August 25th, 2006
Staff Nurse POSTED AT 01:42 PM in Lucid interval Hindi ko namamalayang patapos na pala ang six-month probationary period ko. Malapit na ang Aug.27. Dalawang tulog na lang at regular na ako! Magkakaron na rin ng tatlong FREE uniforms! Anim na buwan... Kakayanin ko pa ba ang susunod na labing-walo? Currently feeling: awakeCome in
|
|
August 16th, 2006
I give up POSTED AT 06:28 AM in Heartstrings, Lucid interval, Reality bites -- and bites hard "When I know things are not meant for me, I learn to let go. It does not mean I'm weak but I'm showing how strong I am to fight the urge of wanting something I'm not supposed to have." The end. Tapos na ang pagiging delusyonal. One day isang araw, it finally dawned on me. Wala na. Ayoko na. Hindi na talaga. I had a terminal crush on someone, an infatuation down to a cellular level. At first, I didn't have the confidence to approach him but soon I realized I can't just go on dreaming — if I want him, I am going to have to do something about it. I was unwilling to forsake my dream, so I pursued my heart's desire. He's way older than I, leads a very different lifestyle and we do not have a great deal to talk about but somehow none of these seemed to matter. I enjoyed his company and felt a sparkle in his presence. I showed him love and care. Pero hanggang dun na lang talaga. Nonetheless, I have no regrets to the whole experience. Although he didn't love me back, I'm happy I was able to express my heart. That I was able to give love without requiring anything in return. Sabi nga ni Gloria Gaynor: I've got all my life to live, I've got so much love to give and I'll survive. I will survive! Hey, hey. Currently feeling: calm |
|
Things I hate about being a nurse POSTED AT 05:50 AM in Reality bites -- and bites hard Pwera sa napakababang sweldo, eto pa ang ibang dahilan para sa 'kin:
Eh bakit ako nurse? Wala lang. To serve humanity (here and abroad!). |
|
August 11th, 2006
Lotus feet vs. Sunog na bata POSTED AT 11:29 AM in Reality bites -- and bites hard Napanood ko na rin sa wakas ang Sukob. Super excited pa kami ni jeepmate. Lalo na siyempre dahil maraming nagsabing nakakatakot daw talaga siya. Pero bakit ganun? Credits na eyes wide open pa rin ako! Hay, hindi ako natakot. May mga parts na nakakagulat pero yun lang. Mas gusto ko pa rin ang Feng Shui. Buti na lang hindi namin sa IMAX pinanood. Currently feeling: disappointed |
|
August 9th, 2006
Jingle Bells POSTED AT 04:39 AM in Lucid interval ...este Wedding bells. My gosh. Isa sa mga classmates namin nung college ay ikakasal na this August! Nope, hindi po siya preggy. Housemate ko siya nung community immersion. Nagsasayaw lang kami dati ng choopetah at totoy bibbo pero ngayon ikakasal na siya! Grabe. Sa 19 ang pre-nuptial party. Bridal Shower. Sa 26 ang wedding. Cannary yellow daw ang motif. Goodluck sa morena kong kulay. Isa pa sa mga ikakasal this year ay ang 2nd cousin ko. Pero sa states na. Fiancéevisa. Sinundan din niya ang yapak ng ate niya na ngayon ay nasa Oregon. Flight niya on or before the end of Sept. |
|
August 7th, 2006
Baaad POSTED AT 04:39 PM in Reality bites -- and bites hard Umuwi rin this month yung isang ate ni kuya rainier, si ate vel from cali. Dala niya ang dalawa niyang chikiting. Di kami nagkita dahil dumiretso sila ng Ilocos pagkagaling sa airport. May kapatid kasi siya don. Di na nga talaga kami nagkita dahil pagluwas nila ng Manila from Ilocos, flight na nila pabalik sa states nung gabi. Sakto namang kapiling ko noon si jipm8, mother at KZ. Wala ako sa bahay nung tumawag siya kay mommy para i-meet sila sa hotel. Nag-kwento nalang si mommy pagkauwi niya sa bahay. Na stranded daw sila sa Ilocos dahil sa bagyo. Nasa bahay lang sila. Hindi nakapamasyal. Fort Ilocandia lang, saglit pa raw. Kaya bwisit na bwisit ung dalawa niyang anak. Kinuha pa raw sa custom yung 4 pairs ng rubber shoes, etc kahit declared naman daw. Nilaslas at ti-nape ung lalagyan. Na penalty pa sila sa rebooking dahil dapat daw July 28 sila babalik ng states, hindi sila nakapag confirm. Warla! Naging masungit at nagsisisi daw ang mga anak niya. Nagka rashes pa at kagat ng lamok. They won't be back to the Phil daw. They made a promise no more going to the Phil. What a heck daw. So uncomfortable, so disgusting. Sabi na lang tuloy ni ate vel, next year siya lang mag isang uuwi. Kawawa naman sila. Wrong timing kasi. Tag-ulan. May binigay siyang pants sa amin pero no pwede. Size 3 kasi. Naman. Hanggang hita ko lang siya. Kailangan ko talagang pumayat para masuot ko un. Every hour kaya ako mag green tea? |
|
August 6th, 2006
