GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Gluttony

|

isa to sa readings namin sa Hum1, e sobrang natuwa ako sa kwentong to. nais ko lang i-share.

GLUTTONY ni Irene Nagar

"Anong meron?"

May kadiliman 'tong place na niya ngayon a! Pa-sweet pa. Tinadtad ng kandila ang buong lugar. Satin cloth ang cover ng mesa, may isang mahabang puting kandila pa sa gitna na may nakataling ribbon. May dalawang magkatapat na upuan. Aba, may isang stem pa ng pink rose sa uupuan ko, pa-kilig talaga 'to! May dalawang pinggan din at dalawang pares ng kubyertos. May nakahaing pizza, pasta, chicken, cheese sticks, chips'n dip, salmon with asparagus, beef stew, stuffed roast pork. Saraaaaap! Dagdag pa sa mood ng gabi ang bango ng mga kandila.

"Kunin ko na 'tong bulaklak a? Dapat medyo makipot pa, virgin pa kasi ako 'no! Pakurot ng manok, mukhang masarap kasi ang pagkakaluto. Ano nga palang meron? Uy, kuha na muna akong pasta ha?!"

"Naaalala mo ba yung usapan natin?"

"Tungkol saan? Saan mo inorder yung pizza, pa-slice lang! Tikman ko lang 'tong salmon a?! Masarap siya a! Jon, wala ka bang drinks?"

"Iced tea lang. Teka, kukuha ako."

Ang ganda ko naman! Ang sarap magsabit ng hair sa tenga!
Wala pa naman kaming 35. Kasama pa naman sa plano ko ang magpakasal. May papatol pa naman siguro sa akin, at sa kanya rin! Hindi naman siya siguro ganon ka-desperado!


"Ito na. Mae, dahan-dahan naman, baka mabulunan ka."

"Nakita mo na ba yung babaing tama ang timpla? Uy, masarap pagkakatimpla nitong stuffed roast pork! May uutuin ka nang humarap sa altar no? Pakita mo naman! Parang maalat yung beef?"

"Siya."

Hinarap pa talaga ang salamin sa mukha ko. O God, mukha ko 'yan! Ako? Wait lang a, di ko alam gagawin ko. Poise, ang poise ko baka masira!

"Ang corny mo! Uy, wala bang dessert, yung medyo matamis? May such kaalatan tong hinain mo e! Mamaya ko na lang gagalawin yung chips tsaka yung cheese sticks. Ano, meron?"

"Meron. Teka kukuha ako."

Ligawan mo muna ako. Parang yung paghabol-habol ko sayo nung undergrad pa lang tayo. Hindi na ako easy girl e! Sabi ko na e, kaya hanggang ngayon, wala ka pang jowa dahil hinihintay mo ako! Shet, magpapakulot na ako, masyado nang sumasayad sa lupa ang hair ko!

"Ito o."

Ano kaya, pag-slice ko nito, biglang may sumamang engagement ring? Ang taray!

"Seryoso ako. Gusto kita. Gusto kitang maging ina ng mga anak ko."

"Ang corny! Gusto mo lang akong gatasan e."

"Hindi nga, seryoso. Papayag ka ba?"

Gosh, ang cute naman ng proposal na to! Kaya lang, medyo mabilis. Ibig sabihin, di talaga ako makakatikim ng boyfriend, diretso sa asawa't anak agad!

"Pwede bang pag-isipan ko muna? Nabigla kasi ako. Okay lang ba, Jon? Teka, tikman ko lang tong chips."

"Okay lang. Hindi kita mamadaliin. Sandali lang, may tao ata, sisilipin ko lang."

Anong okay lang?! Syempre papayag ako, ang laki na ng sakripisyo ko sayo no! Wala nang patumpik-tumpik pa! One... two.. three...

"Okay Jon, pumapayag na ako!"

"Mae, si DJ..."

"Nice meeting you, Mae."

Okay silang maging friends, parehong cute. Pero mas mukhang clean itong si DJ a! At ang ganda ng boses! Bawiin ko kaya ang sinabi ko?

"Si DJ, boyfriend ko. Wala na tayong problema, DJ, magkaka-baby na tayo! Pumayag na siya!"

Teka, anong baby?! Kayo, magkaka-baby? Boyfriend? Kayong dalawa?! E ako?

"Excuse us a. Again, nice meeting you. Okay ka nga talaga gaya ng sabi nitong si Jon. Di ba, Jon?"

"Bolero ka talaga. Of course, she's my friend! Mae, kainin mo na yang chocolate mousse, favorite mo yan diba? Excuse lang a!"
Page created: August 24th 2004 04:53 PM
Page updated: October 29th 2004 10:57 AM


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf