June 10th, 2007
Ngayon alam ko na... POSTED AT 04:53 AM ...na kaya ko tapusin ang Season 3 ng Grey's Anatomy during my rest days ...na may pag-asa pa ren ang mga pinoy kase natalo sa eleksyon si Pacman ...na pag ayaw ng tao, ayaw niya talaga; at kahit anong pilit ang gawin mo, ayaw pa rin niya ...na gusto kong maging anak ni Gabriel Garcia Marquez at masipsip ang utak niya ...na minsan, nag-rest day ka lang, pagbalik mo ibang-iba na ang mundo mo ...na bawal na talaga kumain sa floor dahil kay Big Brother, unless gusto mong sitahin ka ng mga unfriendly neighborhood guards ...na minsan, minsan lang, mas accurate bumasa ng tao si Scheduler kesa sa ken ![]() ...na minsan ang pangarap e naiiwang pangarap lang ...na may mga araw pa palang ganito't nagkakaron ako ng oras mag-update ng nilibing na sa limot na blog Currently listening to: incomprehensible chatter Currently reading: wikipedia's review of love in the time of cholera Currently watching: big brother's camera Currently feeling: uwing-uwi na 4 Heer-IT!
|
|
December 15th, 2006
BOOB TUBE POSTED AT 07:10 AM Kaso alam niyo nangyari? 2nd episode natanggal yung mag-asawa. 3rd episode natanggal sina Aubrey. Sabi ng utol ko, "walang kwenta daw, pwe". Bigla ko tuloy naisip, parang napakawalang kwenta naman ng Pinoy...first 2 teams na na-eliminate. Ang cheapangga. But then, kahit wala nang Pinoy...nood pa ren kame. Pigil pa ren hininga namen, at nagaabutan pa ren kame ng yosi. Aside from don sa mga Pinoy, may 2 pang team na natanggal: yung dalawang indiyanong model (na nandaya, e digital na nga karma ngayon di ba), saka yung mag-officemate na kamuka ni Julie Yap Daza yung isa. Sayang, kase gusto ko si Julie Yap Daza look alike eh...actually, gusto ko sana dalawang babae ang manalo. Para kabog. Di pa nangyayari yun eh..kahit sa (totoong ) Amazing Race. Pag nanonood kame nun, palagi ko iniisip, shet, di ko kaya yung ginagawa nila, ever. Sabi nga ni Scheduler, pwedeng maging EOF ang Amazing Race...pwede talaga no. Kaya di kami pwede sumali don eh...palagi na lang ako magpapa-penalty if ever. Malipat naman tayo sa Philippine Idol, na masugid din nameng sinubaybayan. Medyo magaling nga lang ako kase natulugan ko yung Announcement Night (bumabagyo kase non, sarap magkumot), at the following day ko na lang nalaman na si Mau Marcelo ang nanalo. Buti na lang! Kase binoto ko siya 10 times (sa phone ni ermat ) at another 20 times (sa phone ng mga maid namen...naka unlimitext naman sila no)...wala kase kong load non...LOSER ![]() Galing mo Mau...hebigat in every sense of the word ![]() Isa pang lagi namen pinapanood e ang Reporter's Notebook nina Maki Pulido...galing ng pagdedeliver nila ng in depth report tungkol sa mga issues. Di ko makakalimutan don nung pinakita nila kung ano nangyayari sa basura naten pag kinuha na ng friendly neighborhood basurero. Aba! Matapos pala kameng maghirap magsegregate (ni-tutorial ko pa si Scheduler ha, kase medyo nalilito siya sa nabubulok at di nabubulok) eh pinagsasama-sama lang naman pala nila sa truck! Hindowt! So pwede ko naman palang isama yung mga nanigas na bangkay nina benito sa mga tira-tirang kanin, 1.5 containers, gamit na pantyliner, balat ng sibuyas, upos ng yosi at mga nilamukos na papel. Pero teka, sino ba yung nagsabing nagiging basura lang naman daw kapag pinagsama-sama mo na ang papel, plastic, tirang ulam, bote...pag hiwa-hiwalay - papel, plastic, tirang ulam at bote pa rin sila. Smart no? I think si Sep nagsabi nun sa isa sa mga inuman session namen. Anyway, yosi na ko. Remember, segregate! (it's the thought that counts anyway). PS: Anetski, di pa na-a-upload eh. Currently listening to: catreena talking to herself Currently reading: owen meany Currently watching: goya, rating a girl who passed by Currently feeling: yosing-yosi na |
|
December 12th, 2006
