Kalungkutan at Kasiyahan

January 2nd, 2008

Walang kabuluhan ako kung magsulat

Posted by gimo at 01:15 AM on January 2, 2008.

Pero mas walang laman ang isinusulat ko kapag masaya ako. Wala akong napaghuhugutan.

Kaya nga ang title ng blog na to ay Kalungkutan at Kasiyahan. Dun lang naman naglalaro ang buhay ko sa dalawang extremes na iyon. At sa ngayon, mas ok na munang wala akong maisulat na "maayos" kasi ibig sabihin masaya ako sa buhay ko ngayon. Family, friends, studies, at lablayp. Sadyang bold yan for emphasis. Hahaha!

1 ang sumaya

November 11th, 2007

I need to vent.

Posted by gimo at 11:10 AM on November 11, 2007.

Nagrereklamo ako kay Carl. Sabi ko, simula ng mag-away kami ni Ynnos last week at nagkaayos kami nung Huwebes ay kapansin-pansin ang pagbabago niya. Sabi ni Carl, nagpapakamartyr na naman raw ako.

Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw eh mas malamig pa siya sa sopas na nanigas na ang sabaw. Pansin ko, nawawala yung kilig factor niya sa akin. Yung excitement.

A few weeks ago lang, halos di na namin ibaba ang telepono sa magdamagang marathon ng kwentuhan at lambingan.

Nang huli ko siyang makausap sa telepono, ala pang 15 mins eh parang bored na siya agad.

Hindi ko alam. Alam ko marami siyang pinagdadaanan ngayon. At ayaw niyang i-share sa akin iyon. Nahihirapan ako, kasi gumagawa siya ng boundary. Hanggang dito ko lang. Do not cross.

 

***


Kagabi nanood kami ng sine. Yung horror flick na 30 Nights. Ayun ok naman. Kaso, naninibago talaga ako. Hindi man niya sabihin o aminin, alam ko may pagbabagong nangyayari. Hindi na siya kasinlambing tulad ng dati.

Natatakot ako. Baka maulit ang dati dun kay Ex # 2. Parang ganun din yung set-up. Wala pa kaming isang buwan eh madali siyang nanlamig. Ayoko nang maulit pa iyon. Unfair eh.

Kaya ngayon, pakikiramdaman ko muna. Kahit masakit. Tapos, kung umabot man kami ng isang buwan, doon ko na pag-iisipan ang next step.

 

***


Naiyak ako habang naglulurk sa forums na kinabibilangan niya dati. Gago kasi ako, sabi ko hindi ko na bibisitahin yun, masasaktan lang ako sa mababasa ko. Hindi ko mapigiling ikumpara ang sitwasyon namin sa mga naging Ex niya. Nakukuwestiyon ko tuloy ang relasyon namin.

 

***

Nang magkausap kami sa telepono para ayusin ang away nung Huwebes, gusto na niyang kumalas. Hindi naman direct ang pagkasabi niya pero iyon ang tumbok eh. Masyado tayo nagmadali. Iyon ang sabi niya. That's it pansit. Feeling ko may something talaga. Sana lang hindi third party.

 

5 ang sumaya

November 7th, 2007

Kung Paano Hindi Maluha

Posted by gimo at 09:15 AM on November 7, 2007.

Para kay Ynnos

Itinuro mo sa akin
ang sikreto
para hindi maluha
sa pagbabalat ng sibuyas.

Sa kusina,
habang ginagayat ang sibuyas
para sa iluluto mong Adobo
namangha ako
at itinanong ko kung paanong
hindi ka naluluha.

Sabi mo:
dapat banlawan muna ito
bago hiwain
para hindi ka maluha.

Totoo pala.

Kaya kahapon
nang mabasa ako sa ulan
sa kakahabol sa iyo
tiyak ko

Hindi ka man lang umiyak
ng puso ko na ang ginayat mo.

 

Kung Paano Hindi Maluha
Nobyembre 7, 2007 9:15 AM

8 ang sumaya

November 6th, 2007

Sa KFC, 2:30 PM

Posted by gimo at 05:10 PM on November 6, 2007.

Apat na araw mo na akong iniwang nakabitin sa ere. Kagabi, out of desperation, tinawagan kita sa cel, hindi ako sinagot. Sabi ko itext mo na lang. Tanong ko: Maaayos pa ba? Mahal mo ba ako?

Sabi mo, oo maayos pa. Pero iniwasan mo pa rin ang mas mahalagang tanong.

Ngayon, pinilit ko talagang puntahan ka. Para magkausap tayo. Pero wala, iwas na iwas ka. Hindi ko alam kumbakit.

Nabasa pa ako ng ulan habang papasakay ng bus papuntang Galeria. Sa kakahabol sayo.

Hinintay pa rin kita. Kahit alam ko namang hindi ka darating. 2:30 PM, sa KFC.

Wala na. Alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Kasabay ng pagwasak mo sa puso ko, winasak ko rin ang aking lumang Globe Sim.

********* 


Nakakatuwa pala magpalit ng bagong cellphone number. Tinadtad ako ng mga text, lahat ang tanong: bakit?

Bakit daw ako nagpalit? Sabi ko sira na yung sim ko na luma. Hindi ko lang masabi ang tunay na dahilan.

Isa lang ang nakaamoy ng rason, si Denei, ang bestfriend ko. Sabi niya: Hmmm... May tinataguan ka ano?

Malungkot?

November 5th, 2007

Mapait ang lalamunan ko dahil sa Red Horse

Posted by gimo at 02:13 AM on November 5, 2007.

Hindi ako makatulog. Nagawa mo talaga akong tiisin. Kinain ko na ang pride ko ng ilang beses. Daig ko pa ang asong kumain ng sarili niyang tae.

Masakit.

Tinanong ulit kita. Mahal mo ba ako? Iniwasan mo na namang sagutin.

Tulad ng itinanong ko out of curiousity kung ano ang pangalan ng dalawang Ex mo. Sabi mo uncomfortable ka.

Ibig sabihin ba noon uncomfortable ka din na mahalin ako?

Sana sinagot mo na lang yung tanong. Madali lang namang sagutin yun. Kasi ako, alam ko ang isasagot ko. Mas ok sana kung hindi ang sinagot mo, kesa pinahihirapan mo ako sa kakaisip.

Mababaw. Oo mababaw ako. Hindi excuse ang pagiging bente anyos ko para i-justify ko iyon. Pero masakit lang. Sa halip na subukan mong ayusin, dinedma mo lang.

Magtatanong ka pa: galit ka?

Pero wala ka namang ginawa.


Ang sama ng nararamdaman ko ngayon. Lahat ng tinitxt kong kaibigan, umiiwas. Wala akong makausap. Sana patulugin na ako ng pagod at sama ng loob.

Malungkot?

« Newer 5 entries | Older 5 entries »