sa wakas nag-rest day na rin me. at as usual my 24 oras na naman ako para mag-isip ng pwede kong gawin na dahilan para mag-away kame ni boyfriend. hay, kawawang lalaki, laging napapag-diskitahan.
the good
ito si boyfriend. i don't know what i did to deserve someone like him. napakabait, napaka-sweet, gwapo (walang kokontra) and most of all sobrang understanding! lahat ng kasamaang ginagawa at pinapakita ko e naiintindihan nya. lagi syang may logical explanation kung bakit ako nagkaka-ganun o nagkaka-ganito. mnsan lang sya magalit, and i mean sobrang minsan lang! at laging valid ang reason nya for being mad at me. according sa kanya, napaka-tigas daw ng ulo ko ( w/c is so true) at gusto ko na lagi akong nasusunod (very true!).hindi lang yan, napaka demanding ko pa na girlfriend. part na rin ata ng araw ko ang tantrums. naaawa na ako s kany sa totoo lang. hindi lang 10 beses ko ata napaiyak yun. syempre magpa-promise akong magbabago pero asahan mo after 3 days balik na namn ako sa dating gawi, talk about being walanghiya! sya ang nglalaba at nagpa-plantsa ng damit ko, naghahamda ng food ko, at minsan pa ay taga bigay ng allowance ko pag nauubos ang sweldo ko kakabili ng kung anik anik sa tutuban.minsan nga binibiro na sya ng nga cousins ko na sugar-daddy ko daw sya. and guess what? nung tinanong ko sya kung ano ang pwede kong gawin para matumbasan ko yung kabutihang ginagawa nya, aba ang sabi e maging mabait lang daw ako (wag ko na syang awayin) at ayos na yun sa totoo lang sobrang naapreciate ko naman lahat ng ginagawa nya for me. pero kahit na anong gawin ko ata hindi ko na mababago ang pag-uugali ko.
the bad
ako ito. bad girl! sobrang bad ko talaga. at ang laging nakakaramdam kung gano ako kasama e si bf (sino pa ba?). lahat na ng kasamaan na pwedeng gawin ng gf sa kanyang bf e nagawa ko na ata (pwera lang pagiging unfaithful). halos 1 milyon beses na ata akong nag-promise sa kanya na magbabago na me pero ganun pa rin.hindi ako nakukuntento na hindi sya awayin sa loob ng 1 linggo. gusto ko sa akin lng umikot mundo nya. ayaw kong magkaron sya ng social life. gusto ko ako lang ang social life nya. o di ba napaka demanding ko na, possesive pa. believe me, love ko naman si jon. he makes me want to become a better person. pero sabi nga ni DP, the mind is willing but the flesh is weak. gustong-gusto ko ng magbago pero parang open portal ang katawan ko sa mga evil spirits at lagi ata akong nasasaniban. literally, parang nagmo-morph ako into a vicious monster pag sinumpong ako. nakaawa si jon. i think he deserves a much better gf. pero everytime na iisioin kong i-let go sya, para naman akong mamamatay. just the thought na mawawala sya sa akin makes me shiver. mukhang hindi umi-epekto yung novena ko kay st.jude.
the evil
this is what i have to expel from within me. i have to face my devil. the one that makes me "un-fit" to be loved. i am aware of my bad habits. and like i said a while ago, i am in a relatinship with someone that makes me want to be a better person. if i don't do something now it might be too late. i know jon loves me more than anything in this world, and i don't want to give him up just because i can't control my tantrums. jon deservers a much netter aloi. in fact, jon needs a NEW aloi.
what i should do:
-appreciate all the things that he's been doing for me and my family.
-say thank you all the time.
-learn to say sorry and mean it.
-be more sweet.
-be more maasikaso.
-TRUST HIM.
-let go of the past that's been haunting me since the time that we got back together.
-support him and all his plans in the future.
-be positive in my outlook in life.
-admit to myself that i have fallen TRULY, MADLY, DEEPLY in love with jon.
kaya sa lahat ng nakakakilala sa akin, aaminin ko na.. AT LONG LAST INLOVE NA AKO. LOVE KO S JON at walang kokontra.
hope it's not too late to make it up to him.
i'll prove him that i can change for the better.
i'll prove to myself that i can do it.
help me God!