should know the answer.

1 WhAt'S Ur ThOuGhTs?!

May 24th, 2005

Posted by delilah07 at 03:57 AM on May 24, 2005.

Guess what?! my supervisor just offered me a regular full-time Job at EA...M So Happy!! that means i'll be working with benefits, higher pay and i don't have to worry if i'm terming or not...wohoo!! Happy Birthday to me...Now, all i have to do is wait for the HR offer letter...

There's a downfall on this...it looks like i have to give-up my job at starbucks... i'm also looking forward for my promotion as a shift supervisor in three months time...

geez! too much blessing coming my way...and yet i cant have all of them...oh well, i guess first come first serve...EA goes first...sorry starbucks...better luck next time...

GiVe Me Ur BeSt ShOt!!

« Newer | »