Baket? POSTED AT 05:44 AM Sa aking pagbabalik, may mga baon akong tanong: 1. Baket kelangang ang mga clerk of court eh may bisaya factor? Everytime na lang binabasa ang ruling (especially sa mga celebrated cases) e ordeal makinig sa hatol ni judge. Di kaya dapat mag-crash course muna sa accent removal course sa isa sa mga callcenters itong mga ito? Parusa eh. 2. Baket kelangang mamatay si Toni G sa It Might Be You? Nooooooo! 3. Baket kelangang haven ng mga Ben (the two of us need look no more) ang apartment namin ni Scheduler? Isang major test of endurance ang pagtanggal ng flypaper habang nakatitig sa yo ang isang minalas-malas na bubwit...parang gustong umapela sa emotions mo na di mo maintindihan. Gusto ko sabihin sa kanilang "Mga peste kayo! You gave us the black plague!" kaso since di naman nila ko maiintindihan, sinusupot ko na lang sila (twice) at iniitcha sa basurahan. 4. Baket ganito na itsura ng blog ko? - thank you kay vanessa, ni-career niya to 5. Baket nakalimutan ko na ang ibang tanong ko? siguro kase patapos na lunch ko. Anyway, maraming salamat kina Archie, Katch, Rodalen, Anetski, Nathan at Ellen - kase bumili sila ng kape at ni-donate ang sticker kay Scheduler. Meron na tuloy siyang planner (finally!). Nga lang, naging impetus lang ito para mag-start uli siyang magpuno ng isa pa...vicious cycle ito! Salamat din sa mga trike driver sa may amin, lalo na yung mga lantarang may death wish. Dahil sa inyo, wala pa kong late...yey! Syempre salamat din kay manang at manong sa favorite kong tindahan, kase laging malamig ang san mig light sa kanila. Nyarap! Salamat din kay Jesus, kase dahil sa kanya may Pasko at dahil don, may 13th month pay (tax free!). Currently listening to: sheryll listening to her qa session Currently reading: holy blood, holy grail Currently feeling: blangko |
|
May 25th, 2006
April 6th, 2006
1108 POSTED AT 11:42 PM Last Tuesday, tinungo namen ni RTA ang Cuneta Astrodome para sa graduation ng unico hijo nila. Late na kame dumating, pero wala pa sa kalahati ang tinatawag nun, kase nga, 1108 ang graduates. Buti na lang malamig sa Cuneta...at habang mabali-bali ang leeg ni RTA sa pagpa-power nap sa tabi ko...ginawa ko ang favorite pastime ko tuwing uma-attend ako ng graduation. Tinitigan ko ang programme...at eto ang napala ko. Ang daming kakaibang apelyido sa batch na to: TRANSFIGURACION (feeling ko kamukha siya ni Hesus), HUNGRIANO (di pinoy to i bet), CHANTENGCO (eto din), ESPERANZATE, GELLAMUCHO, NACULANGA, SALUNDAGUIT, DEPUYART, CARAECLE, ESTELEYDES, CHOWDHARY (porener!), at MEQUIERME. More on the local side - TUMABOTABO, SETENTA, CANDIDATO (imagine, iboto naten si Candidato! bagay di ba?), GAGABU-AN, MONTECALBO, FUTOL, (kung may) SABADO, (meron ding) VIERNES, nandon si ESCOTILLON, (na feeling ko pinsan nina) ESLOPOR at ESTILONG. What about PUDADERA (parang nagmumura no?). Meron din namang food-oriented, sina CARBONERA at si BISCOCHO. Pede na den naten ihilera diyan si ITLIONG (slang for egglog). Si KINGKING (mukang cute) tapos si ABAY-ABAY (parang feeling ko naka-gown). Eto mga tunog coño: RICABLANCA, BUENAOBRA, VILLACAMPA, VILLASEÑOR at (eto panalo) NUEVA ESPAÑA. Nung naubusan na ko ng apelyido, sa first name naman ako tumitig. At feeling ko misspelled ang mga ito: SUMMY, KERSTINE, BHRIAN (what's with the H?), MECHELLE, ABEGAEL, (na may variation) ABEGUEL, DESERY, (na pede ring) DESHERY. Eto parang feeling ko, baka mga kamag-anak ni chona: MARKLISTER (1 word ito!), BEBELYN, YBONNE at RAYMON (feeling ko slang to ng RAMON eh). Ano naman ang mafi-feel mo kung ang first name mo e nickname lang? Tulad ng TEEJAY, RIC-RIC (with a dash ha), JAY-AR (eto din), JR (o mas maikli pa), EDDIE BOY, DEMMY, JAYPEE AT JHOMAR. Naisip ko, pano pag tinanong ang mga anak nila in the future. [Sino tatay mo? Si Ric-Rick po. O kaya, lagot ka sa tatay niyan, si mang Teejay - malamang lalo mabugbog yung bata]. Siyempre mawawala ba ang mga combination ng pangalan ng tatay at nanay nila (undeniably mga vain parents ito): JESSE MARIE, BOBBIE MAE, MEYGLENN, KAREN KIT, JIMMY ANN MARIE (nalito ako kung babae ito), JONAREMY at DHIMMY MARIE. Kung minalas-malas pala ko, LINDESTO o kaya ERNELINDA ang pangalan ko...dahil Ernesto at Erlinda ang pangalan ng mga magulang ko. At dahil pine-pressure ako ng 2 bisor sa tabi ko...kelangan ko na magpaalam. Huling hirit lang, dahil sa mga pangalan na yan, i survived the 6-hour graduation rite. Salamat kids! Currently listening to: goya and jean na nangungulit Currently reading: si krantz pa ren Currently watching: aggie...baka manganak na siya eh Currently feeling: excited! weekend ko na eh |
|






