BUSY-BUSYHAN
Posted by haibane at 04:52 PM on August 22, 2008.

Ilang buwan ko na ring hindi napapalevel ang dalawa kong characters sa Flyff Online (Philippines) na nakikita nyo sa taas - si Alexis Machine at ang kasintahan niyang si Gengenaya. Tumigil muna sa level 63 si Alexis Machine samantalang level 50 naman si Gengenaya. :3
- Napa-iskedyul ako (kasama sina Mhelayne, Jayson, Mhelvin, Jess at Cusi) na mag-report nitong nakaraang buong Midterms sa sabdyek namin na Operating Systems. Tatlong chapters and coverage ng report (Chapters 4 - 6 ng libro ni William Stallings) na tinapos namin sa loob ng mahigit-kumulang na tatlong linggo; ang mga topics na pinag-aaralan ay tungkol sa Threads, Symmetric Multi-Processing (SMP), Microkernels, Mutual Exclusion, Concurrency, at Deadlock. Naubos ang maraming oras ko sa paghahanda ng powerpoint presentations at sa pagpapaliwanag sa mga kagrupo ko ng kanilang bahagi; nakakapagod din kaya salamat at hindi na kami kasama sa quiz at eksams ngayong Midterms.
- Natapos na rin ako (kasama naman sina Jayson, Jess, at Gendy) sa report ko sa Software Engineering, na tungkol naman sa Software Prototyping. Tama lang ang nangyari kay Gendy nung nasabon siya ni Mam Felizco. Sana naman ay matuto na siyang mag-seryoso sa lahat ng mga responsibilidad na iniaatang sa kanya.
- Isang report na lang ang hinihintay ko. Malamang ay ngayong semifinals ang iskedyul ng report ko kay Dean sa sabdyek namin na Computer Engineering Laws and Ethics.
- Heto nga pala ang ilan sa mga grado ko sa eksams nitong nakaraang Prelims at Midterms:
- 99 - Operating Systems (Prelims)
- 99 - Computer Systems Organization (Midterms)
- 99 - Software Engineering (Midterms)
- 98 - Computer Engg Laws and Ethics (Prelims)
- 96 - Computer Systems Organization (Prelims)
- 96 - Software Engineering (Prelims)
- 95 - Project Design Chapter One (The Problem and Its Setting)
- 78 - Digital Communication (Prelims)
- NA - Operating Systems (Midterms) - exempted
Hindi na ako masyadong naka-focus sa academics ko ngayong semestre dahil sa sigurado naman na hindi na ako kasama sa Dean's List (at wala na ring Scholarship) sa susunod; pero siyempre maganda pa rin sa pakiramdam ang makakuha ng matataas na marka sa mga eksams na darating pa, at eventually sa final grade. Mas nakatutok ako ngayon sa pag-eenjoy ng aking natitirang isang taon sa kolehiyo at sa Project Design. Well-deserved ang 95 sa Chapter One na pinaghirapan kong isulat at inasikaso ng walang katulong sa loob ng isang linggo. Dalawang araw ko namang ginawa ang Chapter Two (Review of Related Literatures and Studies) nitong nakaraang Martes at Miyerkules. Sa grupo namin (Mhelvin, Erwin, Jayson C., Catapi), si Mhelvin lang ang naaasahan ko sa ngayon kapag may mga kailangang gawin. May mga konting isyu pa na kailangang masusing pag-aralan - kung pwede ba na i-network ang prototype namin sa database ng University, kung papano ikakabit yung coin slot mechanism sa system at kung kailangan pa ba ng microcontroller, at kung anong software ang gagamitin para sa prototype. Wala pa rin kaming project consultant sa ngayon kaya talagang nangangapa pa ako, lalo na't wala akong makitang related study na pupwede sana naming kunan ng impormasyong o gawing pattern para mabuo yung prototype.
