GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries in category "What About Them?"




Hey, Call Boy
| 08:16 PM

posted in What About Them?


Nagpunta ako sa SM Megamall kanina para bumili sana ng swimwear na unsuccessfull naman dahil 2 different sizes ako at mahal yung nagustuhan ko. For that, foot soak at body scrub naman ang nabili ko. Sanka. Pero hindi yan ang point ng aking entry.

So naglalakad ako kanina sa Mega, kakalagpas ko lang sa elevator nang biglang may lalakeng sinabihan ako ng "Yes, Miss?" Hindi ko na siya dinouble-check o nilingon pa. Pero shet, "Yes, Miss?" daw?! Mukha ba akong rumi-renta ng call boy?!

Ok, given nang may mga barumbadong utak dikya na lalake sa ating lipunan. Pero pag yang uri nila ang na-encounter mo, hindi "Yes, Miss?" ang sinasabi kung hindi "Hi, Miss!" Eh etong si call boy sa Megamall, aktong naka-sandal pa dun sa railings sa gitna ng SM. (see picture) I therefore conclude na isa siyang call boy. hahahaha. Ok, wag na nating pahabain ito, baka maging social awareness entry na at mapunta pa tayo sa diskusyon ng impact ng Philippine economy sa daily practices ng bawat social subclass or the other way around. At baka seryosohin niyo, may I just say na hindi ko sure kung call boy ba siya. Mukha lang siyang stereotypical call boy. At wag nyo akong hihiritan ng "don't judge a book by it's cover" o ng "this is no laughing matter," bilang observant at creative lang talaga akong tao. Hmpf.




Ganyan yung sinasabi kong parang call boy. Yung nakatambay sa mga railings somewhere. Yung mga tambay sa mall, naaalala ko, na-feature yan sa Imbestigador. hahaha.



Moving on, kailangan ko lang ding i-share na nakita ko sa Mexicali si Dindin Moreno, drummer ng Parokya ni Edgar, kasama ang family niya. Eh nahiya akong magpapicture, and for that, hindi ko pa rin naisasabuhay ang magpapapicture dapat twing may celeb encounter. Kung may kasama lang sana ako na mag-aaya at mangunguna sa picturan, as Jerjer put it, "Gora itetchiwa ng photoshoot! Go ever go ever! Celebritich itei!" But I was alone, at tinablan ako ng hiya. Bow.


[ gdwn ]




Ranting about the Manila Ocean Park
| 01:54 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


Yesterday was family day at the Manila Ocean Park. Whatever. hahaha. Thinking that since it's the Holy Week and most people will be at home, mom decided to take us to Ocean Park. Ok, she was wrong. First off, the Manila Ocean Park doesn't have rides like the one in HKG. So basically, the MOP is just a big museum that's still in the works. Also, we all know how undisciplined we Pinoys could be, so MOP + packs of families + one hot summer day = Ultimate Chaos. Let's give the MOP a chance though. Since there are parts of the park that are not fully operational yet, let's just hope that once these sections open to the public, everything will be more organized. In the meantime, I would not suggest that you spend time at the MOP if you plan on having fun this summer. A day at your local palengke or pet shop would give you the same experience, pero di sing-mahal.

Ok, I'm sorry for discouraging you to visit the MOP, pero hindi kasi talaga ako nag-enjoy. Daig pa ang enrollment sa haba ng pila, eh pag enrollment nga, nakakadiskarte ako para hindi na lang pumila. Aside from that, palengke feel talaga. Hoards of families were in Ocean Park yesterday--families with screeching little kids. Para akong nasa day-care center, at seryosong ang kukupad kumilos ng mga tao doon. Parang pila sa concert nina Pops Fernandez at Sharon Cuneta circa 1980's. Parang pila sa Wowowee. And I tell you, what I'm saying is no exaggeration:






Mapapaaway lang ako kung magpa-practicum ako doon. Super piss-off, bitch-up moment talaga kahapon. Mainit na nga, siksikan pa. To think na relatively sosyal na establishment ang pinuntahan mo. Ok fine, soft opening kasi. Pero hello? Eh ako pa naman, pag nilalagay nyo ako sa mataong lugar in that kind of atmosphere, nagkakasala ako. Day off kung day off talaga kahapon, kamusta naman. Meron pang babaeng nakasuot ng "I'm not a bitch. I'm the bitch. And to you, I'm Miss Bitch." Classic example ng I love the shirt pero siya ang nagsuot; at pag morena ka, i-assess mo muna kung keri mo ang hot pink. Ay josko, migraine kung migraine.

So nung finally, nakapasok na kami sa Ocean Park, as in sa mismong museo... nako, anong sinabi ng walang konsepto ng carrying capacity? As in labu-labo lang ang mga tao sa loob, parang mga bata sa loob ng giant swimball. Hmpf. MOP has great potential naman eh, management of visitors lang ang problema. Pero with our nature na hindi marunong magbasa ng sign boards, hindi ko alam kung paano iwo-work out ito ng MOP management. (Hello, shout out.)

Anyway, nasabi ko na bang hindi ako nag-enjoy? Paano ba naman, ang hirap din kumuha ng picture doon. Talagang e-effort ka para makakuha ng magandang picture. Wala tuloy akong 50 First Dates at Romeo and Juliet picture. Halos lahat ng kuha namin eh yung mga lamang-tubig lang. So para lang kaming nagpicture para sa field trip requirement. Eh aba, mas may close encounter pa ako with the sea creatures nung MS1 field trip namin sa Galera. (Oh, and for that, I NEED an underwater camera! shet!)




The only good photo we have.
other pics @ multiply



Odiba, fish in tanks lang talaga. As in, in obviously fake environment pa. Hinihintay ko na nga lang madaanan namin yung tangke ni Alice Dixson as Dyesebel eh. Mas appealing pag ganon diba?

well, anyway, hindi ko lang siguro naenjoy kasi nga exaggeratedly mainit ang panahon tapos ang dami pang tao. Siguro pag open na completely ang Ocean Park, babalik ako. Siguro. And hopefully, by that time, hindi na marami ang tao at magawa ko na yung 50 First Dates at Romeo and Juliet photoshoot ko. I thank you.


[ gdwn ]




Da Bomb and that MRT Bitch
| 08:18 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


It's been two weeks since I last posted an entry, tapos picture pa. Naiinis ako dahil ang dami kong gustong i-share sa inyo pero hindi ako makapagsulat. Nakakatuyo!

Anyway, last week, may bomb drill sa aming office. Hindi naman pisikal na bomb drill; handling bomb threats over the phone lang naman. Actually, Sept. 5 nang pumasok daw yung bomb threats. Eh half day ako nun kaya kinabukasan ko na nalamang meron na palang naganap. Sabi ko pa, sana na-experience ko man lang. Nagkamali ako sa mga binitawan kong salita.

Sept. 7, around 3pm, may pumasok na tawag sa akin: Sa-sa-bog na ang bom-ba. Punyeta, akala ko tapos na yung bomb drill na yan tapos nakatanggap pa ako ng tawag! Eh ang SOP namin, i-alert ang mga kaopisina by calling out "Bravo Whisky" (as in BW for bomb warning). Edi sigaw naman akong ganyan... tapos narinig ko na lang si hired actor: "Sige, tumawa ka pa." Shet! Pagtingin ko sa telepono, hindi naka-mute! Nainis talaga ako sa sarili ko nun.

Tapos sinabi na nung caller ang detalye ng bomba: Nasa airport, departure area, dahil daw sa pamahalaan kaya ginagawa niya yun, yadda yadda. Eh nasabi na kasi niya yan sa mga naunang nakatanggap ng bomb threats. Pero improving, detalyado na ang tawag niya ngayon! Sa mga nauna raw kasi, binababa niya ang phone tapos kulang ang details. Bongga, learning from his mistakes! Pero ang bagong hirit niya: sasabog ang bomba sa loob ng sampung minuto. Ayun na, kinabahan kami. Tapos nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko chinika yung "terrorista." Eh diba nga ang point nun was to get all the info I could have gotten, and have him stay on the line long enough to track the call? Eh hindi ako nakapagsalita. Leche siya. hahaha. Sinisi?

In fairness, natakot ako sa kanya. O baka dahil may added 10-mins deadline siya. Pero ako kasi, hindi naman ako matatakutin eh. Pero na-realize kong natakot ako sa bomb threat dahil hanggang kinagabihan, naaalala ko pa rin yung boses niya. Pangalawang beses pa lang akong matakot nang ganito. Yung una eh nung napanood ko yung Undin sa Shake Rattle and Roll nung bata ako. Buti hindi long-term ang epekto sa akin ng mga ganyan.


(Moving on to the MRT Bitch....)

Akala siguro niya hindi ako papalag. Eh nagkamali siya ng pasaherong ginago. Hello, P100 din yun!


[ gdwn ]




Men's Wear
| 08:35 PM

posted in What About Them?


Sa totoo lang, hindi ko mawari ang mga japorms ng mga naka-muscle shirt, ng FUBU gang at Jersey boys. Kung gagawing costume, pwede sigurong tanggapin, pero yung ganun ang suot mo sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, medyo off na yata. Hindi naman ako ma-fashiown, in fact, I can't even call myself fashionable, pero di ko lang mapigil mag-comment sa mga ganung klaseng get up.

Kanina kasi, may nakasakay akong UP student sa Pantranco jeep. May UP ID kasi at sa FC bumaba. Wala namang relevance yun, gusto ko lang sabihin, baka makita nyo siya somwehere. Pero pag-akyat kasi nitong lalaki sa jeep, una kong napansin ang necklace niya. Akala ko kasi, rosaryo, dahil ganun ang itsura nung mismong necklace. Nang sinundan ko ng tingin yung necklace papunta sa pendant, aba, nagulat ako kasi wala naman palang pendant. Nakasambulat na dibdib ng lalaki ang tumambad sa akin.

Edi siyempre, ako pa ang na-eskandalo! Gusto ko na ngang tanggalin yung pardible ng blouse ko para ibigay sa kanya. Tutal, mukhang mas kailangan niya yun. Wala naman kasi sa lugar ang pagpapakita niya ng dibdib (sadya 'yun, kasi ang daming butones naman ang bukas ano). Etong pa-mhin na ito ay kalakas naman talaga ng loob na magpakita ng dibdib; parang hindi aware na eyesore siya.

Siguro kung pictorial, pwedeng pagbigyan yang ganyang japorms. Pero yung iharap mo sa publiko ang sarili mo nang nakaganun?! Maawa naman sana siya sa ibang taong makakakita sa kanya! Pipicturan ko nga sana, nahiya lang ako. Baka kasi sabunutan niya ako. Siguro din, kung gusto niyang magpakita ng dibdib, gawin na lang niya sa beauty contest -- sa inter-college or inter-batch beauty contest kung saan ipapaskil sa lobby ang pictures. (Wala akong pinatatamaan, gusto ko lang i-bold. hahaha. hahaha.)

Pero kanya-kanya namang trip yan. Marahil sa malamang, lahat naman tayo ay sumasakit ang bangs dahil sa porma ng ibang tao, kaiba man o hindi. Basta ako, kinailangan ko lang ihayag yung feelings ko... masakit kasi sa ulo pag kinikimkim! (Ganun ang impact niya!)


[ gdwn ]




MRT Pet Peeves
| 04:01 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


Isang linggo na naman ang nakalipas; limang araw ng pagsakay sa MRT. Dati, occasional lang ang pagsakay ko ng MRT. Ngayon, araw-araw na talaga. Jusko, mas nakakapagod pa nga ang biyahe kesa sa trabaho. Sanayan lang, pero ito talaga ang mga nakakainis:

  • Wet and wild hair. Ayaw ko talaga sa mga pasaherong basa ang buhok pag umaga, lalo na pag siksikan; lalo pa pag mahaba ang buhok. Feeling ko, lagkit na lagkit ako pag nadidikitan ako ng mga basang buhok nila. At pag face-to-hair encounter na ito, mahirap kaya huminga! Ok, alam kong walang pakiramdam ang buhok, pero kung ikaw yung pasaherong basa ang buhok at alam mong nasasagi ng ibang tao ang buhok mong basa, hindi ka ba maco-conscious? Kahit na lang para sa hygiene mo? Ano na lang yung hawiin mo panamantala yung buhok mong basa?

  • Wet and wild hair. Mas prominente sa jeep ang wild hair--yung nakakain mo na ang buhok ng katabi mo dahil feel na feel niya ang pag-ihip ng hangin sa kanyang buhok. Sa MRT, hindi naman ganito ang eksena. Walang hanging iihip sa buhok mo, pero may iba, talagang may-I-flip-my-hair ang drama. Hala, siksikan na nga, gaganun ka pa? May ganda ka naman ba sa kasalukuyan??

  • The Cubao Drama. Ito talaga, the best. Tuwing umaga, iba't ibang linya mula sa sari-saring pasahero ang maririnig mo sa Araneta-Cubao station. Sorry for the term, pero ang barbaro lang ng dating. Ok, hindi naman maiiwasan ang pakikipagsiksikan, pero sa Cubao, bayolente talaga. At kailangan ng mga dialogue tulad ng:

    "Umurong naman kayo sa loob, ang luwag-luwag pa!"
    "Padaanin nyo ako, may dala akong bataaaa!!!!"
    "Magpapasok naman kayo, pare-pareho lang tayong male-late!"
    "Ouch! Anubeeeehhh!!! Ouch, ouch, ouch!" (akala mo naman, mayaman)
    "Bakit ba ayaw mong umurong??" // "Nakikita mong wala na akong uurungan, naniniksik ka pa!"
    "PALABASIN NYO MUNA AKO!!!!"


    Ang problema naman kasi, yung mga pasahero from North Ave to GMA eh ayaw nang umusog papunta sa "joints" ng MRT cars. Gustung-gusto nila sa may safety hand rails, samantalang sa Taft pa naman ang baba. Either gusto nilang may kakapitan o gusto pala nilang nasasagi at nasisiksik ng ibang tao ang kanilang mga likuran. Anong malay ko kung fetish nila yan?

  • Pole dancers. Minsan, nakaka-engganyong hilahin ang buhok ng mga babaing niyayakap at sinasandalan ang poles sa MRT. Inaangkin talaga nila na para bang gustong iuwi ang bakal na kinakapitan. Baka nakakalimutan nila, free-for-all yun. Baka gusto nilang pahawakin yung ibang na-a-out-of-balance sa tuwing pepreno ang MRT.

  • Seat plan. Seryosong nakakabadtrip yung mga umuupo sa aisle ng MRT. Tolerable pa yung umuupo sa "extension" ng seats sa gilid. Pero yung nasa gitna ka at wala namang upuan doon, tapos uupo ka na lang bigla dahil pagod ka na... aba, wag kang mag-arti-artihan! Nakaencounter na ako ng ganito: sa aisle mismo at sa joints. Hindi ba nila nare-realize na mas malaki ang ino-occupy na space pag ganun? At wag nilang masubukang magdahilan ng nangangawit na silang nakatayo. Ang sarap tadyakan ng ganyan.

  • Balyahan moments. Gaya ng sabi ko, di maiiwasang magsiksikan. Pero yung mambalya ka, ang garapal naman yata. Enough said.

  • "Securing" a space. Napansin nyo, kapag may lalabas sa MRT tapos medyo lumuluwag na, ayaw magpatinag sa puwesto nila yung iba? Nakakainis talaga yung ibang ganyan na ayaw magpadaan. Usually, sa Shaw, Boni, at Guadalupe ko nae-encounter ito. Medyo maraming bumababa doon at alam naman siguro nung mga pasaherong luluwag na yung tren, pero ayaw talagang magpatinag, bawal daw magpadaan! One time kasi, napuno lang kasi ako dun sa katabi kong mataba na ga-troso ang braso. Umiiwas na lang ako pag halos nakasalpak na sa mukha ko yung braso niya. Pero nung bumaba na yung mga tao sa Shaw station, umurong pa siya palikod, away from the seats para "makaluwag" sa puwesto. Eh ako naman, nowhere to go kundi palikod din, kasi nga nakabakod siya at ang braso niya sa posibleng uusugan ko paharap. Eh may dumadaan pa sa likuran ko. "Puwedeng bumitaw ka muna diyan? May mga dumadaan pa sa likod, o."


    Yan na muna for now. Magdadagdag na lang ako pag may naalala pa ako o pag may na-encounter akong bago. 'Wag nyo akong mahirit-hiritan ng "edi wag kang sumakay sa MRT kung ayaw mong maexperience yan." Don't tell me, perfectly OK with you itong mga pinoint-out ko. belat.



  • [ gdwn ]

    « Newer | »


    powered by FreeFind

    TAGBOARD






    READABLES





    CATEGORIES

    The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

    Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

    What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

    Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

    Unclassified: least important / least interesting entries




    CHURVA

    Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

    Creative Commons License
    This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



    RiceBowl Journals
    A Pinoy Blogger






    image from wastedlyf