GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries in category "Entertainment / Fangirling"




UP Pep Makes UP Proud TALAGA.
| 08:14 PM

posted in What About Them?, Entertainment / Fangirling


Una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY, PIO!!!! Sabi ko nga kay Kaeos, na syempre hindi nga pala niya nareceive dahil wala siyang phone, "Manalo man o MANALO, magpalibre kayo kay Pio. Tutal bday naman niya!" Eh owell, you won. At may MP3 players kayo, shet ka! hahaha.

Just like Jeff, UP Pep fan din ako. Aminin natin, basketball naman ang puso ng UAAP dahil yun ang nati-TV. Kung hindi ka sports fan tulad ko, hindi ka naman eeffort manood ng games ng teams na non-televised. Kaya ang siste, nagiging UAAP = basketball. Pero dahil bugok ang Maroons sa basketball and I'm SOOOOO NOT a basketball fan, UAAP = cheerdance para sa akin. Tutal, doon naman nananalo ang UP eh.

O anyway, Dun muna tayo sa gusto kong icomment sa UAAP Cheerdance Compet. Aside from okraying squad uniforms, narealize kong isa pang nakakakuha ng atensyon ko sa cheerdance eh yung music. GRABE. Dito mo maririning yung gay-est, most rocking, most nostalgic, or ultimate WTF-why-choose-that? music. Nakakatuwa at nakakatawa.

Tinatamad akong commentan ang bawat team this year. Hindi kasi ako nakapag-notes. Kasi, pagkatapos magperform ng UP Pep, yung routine pa rin nila ang iniisip ko. ANG LUPET, SOBRAAAA!!! Yung ang galing galing na nakaka-kilabot talaga. This year's is my favorite performance na. Yung huling fave ko kasi eh yung may arnis sila at naka-capris. Kelan ba yon? O anyway, UP Pep sets the trend talaga. Last year, they were rock stars. This year, tribo naman. Not to mention the originality of music. Hands down, UP Pep. Kung sakaling hindi man kayo naging champs ulit, which I doubt, UP will still love you for this year's routine. Kasi stand out eh. At exceptional talaga.

Ganyan kagaling ang UP Pep that they touch the hearts of many. hahaha. Parang E-heads. May ganong comparison? Basta. Nakita ko pa nga yung friend ko sa TV na umiiyak. Itago na lang natin siya sa pangalang Aristotle Maglayon. Pero kaya siguro ako fan ng UP Pep, bukod sa magaling sila nang BONGGA, eh dahil malapit lang sila sa puso ko. Kasi ang dami na ring UPIS peeps na dumaan diyan. At for the past few years, naging 03-dominated din ang Pep Dancers/Drummers. Iba yung feeling na nakikita mo na yung mga kaibigan mo on TV na nananalo sa much-anticipated event every UAAP. Kung hindi mo man sila nakikita, alam mong andun sila at pumapalo. Shout-out sa mga natitirang 03 sa Pep ngayon: Pio, Kaeos, Mapat -- field demo days pa lang eh nagpapataob na kayo ng other batches. Being in the UP Pep Squad is not that different. Gumaganon!

For that, CONGRATS, UP PEP SQUAD!




[ gdwn ]




Nothing Special
| 09:27 AM

posted in Entertainment / Fangirling


Last Tuesday, napanood ko na rin yung A Very Special Love dahil sa peer pressure, LSS, at good reviews. Na-excite naman talaga ako, kasi yung mga kasama ko pang manood eh 2nd-timers na sa pelikulang 'to. Nasa mood naman ako manood, ready to feel kilig.

Kaya lang, ayun... Forgettable ang movie. Gusto ko siyang i-blog at i-recount ang kilig moments with kilig lines, pero eto, ang tagal nang pending nitong sinusulat ko, ngayon ko lang natapos dahil hindi ko rin maalala yung mga eksena. For a supposedly feel-good romcom, nahabaan ako sa A Very Special Love. Hindi dahil sa mahaba ang running time, kundi dahil ang tagal bago dumating sa kilig scenes at parang ang tagal bago dumating dun sa kwento talaga. Akala ko noon, madali akong ma-impress sa movies kasi naappreciate ko naman yung movies nina Juday at Piolo, at ang latest kilig movie for me ay yung You Got Me. To think na naappreciate ko siya despite the casting of Zanjoe Marudo in the movie, it must be samteeng!