Gimme some love POSTED AT 03:03 PM in Lucid interval I must admit I'm a (very) touchy person. Ma-physical kumbaga. Mahilig akong yumakap, umangkla sa braso, umakbay, etc. Lagi kong niyayakap sa bahay ang nanay ko — habang nanunuod ng tv, bago umalis at pagdating ng bahay, bago matulog, at kahit anong oras lang na maisipan ko. Kung sobrang special ka sa akin at na-miss kita, yayakapin kita pagkakita ko sa yo. Naalala ko nung bata pa ako na natutulog ako sa ibabaw ng tiyan ng nanay ko tapos mararamdaman ko na lang na kinakarga na ako ng tatay ko papuntang kwarto kapag nakatulog na ako. Basta, mahilig akong humawak sa isang tao. Pero siyempre may ibang hindi sanay sa ganun. Sana lang hindi nila ma-feel na hina-harass ko sila. "Hugging is healthy. It helps the body's immune system, it keeps you healthier, it cures depression, it reduces stress, it induces sleep, it's invigorating, it's rejuvenating, it has no unpleasant side effects, and hugging is nothing less than a miracle drug. Hugging is all natural. It is organic, naturally sweet, no pesticides, no preservatives, no artificial ingredients and 100 percent wholesome. Hugging is practically perfect. There are no movable parts, no batteries to wear out, no periodic check-ups, low energy consumption, high energy yield, inflation proof, nonfattening, no monthly payments, no insurance requirements, theft-proof, nontaxable, nonpolluting and, of course, fully returnable." So guys... group hug!!! Currently feeling: inspired |
|
August 4th, 2006
Never ending story POSTED AT 11:01 AM in Reality bites -- and bites hard Ano pa nga bang isusulat ko dito kundi tungkol sa walang katapusan kong paghahanap kay Mr. Right este sa right agency. Oops, I did it again (and again) ang drama ko. After nga nang binalita sa akin dati ng nanay ko about dun sa Georgetown, ipinaalam ko na sa GROW na magwi-withdraw na ako. Itong IQMAN naman, nangungulit pa rin in fairness. Tinawagan na naman nila ako nung isang araw. Baka interesado daw ako sa interview this Aug 21 and 22, California. Honestly, matagal ko ng binura sa isip ko ang IQMAN. Nalalayuan kasi ako sa ofc. Hehe. Sinabi kong titingnan ko pa sa schedule ko at ikokonsulta ko pa sa nanay ko. Tumatawag na naman sila kanina. Hindi ko na sinagot. Nag text na lang ako na hindi ako makakapunta sa interview. Nagreply sila at tinanong na rin kung interesado pa ba akong i-pursue yung application ko with them. Di pa ako nag re-reply. Pero one of these days, sasabihin ko na ang favorite kong linya na: "I'm no longer interested...I'm withdrawing my application..." Nalungkot na naman ako dahil may nalaman na naman ako sa All state consultancy (ung sa Georgetown). Ayoko na sa kanila. Tumawag uli kasi si mommy sa kanila. Nagtanong tanong. Tiningnan na nila yung documents ko pero after naka one year akong experience, saka palang uli rereviewhin yung papers ko ng agency. Ewan. Ang gulo. Eh di nagsayang naman ako ng oras kung ganon. Kung sa ibang agency un, nakapag NCLEX na ako. Waah! Wala na bang agency?!? Plano naming balikan ni jipm8 ung ALLABOUTSTAFFING sa King's court I. Pero ang tagal dumating ni jipm8 kaya umuna na ako. Eto ang nagustuhan ko: 1) marami silang hospitals, halos every state meron; 2) kung CG certified ka, bibigyan ka nila ng $1400, $2400 naman kung NCLEX passer; 3) either HK or Saipan sa NCLEX; 4) sagot nila NCLEX review (un nga lang, hindi ka pwedeng pumili ng review center); 5) meron silang tinatawag na "internship program" sa latter part ng application mo with them. Three to six months kang mag wo-work sa ka affiliate nilang hospitals (tatlo daw: sa las piñas, laguna, tsaka di ko maalala ung isa). Ma ro-rotate ka sa mga critical care units. Sagot un ng agency tapos may "allowance" ka pang P9,000 monthly. Preferred kasi daw sa states ung mga critical care areas, MS, ER. Papasyal din kami ni jipm8 one of these days sa Medliant. Currently feeling: sleepy |
|
July 30th, 2006
Etc. POSTED AT 02:03 PM in Lucid interval Nakasabay ko sa elevator si Jenny Hernandez kahapon. Hindi naman siya pansinin. Pero grabe ang bewang! Disi-ocho lang ata. Hanep... May sakit si Regine (affected?); trangkaso daw... Si Ruffa Mae at Erik Santos na pala talaga... Andito sa PI ang BEP at PCD. Hindi man lang ako nakanuod ng concerts nila. Pano ba naman, duty ako (hehe. As if un lang ang dahilan)... May british patient ako. Actually, mom niya pinay. Nag enjoy ako nung ininterview ko siya upon admission. Nakakatuwa kasi yung accent. Walang ka effort effort (malamang). 15 years old siya. Tinanong ko kung anong year na niya. Senior year na daw siya by September. Eh di sabi ko magka-college na siya after. Sagot niya, depende raw. Sa kanila kasi pwede ka ng huminto sa highschool at welcome ka na magtrabaho... Anniversary ng parents ko kahapon. Pero kanina kami lumabas. Sinakto nalang kasi naming after worship service. Pumunta kami sa walang kamatayang Mall of Asia. Ikot ikot lang tapos kain. Sana sa susunod more than that ang maibigay ko sa kanila (eg. Trip around the world)... Lumabas na ang bago kong sked for the next 2wks kahapon. At hindi ako natutuwa. Puro kasi PM tsaka AM at 6a/6p. Hindi ka man lang makaka gimik. Bad trip talaga. Hay, sana ma regular na ako para makakarequest na rin ako ng sked... |
|
