:: polperoch :: the wind caught me



your name:

url:

your message:








Free Hit Counter

August 19th, 2008

isang pagsara, ngayon.

Posted by renewed_eros at 08:12 AM on August 19, 2008.


mas malimit kaysa minsan na ginagawa kong hingahan ang blog sa mga sentiments ko sa aking mga encounters at relasyon. at last, napansin ko rin! na isa lang palang psychological tool ang medium na ito para sa sarili ko. dun ko naisip, tinimbang kung bakit nga ba ako nagsusulat. unfortunately, di ko nagustuhan ang mga sagot ko.

kaya ito ay pamamaalam. at pasasalamat na rin.

ito ang huling seremonyas ko sa pagsara sa may karamihan nang chapters ng buhay ko. 

maraming salamat sa inyo. sa mga karanasan, sa mga alaala, sa mga kagiliwan. mio, israel, jojo, lee, andrew, ang sarap ng may nakasama.

sa pagkakaibigan. johnny, ryan, utoy, gumaan ang buhay dahil sa inyo. at friendship angelito, sa patuloy na paglakbay.

sa buhay, sa pagtula, sa walang kapantay at wagas na puso. xam, katangi-tangi.

sa pagiging ikaw. yuri, sa panaginip kong minsan nagka-totoo, sa pagpakita ng dahilan upang mabuhay pa, sa pagiging busilak, sa lahat lahat na pwede kong maisip na kagandahan. salamat, salamat.

isang pagsara, ngayon.

upang bukas, magkaroon na ng kahulugan ang bawat salitang naisusulat. hindi lamang para sa sarili.

salamat sa buhay, Lord. sa pag-ibig. salamat.

1 blew it

May 7th, 2008

kailan nagiging mabuti ang pagsusugal

Posted by renewed_eros at 03:56 PM on May 7, 2008.



adik ako ngayon sa American Idol. naalala ko nga nung valentine's, tinanggihan ko hindi lang isa, kundi tatlong invitations for a date, dahil lamang sa gusto ko mapanood nang live ang AI.

gusto ko ang mga mata ni jason castro. gusto ko ang mga moves ni david hernandez. gusto ko si ramielle dahil siya ay pinay, pero hate ko ang pagpapa-cute nya. gusto ko ang staying power ni kristy lee cook, ayaw na ayaw ko ang boses nya, parang pinigang labada. gusto ko ang emotive approach ni brooke white, ayoko ang pagsasagot niya sa mga judges. hate ko si amanda at chikezie, period.

gustong-gusto ko talaga ang dalawang david - archuleta at cook. mukhang sila ang matitira sa finale.

pero dahil sa pagsusugal (risk) ni david cook sa mga performances niya, siya ang mananalo.

pero di sa lahat ng oras, mabuti ang pagsugal. minsan, talo ka talaga, gaya ng sa pag-ibig.

david c




















3 blew it

April 28th, 2008

minsan nagkakamali ang panlasa ng dila

Posted by renewed_eros at 08:24 AM on April 28, 2008.




isa siyang appetizer na sana hindi na naging main course...

isa siya sa mga pagkaing di bagay sa sistema ko, gaya ng kape na nakakapanghina, ng baboy na nakakapanghilo...

isa siyang anghel na hindi kailanman nag-care sa kanyang binabantayan, mapanlinlang - parang isang pulutan na katakam-takam pero di masustansiya...

nagkamali ako sa pagtikim. nabilaukan ako nang lulunin.

paalam.


single

p.s.
mali ata ang kanta mong "no one", there are several "ones"..

5 blew it

April 8th, 2008

no one

Posted by renewed_eros at 07:24 AM on April 8, 2008.

"No One"

I just want you close
Where you can stay forever
You can be sure
That it will only get better

You and me together
Through the days and nights
I don't worry 'cause
Everything's going to be alright
People keep talking they can say what they like
But all i know is everything's going to be alright

No one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for you, you, you
Can get in the way of what I feel for you

When the rain is pouring down
And my heart is hurting
You will always be around
This I know for certain

You and me together
Through the days and nights
I don't worry 'cause
Everything's going to be alright
People keep talking they can say what they like
But all i know is everything's going to be alright

No one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for you, you, you
Can get in the way of what I feel

I know some people search the world
To find something like what we have
I know people will try try to divide something so real
So till the end of time I'm telling you there ain't no one

No one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for you, you, you
Can get in the way of what I feel for you

minsan, sinabi nyang ito ang kanta nya para sa akin. actually, di ko maipasok sa sistema ko ang tono, pero yung thought na sabihan ka ng "no one can get in the way of what i'm feeling for you" ay sobrang sweet, di ba? nga pala, kami na ulit ni "anghel ng mga bata". pinipigilan ko ang sarili kong magsabi ng marami pang mga "sana..." marami pa kaming mga araw na kailangang bumawi sa isa't isa..

 

1 blew it

March 14th, 2008

kung kelan nagiging R-18 ang kulot na buhok

Posted by renewed_eros at 10:57 AM on March 14, 2008.

ganito ako pag umaga. yung tipong ayaw papasikatan ng araw, kaya bago pa man mag-ala sais, kailangan nasa jeep na ako papuntang baclaran. siyempre, mamasa-masa pa ang buhok ko nyan. pagdating ng MIA road, lilipat naman sa bus na biyaheng Edsa. Biyaheng nagiging routine na, na kaakibat ang paboito kong gawin - ang mag-isp, ang magdaydream, habang nilalaro ng hangin ang buhok ko hanggang sa matuyo.

ito talaga ang oras na ang dami kong iniisip. puwera sa pulitika, at lalo na sa ekonomiya ng Pilipinas, isa ako dun sa mga "buwisit, pakialam ko dun!" ang asta. yan ay kung alam kong meron pang laman ang pitaka ko. syempre naman, paminsan minsan ay meron din ako nung "hero-in-me syndrome," ayung alam ko ang  solusyon sa lahat ng paghihirap ng mundo. pero ilang segundo lang ang mga ganun. mas iniisip ko pa kung nagulo ba ang buhok ko sa biyahe (na wala namang kaayusan kasi kulot) o  bumabalik ako sa paborito ko - ang usapin ng puso.

tulad ngayon, single ako. pagkatapos ng pakikipag-"cool off" ko kay "anghel ng mga bata," na sa palagay ko ay pakikipag-break up na rin, kasi hindi naman kami nagkita na, ay medyo sumubok ako sa medyo malabong setup. ako rin ang may gusto nung ganun kalabo. parang defense mechanism ko na rin. nagkikita kami nung tao once in a while, some things were materializing, but some important things were left undeclared. ang isip ko nga, single ako.

iniisip kong mas lalo pang magliwaliw. bilib ako sa mga may s-e-b linggo linggo, gusto ko silang gayahin. baka sex lang talaga ang hanap ko. inaalam ko na kung paano magkaroon ng fuck buddy. ang sarap ata na meron kang mahihila kung inaabot ng libog. pero warning sa akin, it's a no-no to fall. funny thing is iyon ang weakness ko. pero ewan ko pa rin kung bakit aligaga ako sa ganito. iniisip ko pa lang eh parang ang hirap kumuha ng isa o ilang tao na mahahalina ko sa ganung set-up. take note, di ako cutie, lalo namang di ako hunk. at teka, mahirap atang magka-kuto doon.

iniisip ko ring bumalik sa pagseseryoso. wala pa namang nag-alok, pero kung gugustuhin ay madali lang naman ang um-oo sa susunod na taong makikilala at magugustuhan. ang mahirap ay ang pag-maintain nito.

nagpapasalamat ako sa tatlong taon na pag-ukol ng sarili sa nakaraang relasyon. hindi lang ang mga aral at alaala ang naiwan, kundi ang patunay sa sarili na marunong din pala akong seryosong magmahal at panatilihin ito nang ilang panahon. akala ko noon, hindi ko kaya ang pumasok sa isang kahon na kayong dalawa lamang ang laman, na kailangan bunuin ang hirap at ginhawa, na kadalasan ang sarili ko ang palagi kong kaaway. kung bakit ginusto kong itigil iyon ay panahon na ang makakapagsabi. hindi ko rin matiyak ang dahilan. isang factor na rin siguro ang pagkapagod ko sa pagsabi ng "sorry" sa kapartner ko kasi maraming bagay ang nagagawa kong hindi tama sa isang relasyon, dahil lamang sa pag-aakala kong mas mabuti iyon. at may mga bagay na hindi talaga mababago, kaya pagod na rin akong magsabi ng "sorry" sa sarili ko sa mga panlilinlang ko dito.

iniisip kong tumakas. magising na lang isang araw na wala na ako sa mundong ito. pero sabi ni friendship, selfishness daw iyon. at kaduwagan. teka, ganun naman ako ngayon ah.

iniisip kong mabuhay na lang sa pangarap o panaginip. yung di na lalabas ng bahay, at mananaginip na lang na kasama ko "siya".

medyo mahaba na ang buhok ko. at pag ganito kahaba ito, mas nakikita ang curls o waves (nung isang sabado nga, sinubukan ko nga yung hair straightener na nakita ko sa Mercury, ayun mi sugat ang anit ko ngayon). 

kasin-kulot ng buhok ko ang mga isipin sa puso. kahit gaano ang pagsisikap kong gupitin ang mga kulot nitong bahagi, tumutubo ulit ito. parte na ito ng kung ano ako. ang masaklap, mukhang di ako nasisiyahan sa kakulutan ng buhay pag-ibig ko. pinapangarap ko balang araw na kung makita ko ulit sa salamin ang kulot kong buhok (o pag-ibig), nakangiti na ako. hanggat hindi pa, iisipin ko na lang muna na may mahihita ako dito. baka pwede ibenta ang istorya ng kulot kong buhok sa isang prodyuser at gawing isang r-18 na pelikulang indie. o baka kunin pa nila akong porno star. masaya yun. 

 

2 blew it

January 11th, 2008

anghel

Posted by renewed_eros at 08:03 AM on January 11, 2008.

sa simula, nakatingin lang ang batang babae sa kanya. sa bus yun, galing Alabang papuntang Fairview. ilang minuto lang, nakikipagkulitan na yung bata. nakikipag-pickaboo. nalundag sa upuan, humahagikgik talaga pag ngini-ngitian niya. nag-aalok pa nga ng chicheria niya. pinapabayaan na lang ng nanay (pati ng tatay) yung bata. alam naman siguro nila na mukha namang safe ang anak nila makipaglaro, kahit na total strangers kami. mahaba naman kasi ang biyahe.

hindi lang ito isang beses. tuwing magkasama kami at may bata sa paligid, napapansin ko talaga na nakatingin sa kanya. tapos ngingiti. sabi ko nga sa kanya, "anghel ka ata ng mga bata". ngiti lang din ang tugon niya. 

i
sa lang ito sa mga moments ko sa kanya. kung gaano ka-higpit ang hawak niya nung nasa taas kami ng ferris wheel, mi fear of heights siya. kung paano aligaga siya nung sumakay kami ng MRT dahil di siya marunong magsuksok nung tiket sa slot. kung paano ang hiya namin nung minsang naghalikan sa loob ng bus sa pag-aakalang natakpan namin ng kurtina, yun pala open yung kabilang kurtina kaya kita sa kabilang bus. dumarami na rin ang mga "firsts" namin sa isa't isa.

nag-iipon ako ng moments. upang kung sakaling mawala man siya, may mga panghahawakan ako. kahit sa memorya lang.

ilang araw nang wala siyang texts. madaling araw, nag-iwan ako ng mensahe. Sabi ko, hinihintay kong sabihin niyang gusto na niyang ibaba ang aming status sa pagkakaibigan lang. buong araw, wala akong natanggap na reply.
papatulog na ako nang may text niya. nangungumusta. miss na daw niya ako. humihingi ng sorry, marami lang daw siya iniisip.

pag magkasama kami, ang dami talaga niyang iniisip. mga bagay na kahit sa akin, ayaw niyang i-share. palaging sinasabing "wala lang ito," ayaw niyang pansinin ko. "Marami siyang iniisip" yan ang reason ng di niya pagparamdam. tatanggapin ko, di ko na uuriratin pa. kasama yun sa prinsipyong natutuhan ko, ayokong manggipit, ayokong mang-impose ng kung anuman. bawat isa tayo may isip, may desisyon para sa sarili. kung mi ganang pagdududa, sisikaping intindihin, baka multo ko lang sa sarili ang lahat.

tuwing makakakita ako ng batang nakangiti, dun ko sinasabi sa sarili ko: "i am holding on". baka isa nga siyang anghel di lang sa kanila, kundi sa akin din. anghel na naghahatid ng mensahe ng katatagan ng puso. masaya ang mga moments, mag-iipon pa ako nito kasama siya. hold on. 

blow

October 19th, 2007

next generation

Posted by renewed_eros at 10:17 AM on October 19, 2007 in photo.


my pamangkin, his apo
at Tatay's resting place, Looc, Romblon. © polperoch. 10.16.07

 

1 blew it

October 11th, 2007

man-made fruits

Posted by renewed_eros at 04:59 AM on October 11, 2007 in photo.


(note: These are all papier mâché.)
Paete, Laguna. © polperoch. 08.30.07

 

3 blew it

October 9th, 2007

guardians of the village

Posted by renewed_eros at 08:01 AM on October 9, 2007 in photo.

 


Tam-awan Village, Baguio City. © polperoch.09.29.07

blow

« Newer | »