As Jessica Zafra put it, A Very Special Love was simply a series of kilig moments. Yun nga lang, hindi ko na-feel yon! In fairness, I was really looking forward to the kilig scenes, masabi lang, pero ilan lang yung tumatak sa akin.

(Tulad na lang nung...)

Pero nag-shine si Sarah Geronimo. No doubt, moment niya sa pelikulang ito. Kung si John Lloyd yung nagbigay ng "awwww..." factor sa movie dahil sa drama scenes at sa heartless-boss-turned-soft-hearted-lover character niya, si Sarah naman yung continuous comic relief. WHATTAFACE kasi talaga. Yun naman ang puhunan nila sa movie -- facial expressions ni Sarah. Walang malupet na dialogues pero yung mukha ni Sarah Geronimo, iha-haunt ka forever.

So ngayon, meron namang For The First Time. Ay nako, dito hindi na ako magpapapilit manood nang may bayad. Richard Gutierrez movie eh. Walang kalatuy-latoy na acting naman yan. Kahit set in Greece pa. Nako, magpunta na lang tayo ng Greece at gumawa ng kanya-kanya nating pelikula.




[ gdwn ]




Villains Make The Movie - TDK sorta review
| 10:28 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Finally saw The Dark Knight with kasmot, hahaha. Hindi na talaga ako nanood nung opening week dahil last time na nanood kaming magkapatid sa opening day (HP Goblet of Fire), na-stress lang ako. Hindi ko rin naman talaga pinagkahintay-hintay tong movie na to dahil hindi naman ako Batman fanatic. Nung una, na-intriga lang talaga ako sa critiques on Heath Ledger's performance, but after reading movie reviews in peyups.com, I decided that The Dark Knight is one movie I can't afford to miss. I stopped reading reviews before I got to the spoilers -- knowing that this was the darkest Batman film to date was enough to have me see it on the big screen.

For a movie that ran for over two solid hours, I didn't find The Dark Knight boring in any way. True, the movie was overhyped, but it garnered a lot of positive reviews and it did not disappoint. From the beginning to the end, the movie was sinister; demented in ways other than just the protagonist - antagonist plot. This was the kind of movie you'd still be thinking about even after the cinema lights have gone back up and even after you've left the theater. Ito yung movie na pagtayo ng audience paalis ng sinehan, damang-dama kong haunted sila nung istorya, parang zombies na naglalakad nang tahimik, dead air accompanied by the music of the closing credits. Ganun ang impact.

(onto the spoilers)

No further comments on Christian Bale as Batman. He is the Batman, and he is the story. He may not have had lines that stuck to my head, but he didn't need that.

Obviously, I enjoyed watching "The Dark Knight" and I plan on seeing it again on the big screen. Kasi diba, the first time you watch a movie is just for entertainment. The next time you see it is for actually absorbing and assessing the story. But I'd probably see it again, simply because I want to. And it's worth another viewing.



[ gdwn ]




London Fam Tour
| 06:48 AM

posted in Entertainment / Fangirling


"London familiarization tour" -- That was how we labeled Ate Shawie's movie, Caregiver. Sad to say, na-disappoint ako sa movie na ito na pinagkahintay-hintay ko.

Just so you know, about movies ang thesis namin ni Charm nung college. Dahil doon, we developed this inclination towards Pinoy movies, kahit mainstream. Napag-uusapan pa namin noon kung kailan kaya magkakaroon ng movie ang Star Cinema na "London," gayong meron nang Dubai at Milan. Tapos, in less than a year yata, nalaman naming may Sharon Cuneta movie set in London kaya naexcite naman kami. Nakakatuwa kasing isipin na nag-materialize pala yung what-if's namin.

Then, finally, I got to see Caregiver last night with my CX friends. Kung sa amin ni Charm, fascination for movie addicts ang pag-materialize ng London film na to, sa amin naman ng CX friends, London fam tour ang Caregiver. Bilang mahal ang long haul flights at wala naman talaga kaming panahon para mag-leave nang kaswalan at wala (pa) kaming UK visa, watching the film was probably the closest we could get to London (sa ngayon).

Kaya lang, ayun, the movie failed to impress me. Siguro, factor na rin yung katabi ko ang mahadera kong officemate na si Jerjer, na walang patawad sa pag-comment sa movie, kaya hindi ko na-feel yung overall drama effect ng Caregiver. Feeling ko tuloy, nakakainis kaming dalawa sa sinehan kasi akala mo, nanood kami ng comedy movie kung makapag-comment. Gusto ko pa namang maantig, tutal bihira naman ako manood ng drama movies. Pero the movie itself, despite the presence of Jerjer, was dragging and lacked the "kurot sa puso" factor.