- Marami ring activities sa ICpEP ngayong July - August. Natapos ang orientation sa mga aplikante (26), apat na linggong signing process, Family Day Out (Aug 2), Deliberation (Aug 7), at Informal Acceptance sa Villa del Prado, Sariaya (Aug 15-16). 15 silang hindi nag-quit at nakapasa sa lahat ng mga pagsubok.
∞ Nung Family Day Out, nabulilyaso ang Amazing Race dahil sa pagkakamali namin sa paglalagay ng mga clues sa sobre; mabuti na lamang at nagkaroon pa ng pagkakataon ang mga Mouse na ipagpatuloy ang race kinahapunan. As usual, nagkaroon din ng individual at group talents, games para sa kanila, at picnic. Naidaos naman ang event kahit magulo at inabot na ng pagkulimlim ng langit. Sana lang ay nag-enjoy ang mga aplikante namin kahit papano kasi para sa kanila talaga ang araw na iyon. At sa mga miyembro na pumunta lamang dahil meron silang mapagtritripang mga Mouse, hetong sa inyo: ..l..
∞ Hindi rin nakahanda ng mabuti ang Informal Acceptance, gumawa na lang ng paraan ang mga taong nagmamalasakit (Jayson A., Dhino, Ahyience). Magulo ang marathon at ang karamihan ng mga kasalukuyang miyembro ng org (na walang ibang alam na gawin kundi ang magpasikat). Marami ring pa-epek na hindi naman malaman kung para saan. May mga dumating pa na mga asungot na eh mang-aagaw pa ng pagkain ng mga Mouse. Mabuti na lamang at kahit papano'y naging masaya ang mga games at naging tahimik naman ang proseso ng acceptance. Mabuti na lang rin at mayroong basketball court at swimming pool sa Villa del Prado - mga bagay na nagpapasulit ng PhP 300/450 (Member/Mouse) na ambagan.
Congratulations! kina:
Aborde, Mark John
Bernaldez, Genesis
Cabreros, Annie
Capale, Louielyn
Envase, Neil Alvin
Linao, Roel Patricio
Natividad, Arnel
Origenes, Michael
Pardilla, Gian Carla
Perez, Jenjen
Permejo, John Martin Paolo
Pipit, Jonathan
Ragudo, Angelito
Rivera, Shielly Roi
Tan, Robert
Victa, Carla Mayne

Hinihintay na lamang ang Formal Acceptance sa Aug 28. May pagalingan ulit sa talent ang mga bagong miyembro ng bawat academic organization sa Engineering Department. Sasabitan din ulit ako ng medalya. :3
- Salamat sa halos isa't kalahating linggong bakasyon (Aug 17-26); nabigyan ko naman ng panahon ang iba pang mga bagay bukod sa iskul. Refreshed at panibagong umpisa ulit ng kasipagan sa Miyerkules na parating.
- ETC. Di ko na magamit dito sa Tabulas ang paborito kong font size. Hindi ko alam kung bakit. Kaya heto na muna gagamitin ko - Georgia font size 2. ^^; Tsaka nga pala, congratulations sa Brgy. Ginebra Kings sa pagiging kampiyon nila ngayong PBA Fiesta Cup. Woohoo! :3 Congratulations kay Chris Alexander para sa kanyang Best Import Award at kina Eric Menk at Ronald Tubid para sa kanilang pagiging Finals MVPs. Yeheeey!
- Happy Birthday kina Nikka (May 7), EJ (June 19), Jonie (June 20), Junnell (June 21), Anesca (June 23), Mhelayne (July 3), Star (July 16), Mamilou (August 5), Clang (August 10), Elizabeth (August 11), Ate Syeri (August 15), Mhelvin (August 16), at Rechie (August 21).
- "When lovers ask God for help for them to become closer, God gives them opportunities." Ok na ulit kami ng bebe ku. At mas naging happy pa ngayon, kahit na patuloy pa rin ang problema sa distansya. ^^
Sinusubukan ko naman sa ngayon ang Angels Online (Int'l). Say hello to Genkun. :3