May 7th, 2008

I Miss..

Mga tao, bagay, at kung ano ano pang namimiss ko sa Pinas:

-ang asawa kong si koi
-erpats at ermats ko
-pamangkin ko (si shamae na ubod ng cute)
-detapak ko (si toinks ang ama ni shamae)
-mga kapatid ko sa hirap at ginhawa:
 
 Blackhole Inc:
 Reizon - drums (ucpb boy pa din)
 Kekek - vocals (mini stop architect pa din)
 Jayjay - guitars (magiging tatay na)
 Tom - guitars (naghahang pa din pag inuman)
 Larry - bass (mataba pa rin)
 Ren - bass (nasa Saudi)
 Jowals - guitars (nasa Vietnam)
 Rj - bass (Nasa Dubai)
 Antix Inc:
 Betong (papunta na Saudi)
 Mac Danao (nag aaral kuno)
 Macblack (hinihintay mamatay si Dante)
 Macbents (nasa Dubai)
 Jong Jorge (nag aaral din kuno)
 Kenneth (nasa Dubai din)
 Jr Palacio (nag aaral pa din)
 Shay (nag cacall girl sa call center)
 Jho (in love pa rin kay larry hehehe)
 Ana ( nasa Taiwan)
 Jude (umiinom parin at donya pa din hehehe)
 Dondon ( reyna pa din ng kaharutan nyahaha)
 Cristobal Peeps:
 Jao (gwapo pa rin hehehe)
 Es Es ( ewan ko kung nag aaral pa din ahaha)
 Isobel Ilui ( naglalagay pa din ng mga reminder sa pader ng kwarto nya lol)
 Abs (amoy lacoste pa din)
 Carlo (guitar god pa din)
 White Room:
 Boss Alvin - guitars ( pinakamagaling na gitarista sa Bataan)
 Boss Joel - guitars ( pinakamagaling na bahista sa Bataan)
 Boss Nars - guitars ( pinakamagaling na drummer sa Bataan)
 Jojo - vocals (mataas pa rin ang boses sa Bataan nyahaha)
 
-telebabad with mi mujer koi
-sinigang na baboy
-red horse, granma, generous, smb, smlight, fundador
-tambay
-puyat
-banda
-lasa ng marlboro lights sa pinas
-inuman
-internet shop ng kabarkada ko (jd10)
-gitara blues
-paggising ng tanghali
-pagtulog ng madaling araw
-unlimited texting sa globe at sun
-makasama ang mi mujer ko ng magdamag
-gardenia bread na binibili ng aking mujer
-love making.. :D
-tumawa ng malakas
-magphotoshop
-magpicture picture
-tumae ng matagal sa banyo namin
-magpatugtog ng maingay
-mga sermon ni tatay
-mga luto ni nanay
-pansit canton
-eat bulaga na live pag tanghali
-manood ng anime
-lumuwas ng manila
-mag stay sa cristobal

at madaming madami pang iba akong nakalimutan hehehe

Sinulat ni renperona sa oras na 08:15 PM | pick yer nose

April 18th, 2008

Saudi Boy!! Yaho.

Tanong nyo kung bakit yaho? kasi hindi ako ganun kasaya ehehehe... pero ok naman din kasi at least hindi na ako tambay. pero malayo naman sa pamilya.. kaso walang magagawa para din naman sa kinabukasan ang aking ginagawa hehehe... nakaka 2 months na ako, 16 months na lang at uuwi na ako, 2 months akong nakaligtas sa mga arabong namumuwit nyahahahaha...

 

ok naman ang lagay ko dito, para akong militar, gumigising ng 430 para kumain, maligo at pumasok sa trabaho.. sa ethylene plant ako nagtratrabaho.. ako ay isang pipefitter, isang propesyon na akala ko ay simple pero may pagkakomplikado din pala.. may trigonometry at pythagorean theorem pang kasama ang lintek.. pero nakakatuwa naman kasi natututo na naman ako ng bagong bagay at pagbalik ko ng pinas e mas madaming oportunidad ang papasok para sa akin..

sabi nila mahirap daw sa saudi.. mahigpit, matindi ang mga batas, kakaiba ang kultura at paraan ng pamumuhay.. totoo yang lahat hehehe... pero kahit paano makakagalaw ka pa rin naman ng maayos maliban sa bawal tlga ang alak. meron ditong san miguel beer na non alcoholic kung gusto mong lokohin ang sarili mong umiinom ka hehehe.. o kaya naman ang sikat na sikat na SADIQI or SADIQUE kung gusto mong isugal ang buhay mo sa alak na ginawa lang ng mga kapwa ko OFW dito.. :D

matagal tagal pa ako dito, pero sana maging maayos ang pagstay ko dito.. ginagawa ko itong lahat para sa tagumpay!! at para makapagsimula na ako ng aking sariling pamilya hehehe.. tama na muna ang tambay tambay, ipagpapatuloy ko na ang aking buhay hehehe.. pero hindi mawawala ang aking mga kaibigan kong katulad nyo sa buhay ko.. parte na kayo ng existence ko sa mundong to hehehe... apir!!!

Sinulat ni renperona sa oras na 07:34 PM | 1 snot/s

February 11th, 2008

And Now.. The End is Near..

2 weeks na lang mga kapatid

 

punta na ako disyerto

 

waaaaaaaaaaa!!!

 

 

ano kaya mangyayari sakin? 

Sinulat ni renperona sa oras na 09:30 PM | 10 snot/s

« Newer | »