Kilala ang Manaoag sa mga Romano Katoliko bilang isang sagradong lugar. Dinarayo ito ng mga tao upang mag-dasal at magpaka-banal kahit na sandali lamang. Hindi biro ang layo nito, lalo na kung ika'y taga-timog.
Linggo, ganap na ika12:00 ng umaga, nilisan namin ang aming tahanan papuntang Hilaga. Usapan kasi ng aming pamilya at iba pang mga kasama namin (kabarkada ng pamilya) na magkikita-kita sa Petron NLEX ng 12:00 - 1:00 ng umaga. Sa siyam na pamilya, una kaming nakarating sa tagpuan. Ito'y dahil sa kami ay nakatira sa bandang Hilaga ng Valenzuela. Bago pa sumapit ang ika-isa ng umaga ay kumpleto na kami (hmm.. Pinoy Time? Ano yun?). Matapos ang sandaling kwentuhan at pamimili ng mga ma-iinom at ma-ngunguya ay tumulak na kami patungo sa aming destinasyon, sa Pangasinan.
Sa gitna ng aming paglalakbay, hindi inaasahan na kami'y mag-kahiwahiwalay. Ang apat na sasakyan ay napa-iba ng daan, at iba rin naman ang dinaan ng apat pa. Buti nalamang at pareho itong patungo sa Luisita, Tarlac, kung saan kami ay dapat na hihimpil upang mag-inat-inat at mag-bawas ng kargada sa katawan. Matapos muling mag-kasamasama ay nagpatuloy kami sa paglalakbay. Sumunod naming tinigilan ay Pangasinan na, oras na muli para mag-banyo. Huling hinto na ito, tapos tuloy-tuloy na kami sa Manaoag, medyo malapit na rin kasi.
Alas-kwatro ng madaling araw, sinapit namin ang aming destinasyon. Maaga pa para sa unang misa. Maganda na rin iyon, may isang oras pa kami para magpahinga bago ang unang misa. Labing-limang minuto bago mag-simula ay pumasok na kami sa simbahan, akala ko kakaunti lang ang tao, baka nga kami lang. Ngunit hindi! Halos puno ang simbahan! Ganito pala ka-aga mag-simba ang mga tao dito. Marami rin mga dayo at nananampalataya nung umagang iyon.
Matapos ang Misa, kami ay nag-kodakan sa harap ng simbahan. Maliwanag na nung mga oras na iyon. Para kaming isang grupo ng mga estudyante na nag-lakbay aral sa dami namin! Halos apat-napu yata kami. Pagbaba namin sa mga hagdanan sa harap ng nito ay bumati sa amin ang matitining na "Ma'am! Sir! Bili na kayo!" blahblahblah. Napakaraming negisyanteng napka-kukulit dito. May nagtitinda ng masarap na puto't kutsinta, may mga Relihiyosong kagamitan, may mga gamit sa katawan, at syempre, mga laruang pambata. Dumako kami sa bandang kaliwa, kung saan may mga kainan ng mainit na goto at kung anu-ano pa. PAg-sapit namin sa bungad ay sinalubong kami ng mala-palengkeng panghihikayat ng mga nag-titinda, "Ma'am! Sir! Dito na po kayo kumain!". Paulit-ulit. Nakakarindi.Sinubukan namin, kumain kami. Goto ang akin, sila , may goto, mami, pansit, at iba pa. Iisa lang ang reaksyon namin! Ang alat ng Goto, ang tigas ng mami, lawenta! Pero ganoon talaga siguro ang luto nila. Kaso, hindi rin talaga kanais-nais. Bumalik kami sa aming mga sasakyan, buti nalang at may baon din kaming mga pang-agahan at kape! At buti nalang rin ay may mga lamesa na pwedeng gamitin doon.
Habang nagkwekwentuhan at kumakain ay napag-usapan ang pagpuntang Baguio, malapit na rin daw kasi. Ang problema nga lang, alas otso na ng umaga, at hindi ito kasama sa mga plano, kaya't hindi rin natuloy. Dumeretso nalang kami sa Dagupan kung saan kami ay nagpahinga sa tabi ng dagat. Malas! sana pala ay nag-dala ako ng pampaligo! Ilan sa amin na pinalad na nakapag-baon ng pampaligo ay nag-saya sa malamig na tubig sa ilalim ng mainit na araw. Karamihan naman ay namili ng mga daing na bangus, nagpahinga sa mga papag, at nagkakantahan. Dito kami nagpatanghali. Pag-sapit ng tanghaliaan ay nagpunta kamisa Dagupenya, isang matanda at sikat na kainan dito. Nagulantang ang mga tauhan ng nasabing restauran sa dami namin! Upang hindi na magkalito-lito ay pami-pamilya nalang kaming umorder at nagbayad. Sa sobrang sarap ng mga pagkain ay busog na busog kaming lahat. Alas-dos na ng kami ay matapos.
Matapos kumain ay linisan na namin ang Dagupan upang makauwi na, may pasok pa kasi kinabukasan. Hay, bagamat nakakapagod talaga, sulit naman, ngayon lang kasi ako napunta sa lugar na ito.