About Gia07-Itsmahlife


Gia07-Itsmahlife was created on March 7, 2006. But of course, hindi un lumitaw bigla-bigla at naging Gia07-Itsmahlife agad.

Ganito un. Nagsimula akong magblog nung Grade4 ako. Xanga pa ung gamit ko nun. Xanga ko. Mag-ingat kayo, kasi maaaring mahimatay kayo kakatawa pag nabasa niyo ung mga post ko. Hahaha. Yang layout na makikita niyo, hindi yan ung dati. Kung makikita niyo ung dating layout nyan, baka maasar kayo. Kasi sobrang babagal magload ang computer niyo. INOVERLOAD ko dati yan ng GRAPHICS eh. Hahaha.

Medyo matagal-tagal din ako tumigil sa pagbablog. Mga isang taon din. Pagkatapos ng Xanga, ay heto nga. Sa Tabulas naman. Nalaman ko ang tungkol sa Tabulas mula sa aking kaibigang si Psylocke.

Noong una ay wala pa akong kaalam-alam dito. Hindi ko alam kung paano ko babaguhin ang layout, etc. Wala pa talaga kong alam.

Sa totoo lang, di ko na maalala kung kelan ako natuto mag-HTML at CSS eh. Hindi ako nagtake ng formal lessons. Siguro nakatulong sakin ung pagbabad ko sa harap ng computer. Haha.

So, anyway, eto nga. Di ko rin maalala kung pano ko natutunan sa wakas kung paano pagaganahin itong Tabulas na toh eh. Hehe.

Masyado akong naging exposed sa internet, websites, blogs, etc. At dahil dun, na-inspire akong ayusin itong blog na toh. :-)

So, wait. Bakit nga ba Gia07-Itsmahlife ang pangalan ng blog site na ito?

Ganito un. Ang ginamit kong username sa Tabulas na ito ay "Gianinna07". Gianinna, kasi yan ang tunay kong pangalan. "07" kasi favorite number ko. :-)

Kaya "Gia07". Eh, san naman nanggaling yang itsmahlife?

Kasi ganito un, masyado akong nahabaan sa URL nitong blog na toh, kaya naghanap ako ng mga website na namimigay ng free domain names. So, aun. Wala akong ibang maisip na pangalan, kaya "Itsmahlife" na lang or "It's my life". Kasi, nung panahon na un, parang masyado akong naging ewan ko ba. Hahaha. Basta, buhay ko toh. Akong bahala dito. Parang ganun. Hehe.

Hanggang sa nag-evolve sa Gia07-Itsmahlife. Un lang naman. Hehe. Salamat sa pagbabasa. :-)




[edit] Ang blog na ito ay nagsilbing aking outlet. Ito ay nagmistulang aking "tahanan" dito sa Cyberworld. Ngayon, mayroon na akong bagong tahanan kaya't naisipan kong gawing site na lang ito na dedicated sa OPM, Sponge Cola, MUSIC. :) [/edit]

Page created: October 6th 2006 07:53 PM
Page updated: November 2nd 2006 08:41 PM
Copyright © 2006 Gia07-Itsmahlife
All Rights Reserved.