(Spoilers ahead)

Dragging as I find it, may parts pa rin namang nag-enjoy ako sa panonood. Paano ba naman, nandoon sina Jhong Hilario, Lotlot de Leon, Monique Wilson, Anita Linda, Dexter Doria, Kuya Boy in Maximo Oliveros, Ella V, and Gary Granada. Hindi kasi ako aware na andun sila. Kaya nakakatuwa lang na kasama pala sila doon. Pati nga yung asawa ni Ai-ai sa Ang Cute ng Ina Mo, andun din eh!

At in fairness naman sa Caregiver, may funny lines din. Although hindi sapat yun para maging enjoyable for me ang movie. PERO NAMAN... sobrang naappreciate ko yung kinuha nilang Brit actor to play the role of Mr. Morgan. Siya talaga yung fave person ko in this movie. Yung mga linya lang niya ang tumatak talaga sa akin, lalo na ito:

Sometimes, when you least expect it, someone will come into your life, and make you feel less lonely.


Yang buong eksenang yan, ang sakit sa puso. Pati yung simpleng "Thank you" ni Mr. Morgan for Sarah's job, dama ko naman daw. (Mahanap nga transcript nito.) hahaha. Tapos may letter pa si Mr. Morgan kay Sarah na talaga namang napa-tears on cue ako. Narealize ko lang, that you really have to love yourself and find the path that your heart tells you to take. That you have to make it a point to consider what would be better for yourself before taking on other people's problems, or giving in to their needs. Pero hindi sa magpaka-selfish ka. Isa pa, it's not too late to show how much you care for someone; or simply, just show that you care and that you feel. Yan naman ang napagtanto ko sa mga eksenang coldness ni Mr. Morgan towards his son and Sarah. Basta, sabi ko nga sa inyo, si Mr. Morgan lang ang mabenta sa akin sa movie.

Kaya kung gaano ka-boring ang comments ko, ganun din ako na-bore sa movie. Ang laki kasi talaga ng inexpect ko dahil anniversary offering daw to ng Star Cinema, tapos comeback movie ni Ate Shawie, tapos set in London. Nag-expect ako ng mga linyang tatatak talaga sa isip ko, kaya lang wala naman. For that, Kung Ako na Lang Sana pa rin ang fave movie ko ni Ate Shawie. hahaha. On second thought, baka nga depende yan sa mood mo sa sinehan. Hihintayin ko na lang siya sa Cinema One, panonoorin mag-isa, baka sakaling maantig na yung damdamin ko pag pinanood ko ulit.


[ gdwn ]




That Aiai-Robin Movie
| 10:31 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Una sa lahat, maikwento ko muna na tumawag si Charm sa akin kanina. Akala ko pa, si Gaor yung tumatawag kasi in-address niya ako by last name! Eh naisip ko, ang lalim naman yata ng boses nung tumatawag para maging si Gaor! hahaha. Peace tayo, Charm. The last time na makausap ko si Charm eh sometime nung panahon ng screening ng Sweeney Todd, kung kailan na-late ako sa screening dahil nakipagdaldalan pa ako sa phone. haha. Pero kahit na-late, keri lang... hindi ko naman ipagpapalit si Charm kay Johnny Depp.

Anyway, hindi naman talaga yan ang ikekwento ko kung hindi ang latest movie nina Ai-Ai delas Alas & Eugene Domingo na Ikaw Pa Rin (Bongga ka Boy!). Yan ang pinanood namin ni Grace nung nagkita kami last Wednesday. Nakakainis lang na Wednesday na nga yun, parang wala namang bagong palabas! Indiana Jones lang ang bago, eh hindi naman ako fan nun. Tapos dapat talaga, When Love Begins ang panonoorin namin, pero base sa reviews, hindi raw maganda. KAYA... nauwi kami sa panonood ng Ikaw Pa Rin. Ayaw ko pa nga panoorin yun dati, kasi ayoko talaga si Robin Padilla. Nakakainis siyang nakikita.

Moving on...

Masaya naman yung movie. At dahil Wednesday afternoon yun, weekday, wala masyadong tao sa sinehan. Hindi naman masyadong ako lang ang bongga tumawa sa sinehan. Since under Viva naman siya, at directed by Wenn Deramas, at Aiai-Eugene-Sweet ang main cast, naligayahan ako sa movie, buti na lang. Actually, hindi ko na maalala ang kwento niya. Basta ang alam ko, may malulupit na tawa moments.

Pinsan ni Robin Padilla (Boy) si Eugene Domingo (Shiela) sa movie. Every scene, iba ang iniimpersonate ng Mother Eugene! May Marimar (with matching dance moves), Kokey (na hindi masyadong benta sa akin), Betty La Fea, among others. Animated kung animated ang kilos.

May dragging scenes nga lang, lalo na pag mga eksena ni Robin Padilla nang wala si Aiai. At maraming production number masyado sa movie. Hindi na angkop. And mind you, mahaba ang song and dance numbers na ito, to the point na gusto kong batuhin ng popcorn ang screen. Eh kaso wala naman kaming popcorn nun.

Dahil firefighter si Robin Padilla dito at siya ang bida, kelangang may supporting actors na firefighters. You guessed it right... andun si DJ Durano. Pero bukod kay DJ Durano, marami pang hindi sikat na "aktor" casted as Padilla's co-firefighters. At sa obserbasyon ko lang, nabigyan yata ng trabaho ang mga macho dancer at call boy sa pelikulang ito.

I have a new favorite child actor. Hindi na si Baby Bronson kundi yung anak na ni Robin Padilla sa movie na si Little Big Star winner Rhap Salazar (Junjun). Young boy na nagbabadya ang kabadingan ang role niya dito. Sorry naman at bumenta lang ang mga eksena niya sa akin. Andiyan na yung slide-down-the-wall-while-crying scene, pagkatapos naging mermaid siya. Meron pang nakikisayaw siya kay Eugene Domingo sa Marimar scenes nila. It helps na malambot siyang magsalita at benta ang mga linya niya:

Junjun: Tay, pwede ko na ba siyang girlfriend? Maglalaro lang kami ha.
Boy: Sige, anong lalaruin nyo, bahay-bahayan?
Junjun: Parlor-parloran!

Junjun: Ang sarap naman ng pizza, BONGGANG BONGGA!
(At kasama sa eksenang to, kung saan kumakain sila sa Yellow Cab, yung pagdadrama ni Junjun nang mabulunan si Robin Padilla. Kashwal na drama, pero the fact na siya ang gumawa, nakakatawa lang.)

Junjun: Ang sarap naman ng luto mo. ASTIIIIIG!!!! *Mwah*
(At ang pagsabi ng "Astig" ay kelangang may kasamang pagtirik ng mata at pag-pucker ng lips pagkatapos. At nang tanungin ni Robin Padilla si John Lapuz kung paano magsabi ng "Astig" ang sangkaatehan, pareho sila ng ginawa ni Junjun!)


Pero siyempre, hindi lang si Junjun ang may malulupit na linya. Sorry naman at hindi ko siya maisulat kasi dapat accompanied by actions din! Yung iba naman, not-so-wholesome for blogging. hahaha. Natatawa na lang din kami ni Grace sa lines nina Junjun at John Lapuz, kasi narealize ko lang, parang ganun ako magsalita minsan. Shet.

Bukod pa diyan, maraming scenes na shinoot sa Marikina. Para kang nag-Marikina walking tour. hahaha. At bilang kasama naming manood si Robee, ayaw naman niya i-declare na "Uy, sa may amin yan!" Unang Marikina scene pa lang yun ha. As the movie went on, aba, marami pa palang eksena sa Marikina. At parang lahat yun, malapit kina Robee. Sana umextra ka na!

And I almost forgot... ANDON SI MIKEL CAMPOS! hahahaha. Ang eksena lang naman niya ay tatalon siya sa bubong. Pero kahit na. Kung kasama ka namin, Charm, malamang tumitili tayo sa sinehan nung mga panahong yun. HAHAHA.


After nung movie, hinintay pa talaga namin yung trailers. May bagong gory film na nakalimutan ko ang title, nakakainis. Yung My Sassy Girl naman, walang appeal sakin yung trailer. Akala ko kikiligin ako. Apparently, dahil hindi naman kagwapuhan si Jesse Bradford, hindi ako tinablan. Then, siyempre, andun ang Caregiver. In fairness, nakakaantig ng puso ang trailer! Panonoorin namin siya para mag-fam tour sa London. Pero dapat marami kami, kasi ayoko talagang umiyak sa sinehan. Kung napigil ko nga ang luha sa I Am Sam at Maximo Oliveros, why not sa Caregiver, diba? hahaha. Hayaan mo Charm, babalitaan kita next week tungkol dun.


[ gdwn ]

« Newer | »


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf