September 28, 2004
This is a stickied post.
January 18, 2006
Teach me how to be insensitive please?!11:03 AM Last Monday sobrang saya ko talaga kasi nakuha ko na ang unang sahod ko… P12,000 plus ung nakuha ko na pinagpaguran ko ng 1 month and a half… mejo malaki xia kasi 3 days akong may dobol pay dahil pumasok ako kahit holiday. Inspired ako magwork that day kahit na pinull out ako sa Medical ward bilang maging isang Nurse Assistant. Magkaiba ang Nurse sa NA kasi mga midwife lang sila, mas superior kaming mga nurse sa kanila pero dahil sa kakulangan ng staff sa ward kinailangan nila ang tulong ko… Mahirap gawin ang isang trabaho lalo na kung di naman talaga para sayo yung mga gawaing yun! Naging NA na ako dati pero sa mga benign areas lang unlike sa Medical ward na sobrang daming patients na 8 hours kang nakatayo for monitoring of dextrose, input and output, vital signs etc… kung baga ang mga NA ay utusan ng mga nurse at more on paperworks at implementation of doctors order ang gawain namin… di pa ako sanay sa ginagawa ko at di ko pa alam kung pano ititime management yung work kasi mejo bago pa sa akin ang gawain… to make it short imbis na nakauwi na ako ng 10pm nakauwi akong 11:30pm! Sobrang hirap na hirap ako na wala man lang tumutulong sken dahil ang katwiran ng mga nurses dun eh hindi nila alam ang trabaho ng NA! what the hell!!!! Nurse din kaya ako noh? Ang tagal-tagal na nila nagwowork sa hospital wala pa din silang idea sa gawain ng NA, what more pa kaya ako na baguhan pa lang?! What hurts me more pa is no matter how I tried to make my work perfectly done ang daming pintas sken ng kaendorsed kong NA! bakit daw di ko nilista kung ilan ung mga linen na natira, bakit daw ung gauge 9 na lang natitira, nasan daw yung isang stethoscope at kung ano-ano pang mga kasiraan na nakakapagpababa ng confidence ko! Sabi ko sa kanya, di naman inendorsed sken ng pinalitan ko ang mga equipments at di ako familiar sa ward kung ilan ba dapat ang mga kagamitan dun! Sabi nia babayaran ko daw ang mga gamit pag di ko nakita, pakyu xia!!! Tumulong na nga ako, ako pa ata ang masama! Napaka insensitive nung NA na yun, walang konsiderasyon!!! Buti mabait yung isang nurse dun at sinabi nia sken na umuwi na daw ako at xia na daw maghahanap ng nawawalang gamit… napaiyak ako sa Pedia ICU kasama ko si Mam Sherly, di ko nakayanan lahat ng nangyari… pagod na pagod ako pero parang ang labas ko eh wala akong ginawa! Di ko din naitago sa dad and mom ko yung sama ng loob ko nung sinundo nila ako… parang gusto ko ng sumabog at mawala na muna saglit sa mundo… Kagabi naman, the usual stuffs,,,texts mode kami ni bf! nung una, ok naman yung flow ng pag-uusap namin hanggang sa nabanggit niya na gusto sana niyang turuan yung isang pulper na babae magdrums kaso malayo xia at baka ano daw isipin ko… kung di pala malayo yung gurl eh di tuturuan nia db? Yun yung tumatak na dahilan sken eh, pampalubag loob lang yung reason niya na baka ano daw isipin ko… di naman ako nagseselos sa gurl actually, ang kinaiinis ko lang gusto niyang bigyan ng panahon yung gurl para turuan niang magdrums samantalang kaming dalawa sobrang uhaw sa time! Nakakasama ng loob talaga… di ko nga narinig sa kanya na offeran na turuan niya ako eh! Although as of now alam kong imposible pa mangyari yun kasi were both busy pa pero yung alukin ka lang na turuan ka nia eh malaking bagay na yun… Tapos tinanong ko sa kanya kung ano maffeel niya kung gusto kong turuan ang isang guy na who needs my help para matuto magkeyboards, okay lang daw sa kanya! Ewan ko ba kung sa akin ang mali dahil pinapalaki ko yung small issue na yun o kaya siya ang may mali dahil insensitive xia! Ang sama talaga ng timpla ko kagabi na kahit di pa ako inaantok sinabi ko na sa kanya na gusto ko ng matulog para di ko na mabasa mga irereply nia na nakakainis… sinabi ko na lang sa kanya kung gagawa xia ng mga bagay na alam niang ikasasama ng loob ko wag na lang niya ipaalam sa akin dahil baka maparanoid lang ako ikasimula pa ng away naming dalawa, sabi nia mag-iingat na daw xia! Di ko mainterpret yung reply nia ng matino! Mag-iingat na wag makagawa ng ikasasama ng loob ko or magiingat na di ko malaman mga gagawin nia? Aaahhh ewan! Currently listening to: real life fairytale- plumb |
January 13, 2006
it's killin' me! arghhh...09:28 PM its gettin worst... ang hirap talaga pag in born na sayo ang pagiging paranoid... kahit wala ka naman dapat ika worry nagwoworry ka! kahit alam mo na ang katotohanan, nagkakaron ka pa din ng doubts... mahirap talaga pag napakalayo niyo ng mahal mo sa isat isa... yung feeling na lagi kang nadidissapoint dahil gusto mo xiang makita pero imposible... gusto mo xiang puntahan pero paano... may mga gusto kang gawin pero limited ang oras... may mga times na naiinis ako pero wala akong masisi... inis ako sa kanya pero walang kwenta ang reasons! sa sobrang pagka sensitive ko lahat napapansin ko at lahat ng bagay nabibigyan ko ng dahilan... alam kong para sa kanya joke lang yung ibang mga pinaguusapan namin pero para sken seryoso na... may sayad na ba ako sa utak? alam ko ng mali lahat ng iniisip ko pero apektado pa din ako! hirap akong itago sa kanya lahat ng worries ko, nakakahalata na xia na parang iritable ako na may iniisip palagi..di ko naman kayang sabihin kasi unreasonable lahat, mapagsisimulan lang ng away! pero pansin ko insensitive din xia, may mga bagay na di pwedeng ijoke ang topic pero jinojoke nia... xmpre tatahimik nlng ako ayoko na din magcomment sa mga ganung bagay! pero may mali din ako, di ako marunong tumanggap ng joke... lahat binibigyan ko ng malice or meaning pag may kinekwento xia na di na naman dapat bigyan tlga ng meaning! basta mga tamang hinala na di naman dapat pagaksayahan ng panahon, selos kung baga! kapag limited lang ung mga sinasabi nia sa text or pag kachat ko xia naiinis ako... feeling ko gusto nia ng iclose ung conversation kasi tinatamad na katext ako or something! i always get insecured pag feeling ko di xia masaya or satisfied pag magkasama kami... alam ko naman happy xia pero parang feeling ko hindi 100% na happy... lagi kong naiisip na baka sawa na xia makipagkita sa akin na pagod na xia bumiyahe ng malayo para mameet lang ako... tapos after ng malayong byahe makikita nia lang ako na just the same gurl na nakita nia last week, in short " no changes, same old boring style of dressing, hairstlye etc." pati physical feature ko minsan iniisip ko na baka napapangitan na xia sken or whatsoever! ayoko namang tanungin sa kanya lahat ng katanungan ko sa utak ko dahil baka di ko magugustuhan ang isasagot nia or mainis lang xia kasi non sense ang mga tanong ko... haaayyy... may sayad na nga talaga utak ko! ang problema ko ay wala akong problema kaya kusang gumagawa ng suliranin ang utak ko! pakshet! almost perfect ang relationship naming dalawa, pambwisit lang yung layo namin sa isat isa... mahilig ako magsurprise ng tao pero pano ko magagawa yun sa kanya db? minsan na lang nia ako sinurpresa, palpak pa kaya both kaming nabadtrip pa! feeling ko ang laki ng pagkukulang ko sa kanya... may obsessive compulsive disorder pa man din ako, gusto ko lahat nasa tama at nasa ayos... alam kong walang perfect sa mundo pero almost perfect still exists... lahat ng best gusto ko ibigay at gawin sa kanya pero dahil sa i feel insecured all the time nawawalan ako ng energy para gawin yun... baka yung mga gusto ko para sa kanya eh ayaw naman niya, rejected naman ang dating ko! magpplaysafe na lang ba ako? ang hirap naman ng ganun... di ko na alam ang gagawin ko! gabi-gabi naiiyak na lang ako dahil feeling ko andami kong nagawang palpak sa kanya na parang di ako worth na maging 1st gf nia... i want him to be my last one, ayoko ng magmahal pa ng iba.. kundi lang xia wag nlng, sawa na din ako magmahal ulet at ibigay ang trust sa iba... ayoko na ulet magumpisa sa pinaka umpisang proseso! it makes me feel better pag tinatapon ko lahat ng burdens ko dito... nakakabawas aalahanin! nagiging okay pakiramdam ko... wala na akong balak ipaalam sa kanya lahat ng inside thoughts ko kasi baka magstart lng ng away at misunderstandings... alam kong sken ang diprensya kaya ako dapat magsuffer... haaaay! naiiyak na talaga ako... bakit ba kc ganito ako mag-isip? baka dahil sa pagiging paranoid ko mafed up na lang xia bigla sken at bigla akong iwan.. im starting to think of something else now! arghhh.... ang gulo na talaga ng utak ko! Currently feeling: stressed |
January 7, 2006
happy new year!!! am i really happy?09:12 PM andami nang nangyari sken since the last time na nagpost ako ng last journal ko dito.. im very much busy now, hirap talaga pag nag wowork ka na! 1 month and a half pa lang ako na nagttrabaho pero for me its like a year and a half! nararamdaman ko na yung pagod inside and outside sa sistema ko... nagkakasaket na nga ako eh! eniweiz, i'll try to update myself kung ano mga nangyari sken nung nakaraang weeks.. since about my ex yung last journal ko, icocontinue ko yung kwento ko about sa kanya.. he's in mindanao right now and i think hes doin fine staying there... nagkita kami bago xia umalis kasi baka last na tong pagkikita naming dalawa! sandali lang din kami nagusap ng matino at seryoso, ayoko na nga sana magusap kami about his feelings kasi he's really hurt! kahit na alam niang may iba na ako, i can still feel na nagaattempt pa din xia na kunin ako ulet. sinabi pa nia sken na kung sasama ulet ako sa kanya di na xia pupunta ng mindanao at maguumpisa kami ulet ng masaya... di na nia ako sasaktan at gagawin niya ang lahat para kami na talaga up to the end! i know he's serious that time at aaminin ko na napag-isip ako sa mga sinabi nia... unfortunately, i dumped him! it hurts me too pero pagmamahal ng isang kaibigan na lang nararamdaman ko sa kanya... he hugged me tight at medyo naluluha pa xia... i hugged him too at sinabi ko magiging happy ka din at pagdadasal ko yun! naiisip ko tuloy na sana di na lang nia ako natutunan mahalin para di ako nakakasakit ng sobra... di ako natutuwa sa nangyayari! siguro karma niya na din yun pero kahit kelan di ko inisip maghiganti sa kanya... paminsan-minsan tumatawag xia sa celfon ko, nakakatouched nga xia eh kasi nanghihiram pa xia ng sun sim para lang matawagan ako... for me its a big effort na! xia ang kausap ko nung pasko ng madaling araw habang nagduduty ako sa hospital... matagal tagal din kami nagusap kasi wala naman akong ginagawa... may ibibigay daw xiang gift sken, katropa daw nia mag-aabot... gusto lang nia mag thank you sa lahat! i really appreciate his efforts kahit na alam niang wala na xiang pagasa sken.. pinaglalaban pa din nia ang feelings nia! how i wish, makakameet xia ng girl na mamahalin xia triple pa sa pagmamahal ko sa kanya dati... about my current lovelife, were doing good naman... once a week kami nagkikita! mejo tiyagaan lang kasi were both busy tsaka malayo pa kami sa isat isa... tuwing gabi nakakagawian ko ng tumingin sa labas ng bintana at nakatitig sa ulap... di ko maiwasang umiyak gabi-gabi dahil sa sobrang pagkaulila ko sa kanya na kung kaya ko lang xia abutin ng mga kamay ko sa langit at makakasama ko na xia sa mga oras na yun siguro wala ng kapantay ang kaligayahang mararamdaman ko... alam kong wala xiang ideya kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya at wala na din akong balak ipaalam sa kanya... mawawari nalang nia siguro yun pag tumagal tagal na... lagi xiang laman ng prayers ko at kung dati once or twice a day lang ako nagdadasal, ngayon every hour na ata at laging pasasalamat ang lagi kong sinasambit dahil sa masaya ako at pinagkaloob ni Lord xia sken na sana wag na niang bawiin xia sken para ipamigay sa iba... di ko hawak ang future ko at walang nakakaalam nun kahit sino... kung sakaling bawiin xia ni Lord sken dahilan sa mas liligaya xia sa piling iba, masakit man pero ako pa mismo ang maghahatid sa kanya sa maswerteng babaeng yun! Ganun ko xia kamahal, hindi ako sakim at puro kaligayahan lang niya ang iniisip ko… minsan nagkakaron ako ng insecurities sa sarili na feeling ko di ako worth na mahalin ng isang katulad nia… pano kung may malaman xia about sken na di nia magugustuhan? Yung tipo pa din nia eh may pagka fine at lahat nasa ayos… siguro paranoid lang ako pero di ko maiwasan na baka bigla xiang mawalan ng gana sken pag may ayaw xia na makikita sken… its hard to please him, dami niang kaartehen sa katawan! Andami kong gustong ibigay at gawin sa kanya pero feeling ko di nia lang maapreciate, baka masaktan lang ako sa icocomment nia… minsan pag kasama ko xia parang di si Leanne ang nageexist, ibang tao… pero sa side ko ok lang kasi flexible naman akong tao at walang kaaartehan… nakakarelate pa din naman ako pero xmpre may konting preno baka mabadtrip lang xia sa mga ideas ko… mahirap yung pinasok kong relasyon at alam kong hirap din xia… first gf nia ako kaya nararamdaman kong may mga great efforts xia talagang ginagawa para sken… maswerte ako sa kanya kung tutuusin kaya di rin talaga mawala na mainsecured ako minsan… kung di lang namin mahal ang isat isa malamang kahit maglokohan lang kami eh di na naming paplanuhin pa dahil sa layo namin at waste of time lang yun talaga… ngayong araw na ito, galit or tampo ata xia sken! First time nia akong tiniis na hindi itext the whole day… malungkot pero yun ang gusto nia kaya tatanggapin ko na lang… irritable nga ako eh kasi parang may pending problem na kelangan solusyunan… I’ll give him space na lang, siguro napagod na din xia sa kakatext at pag-uupdate sken palagi! Alam kong irritable din xia sa sitwasyon namin, tuwing magkikita kami ayaw na namin maghiwalay pa… ayaw na nga nia ako pauwiin! Kung pwede nga lang sana yung ganun na sumama na lang sa kanya kaso komplikado pa ang lahat… I know God has His own plans for us, di naman kami dapat magmadali… sabi nia sken, walang bibitaw sa aming dalawa pero xmpre kelangan handa ka sa mangyayari… baka balang araw xia na mismo ang bumitaw pag di na niya kaya pang ihandle ang relasyon namin… di naman sa wala akong tiwala sa kanya pero mas maganda pa din ang handa dahil pag di ko hinanda ang sarili ko sa mga unexpected moments malamang mawala na ako sa katinuan talaga… siya na ang nakikita kong makakasama ko sa future kasi! sobrang ineexpect ko na yun ang mangyayari kaya kung di man xia yung makakasama ko, mahihirapan na talaga akong makatayo ulet… |
November 12, 2005
Scars that I made…04:23 PM I had a chat with my ex last night. He called me up around 7pm I guess. Wala lang, the same old stuffs pa din ung pinag-usapan namin… Tamang kamustahan, asaran, pikunan, tawanan at dramahan! Tuwing mag-uusap kami sa fon di nawawala ung reminiscing about our relationship before… di rin kami maubusan ng kwento tungkol dun kasi 2 years din ang pinagsamahan namin. Aaminin ko na namiss ko xia talaga pero hanggang dun lang ang nararamdaman ko sa kanya… Gusto niya na ikwento ko daw ang buhay-buhay ko ngayon… ayun, inamin ko sa kanya im about to have a relationship with someone now. Nanahimik xia na akala ko wala na xia sa linya… hanggang sa sinabi nia na he’s very happy for me. I know he’s crying that time and it also made me cry hearing that he’s truly hurt. I hate giving heartbreaks to anyone, parang ang laki-laki ng kasalanan ko pag ganun. Nagtanong xia kung ano mga ginagawa namin nung guy na sinasabi ko… sinabi ko naman sa kanya lahat na masaya ako that it feels like my first time to fall in love like this na gusto ko xia na ang bigay sken ni God… Nanahimik na xia simula nung sinabi ko sa kanya na may minamahal na ko… parang ako na lang ang nagsasalita! Iniba ko ung topic kasi parang napaka insensitive ko na masyado dahil share ako ng share ng masasayang stories sa buhay ko na malamang nakakasakit naman sa damdamin nia… pinaalala lang niya ung despidida party nia this December. Sa totoo lang nalungkot ako kasi malamang that day na yung huling pagkikita naming dalawa pero happy ako kasi mas magiging maganda ang life nia sa Mindanao kasama ang parents at relatives nia… sinabi ko nga sa kanya na baka dun niya na makikita ang girl of his dreams tapos dun na din xia makakagawa ng pinapangarap niyang pamilya…. Sumagot xia na baka mag pari na lang xia kasi bumagsak na lahat ng pangarap niya. I don’t want to assume that it’s my fault why he keeps on saying that his dreams are now over… May ibibigay daw xia sken na letter, actually nobela daw kasi nakalagay sa 2 notebook… basahin ko nlng daw yun and that time wala na xia sa Manila kaya mas okay. He told me that he wishes me luck about my love life and he thinks that this one will last up to the end… I hope he’s right pero nalulungkot talaga ako sa mga sinasabi niya… He’s pretending that he’s fine but I can still feel that he’s really happy for me… maswerte ako at mahal niya ako pero d xia maswerte sken… parang pinaglaruan kami ng tadhana! Dati ako lang ang nagmamahal nung naging kami tapos ngayon xia nalang ang nagmamahal... aaminin ko na naiinis ako sa nangyari na kung sa umpisa pa lang both kaming nagmamahalan siguro kami pa din ngayon tapos ang haba na ng pinagsamahan namin kaya parang settled down na ang lahat… but still, I don’t have any regrets kasi sobrang masaya ako sa minamahal ko ngayon na finally na feel ko na kumpleto na ang buhay ko… |
November 9, 2005
To be or not to be… that is the question!01:02 PM I’m still unemployed! Haha… But it’s fine with me so I can still enjoy my life without any pressure and can still stay here in the Philippines for a long time. I’m still young and need to experience what life is all about! I had a thought last 2 days about my future. I know that someday I’m going to leave my beloved country and it really makes my heart bleeds! I can’t bear the pain and loneliness that I might feel when that happens… I promised to myself that I will not let myself fall in love with someone because I’ll just hurt his feelings in the end… and also my feelings too! I love my family so much that they’re my top priority in life… I’m willing to give up my happiness just to make them contented! But these past few days, I just realized how come I am so selfish not to give myself a chance to experience the reality of life?! I always think about the others sake not mentioning what needs that I must have to be completely happy… My visions all changed when this person who’s so special to me came and willing not leave me at all times… I realized how important he is to me! Having a relationship with him is not a joke that must not get serious to it. I think I’m totally attached to him already! He gave light to my darkest days… he inspires me with everything I do… he offered me the real beauty of love! He’s worth of my love but am I worth of his love? This day is the 12th day since we saw each others face. I feel like I’m already insane now! What more if I’m going to leave him for 2 years? Can he wait for my return? If you’re going to ask me if I could love him without seeing him for 2 years, my answer is YES!!! I will still continue to love him if he will also continue to love me… And if the time comes for us to meet again, I’m going to ask him to marry me! Yeah, it’s worth the wait but still the whole situation is complicated… I’m starting to have this fear of losing him… I don’t want to imagine my life without him! If only I could do two things at a time… I will work hard for my parents sake and I will spend the eternity with the one I loved! I’m starting to cry again, I don’t know what to do now! Am I selfish to let him fall in love with me or not letting myself totally free just to love him? I’m leaving it all to God, what He thinks what’s right for us will happen… Currently listening to: whan im thinking about you- the sundays Currently feeling: emo mode |
October 22, 2005
A very long day!!!10:18 PM Kahapon, starting 8am gising na ko at nag-aayos ng sarili ko dahil may interview ako sa Infant Jesus Hospital. Actually, ayoko na nga sana patulan yung hospital nay un pero for the sake of not having an experience in interviews pinatos ko na din puntahan… inisip ko na atleast I’m knowledgeable enough to answer questions on my next interviews sa gusto ko na talagang hospital (either san lazaro hospital or metropolitan hospital). Nagkita kami ni Jacoby ng 9:15am sa sakayan at sabay na kami tumungo sa hospital. Kami na yung last na nakapunta ng hospital. Di ko ineexpect na ang dami din palang nakapila dun na kapwa tulad namin na iinterviewhin. Di naman ako kinakabahan kasi matanggap man ako o hinde, hinde ako papasok sa hospital na yun. 1 hour and a half din kaming nakatayo at naghintay para tawagin then atlast ako na yung tinawag! Kampante pa din ako at pawing walang paki elam! Unang tanong sken, “tell me about yourself”… ampness! Ewan ko, nastak ap ako! Di ko alam kung pano ko sasabihin lahat ng nalalaman ko about myself… nung parang nakahalata na ung nag iinterview sken na parang nawala ako sa sarili ko tinanong niya na ako isa-isa like kung san ako nga-aaral, ilan kaming magkakapatid at ano trabaho ng magulang ko. Ayun, nakasagot naman ako ng maayos! Sabay biglang tanong kung ano ang gagawin ko sa Post NSD… actually alam ko yung sagot pero wala ako sa kundisyon magsalita na parang napipi ako! Basta lahat palpak!!! Tanong niya sagot niya! Nagsorry nga ako sa naginterview sken for being so stupid for not making myself ready to this interview. Inamin ko na first time ko to sa buong buhay ko! Mabait yung nagiinterview sken at sabi nia “theres always a first time and I understand you’re situation very well so you don’t have to worry too much!”… sabay pahabol na sabi na “hmm.. I like you, maganda ka kse!” I don’t know if it’s a compliment or not. Compliment xia, kasi nagandahan xia sken or pwede ding hindi compliment yun kasi sinabi niang maganda ako pero at the back of her mind boba naman! After 15-20 mins of lokohan sa interviewer nakaalis na din ako… ewan ko ba kung pinagtripan ako ng nagiinterview sken kasi ung kasama ko interview lang xia ng 10 mins at tinanong lang xia about the resume lang at kung pwede ba xiang mag duty ng 12 hours! Grrr… andaya naman! Siguro nga binasbasan lang ako sa pagiging virgin sa interviews! Well diverginized na ako at magiging ready na ako palagi para maging satisfying ang results! Hehe… derecho kami SM San Lazaro para kumain at magpalamig ng ulo! Tamang chismakan kami ng mga sikreto ni Jacoby at nag dance revo xia na parang wala lang! Kakaiba kasi ung pad kaya di niya gamay ung mga apakan… after nun uwian na kami, I need to sleep pa para sa gig na pupuntahan ko that day… Muntikan nanaman akong di makapunta sa gig kasi sobrang init ng ulo ni Papa roach ko kasi nagalit xia sa kapatid ko! Pinalamig ko muna ulo nia hanggang sa pumayag na xia! Pagpunta namin malate kumain muna kami tapos hated sa malate na! Nakita ko ulet ang mga kacircle of friends ko. Sobrang saya ko talaga! Tapos pinuntahan ko si Grandpa Andre (bassist ng datus tribe) na matagal na akong hinihintay sa bar. Dapat 6 kami ni Rchill, Rome, Dheysie at Merylle na magkikita pero it end up na kaming dalawa lang… pinakilala ko din si grandpa sa mga friends ko at kung kanikanino para d xia mabored. Nahihiya ako kasi respetado xia ng madami tapos ako lang ang kilala niang tao dun kaya dapat kargo ko xia pero happy naman ako to do that! Halos lahat ng ipakilala ko sa kanya tinatawag xiang master at sobrang hawak sa kamay nia, nakakapanliit tuloy! Tapos sabi pa ni Alvin at Lou ang lupet ko daw mang invayt ng isang tulad nia! Mineet din namin si Kuya Karl ng Neruda kasi nakaka conference namin xia madalas-dalas. Matagal-tagal ko din silang dalawa nakasama kasi tamang chikahan at pektyuran kami. ![]() (circle of friends!!!) ![]() (kasama si grandpa andre ng datus tribe) ![]() (kasama si grandpa andre at si kuya karl ng neruda) Nakita ko din ung mga tropa kong South pulpers, nakakatuwa yung approach nila sa aking lahat! Wala lang, basta that night feel na feel ko ung importance ko sa lahat ng nameet kong friends, sayang saya sila na makasama ako… kaya eto walang lumalabas na boses ngayon sa voice box ko! Hmmm… nameet ko personally si Kuya Eric (keyboardist ng Fuseboxx). Mejo naintimidate lang ako sa pagkikita namin kasi imbis na mag HI or HELLO sken, tumawa ba naman at nakipagbulungan kay Dugay at kay ate Abby (vox ng fuseboxx). Sa totoo lang nabadtrip ako kaya umalis ako bigla! Paranoid kasi ako eh, ayoko ng ganun tsaka mali talaga si kuya Eric dun… sumabay sken si Dugay tapos sabi nia hindi daw ineexpect ni kuya Eric na yun ang appearance ko... eh ano ba ang ineexpect nia? Dapat ba xiang tumawa sa harap ko? Kinalimutan ko na lang ung nangyari baka masira pa araw ko… nakipag chikahan muna din ako sa tropa with ate Abby na tumatawa din dahil sa ginawa ni kuya eric sken. Sabi ko sa sarili ko di ko na xia iaapproach unless xia ang lumapet… Pero nung tumagal inintindi ko na lang xia, gusto nia tumawa eh problema niya na yun! Basta di na lang ako magiging snob kahit kanino baka sabihin nila mayabang ako… ![]() (kasama mga south pulpers) ![]() (kasama si RAI ang bday boy na nagpainom ng tequilla) ![]() (natapos ng maganda ang gig ng BK PRODUCTIONS) Masaya yung gig, ok din ang mga tumugtog pero ang habol ko lang talaga dun ay makasama mga friends ko… after the gig, tumambay kami sa kalapet na tambayan sa maiyuchi bar na pwedeng mag-inuman… birthday kasi ni RAI na barkada ko! Uminom sila ng tequila, ako naman tamang interview sa mga lasing kong tropa about their experiences sa gurls! Nakakaaliw sila kasi prangka sumagot! Ayun, tamang kwentuhan kami tapos inom sila… ako taga kain ng junk food! Tatambay pa dapat kami sa bahay ni Gian kaso inantok na ako at nakaramdam na din ako ng pagod kaya 5am pa lang nag taxi na ko pauwi… Currently listening to: Your love-alamid |
October 1, 2005
Wake up Billy Joel Armstrong! September ends now...11:22 PM Nothing really happened to me this day… I just shopped a little coz I’m freakin’ bored! Every day’s always the same… =’( I still don’t know how to fill up my resume! Haha… I can’t believed that its time for me to get serious with my life! I’m really pressured this past few days and I’m quite tired because of that! This day, I decided to review some of my notes just to refresh my brain... whew! It ended up to nothing! There are so many things that worry me a lot… many many things… but the main root of those worries is just because of only one source! I’ll just keep it to myself, I don’t want to remember it anymore… it makes my heart bleed! I’ve got 3 days left! After that, I’m hoping that I could breathe normally and freely again…. Eniweiz, I wanna thank those wonderful human beings out there who commented about my recent entry! Hihi… I’m not expecting that you guys have spare time in reading my blog! Wala lang… nakakatuwa lang! To those who texted me at nag private message sken sa ym at friendster, salamat talaga! Lab ku keyo…=) Currently listening to: hiling-paramita |
October 1, 2005
Wake up Billy Joel Armstrong! September ends now...11:03 PM Nothing really happened to me this day… I just shopped a little coz I’m freakin’ bored! Every day’s always the same… =’( I still don’t know how to fill up my resume! Haha… I can’t believed that its time for me to get serious with my life! I’m really pressured this past few days and I’m quite tired because of that! This day, I decided to review some of my notes just to refresh my brain... whew! It ended up to nothing! There are so many things that worry me a lot… many many things… but the main root of those worries is just because of only one source! I’ll just keep it to myself, I don’t want to remember it anymore… it makes my heart bleed! I’ve got 3 days left! After that, I’m hoping that I could breathe normally and freely again…. Eniweiz, I wanna thank those wonderful human beings out there who commented about my recent entry! Hihi… I’m not expecting that you guys have spare time in reading my blog! Wala lang… nakakatuwa lang! To those who texted me at nag private message sken sa ym at friendster, salamat talaga! Lab ku keyo…=) Currently listening to: hiling- paramita |





































