galing kay Benjo
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.” -- onga. sa maikli't madali, wag kang paasa
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.” -- agree!
Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.” -- onga. wag sakim.
Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan
ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw
mo lang pansinin.” -- ang hirap lang dito, paano pag ayaw mo talaga mag-hagdan?
Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.” -- korek. wag nang mahiya.
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.” -- hahaha
Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.” -- bat mo pa nga naman kasi ipipilit pag ayawan na?
Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.” -- amen!
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.” -- e paano pag temporary insanity lang?
Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa
telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo
at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly,
sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima,
sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala
tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong
mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng
panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal,
maniwala ka.” -- potah. pandesal? hahahaha.
Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.” -- aray o!
Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng
dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong
mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.” -- heheeh. makakatikim ako ng sermon ke obi dahil sa linyang to.
Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.” -- korech!
Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka,
wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng
dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang
sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions
mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs
mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka
lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o
bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW
mismo!” -- hindeh!! i blame my body organs!!! hahahaha.
Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na
pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang
nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.” - e paano yun, masaya ka nga kahit nahuhurt ka? masokista? 
Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka. Kaya please lang tama na magising kana wag ng magpakatanga, okay? -- paano mo malalaman kung nahulog ka lang by accident o natanga ka lang?
Kayo friends? Anong mase-say nyo tungkol sa mga linyang ito?