Minsang Sinabi ng Pantas (PART 14)
Sa mga paglilingkod natin, meron tayong dapat magawa… bawat isa sa atin merong nakatakda ang Dios sa atin na gawin. God expects something from us. He wants us to do things ordained to us to do.
Ang mga huling araw – pinaka “critical” na panahon sa paglilingkod sa Dios.
Ang pagkukusa – paggawa ng higit sa nakasulat. HINDI LAHAT NG BAGAY DAPAT NILELETRAHAN.
May mga utos na nakasulat, pero merong mga utos na wala sa letra… KUKUSAIN MO NA YAN!
Kung meron kang duda, pumunta ka doon sa ISANG binigyan ng kaalaman..
God expects us to finish a course. WE HAVE A RACE TO FINISH. Nakatakda na yung dapat nating takbuhin.
TAKBO LANG TAYO! Tapos, i-assess natin yung ginagawa nating pagtakbo…malapit ka na ba matapos? Mabagal ba pagtakbo mo? Matulin ka ba sa pagtakbo? Asan ka na ba? Tumatakbo ka pa ba o napapagod ka na? nagsasawa ka na ba?
Dapat kahit pawis na pawis ka na, ok lang! Basta TAKBO LANG TAYO!
Ang paglilingkod parang basketball…MARAMING PANG-ASAR. Tuloy lang kapatid, takbo lang! hinahanap sa atin ng Dios yan.
LET US RUN FOR A CAUSE! That is, for the cause of the Gospel of God!
Hindi very smooth ang daan ng kaligtasan, hindi madaling makarating sa langit. Marami kang masasalubong along the way, pero tuloy lang…
Let us be willing to do what God wants us to do.
LET US POLICE OUR OWN RANKS! Tignan natin ang mga sarili natin baka naaabuso na natin ang mga tungkulin natin…
Sa pagluwat mo sa Iglesia ng Dios, dapat IT COUNTS! Dapat, aalalay ka na sa mga bago, dapat magtuturo ka na sa kanila, hindi yung hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang inaalalayan!
‘Wag mong isaksak ang sarili mo sa HINDI DAPAT.
Consider the time that you have to spend in serving God. MAY ACHIEVEMENT KA NA BA?
Pag nakita mong nagbunga ng mabuti ang isang bagay… WAG MONG ITIGIL.
Yung nararamdaman natin, nararamdaman din yan ng Dios. Kung tayo man ay nalulungkot, nararamdaman din yan ng Dios.
Ang makapanatili hanggang wakas ay ANG PINAKAMAHABANG UTOS.
Ang isang taong maliligtas ay mahilig sa pag-awit. Music lover!
Sa tingin pa lang maipapakita mo na ang pag-big mo sa kapatid.
Hindi lumulubog ang araw sa Iglesia ng Dios, pero kung ikaw, pinapasok mo ang Diablo sa’yo at lumaban ka na sa aral, LULUBOG NA ANG ARAW SA’YO.
Sino yung makukuha ni satanas? Eh di yung tutulug-tulog sa pansitan! Yung hindi cautious.
WALANG MAKUKUHANG MABUTI SA KAYABANGAN!
Ang bagay na hindi mo naiitindihan, hindi mo magagawa.
What your flesh can do, in one way or the other, can influence your spiritual life.
Dapat pakiramdam pa lang, alam mo na kung ano ang masama.
Mas mabuting magtiwala ka sa mga taong hindi madaldal.
Yung may diwang tapat, nagtatakip yun, di yun naninirang puri, hindi naghihiwalay ng kaibigang matalik.
Gumawa tayo ng mabuti, every second, every minute, every hour, KAHIT ANO PA ANG SABIHIN NILA!
Hindi pang isang taon lang ang paglilingkod…tuluy-tuloy yan! Are we just going to serve God for 10 years? 20 years? Sabi sa Bibilia tuparin ang utos hanggang sa pagdating ng Panginoong Hesus.
Gusto mong malaman kung ano ang masama? Baliktarin mo lang lahat ng mabuti yun na ang masama!
Pag gumagawa ka ng utos dahil lang sa kapaimbabawan, dahil sa may nakakakita, pakitang-tao lang, masama rin yan!
Wala tayong taong dapat paglagakan ng tiwala pagdating sa salita ng Dios, dapat sa Dios tayo magtiwala! What you need is the infallible word of God, not anybody.
Nagiging mabuti ang paggawa natin ng utos ng Dios kung ginagawa natin ito ng walang kapaimbabawan. Gawin natin sa pag-ibig ang pagsunod! Kahit n autos yang ginagawa mo, pero may kapaimbabawan din, masama rin yan. Di rin yan maituturing na mabuti sa harapan ng Dios.
Ang mabuti, sa tunay na kahulugan ng salita, ay yung gumaganap ng utos at tinatapos ang pagganap nito. Pag natapos mo na ang pagsunod sa utos, don ka pa lang maituturing na mabuti. Sa mag-asawa, para maitala kayong mabuti, hanggang sa katapusan magsama kayo, sa pagpapahinuhod, sa tungkulin, sa pag-ibig.
THE HEART IS A SACRED THING FOR A CHRISTIAN. Not everything you see must be kept inside it. Hindi lahat ilalagay sa puso at isip mo, there are more important things to be put there than gossip.
Nasa puso mo na ang napakaraming bagay… boyfriend mo, asawa mo, mga mahal mo sa buhay… may space pa ba dyan ang salita ng Dios? YUN DAPAT ANG PAGSIKAPAN NATING IPUNIN SA PUSO NATIN.
Kung may nakasala sa’yong kapatid, ‘wag kang makinid lang don sa nagsumbong, kanino ka makikinig? Makinig ka kay Kristo… ano sabi ni Kristo? Ang kapatid na nagkakasala ng di ikamamatay, ipanalangin mo.
Posted by kro20 at 01:36 AM | Add a Comment



