isang impormal entri...
walastik! ang tagal ko na palang hindi nakapablog...hmm...nakakapanibago tuloy....
dami nangyari sa mga araw at buwan na hindi ako nakasulat. pati ako, nagbago. hindi ko akalaing madadaanan ko ang ganitong "transition" ng buhay. para akong lintang bagong sipsip ng dugo.
kung dati'y nasa sibilisasyon ako, ngayon nama'y nandito sa kabundukan, sa isang lugar na hindi ko inasam na mapuntahan noon. lahat na yata iniwan ko sa siyudad, pati pagkatao ko.
pero tulad ng hindi ko inaasahang pag-alis, hindi ko din inakalang mamahalin ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. nagbago man ang lahat, pananamit, pagsasalita, pagkain, pakikitungo sa tao, pamumuhay, at pag-aaral, masasabi kong "buti na lang pinilit nila ako."
pasensya na, matagal akong hindi nakasulat o nakadalaw sa mga blog ninyo, at tuloy nagsawa sa kakabasa ng mga "old skul" kong entries. hayaan niyo't ako'y babawi...para naman ang ibong adarna ay umawit muli...
>>>makasipsip nga muna ng dugo....
September 23rd, 2005
Ang Pagbabalik ng Ibong Adarna
April 25th, 2005
ONE
Ilang beses ko nang napanood ang patalastas nang "One" Campaign sa MTV, pero ngayon ko lang tiningnan ang site nila. So itong entry ko ngayon ay dedicated sa lahat ng taong gustong lumahok sa kampanyang ito. O kahit gusto mo lang makiuso.
(Visit the website: www.one.org)
Philippines: Organisations unite against poverty
A wide range of groups have come together in the Philippines to challenge policy makers to meet the needs of the poor. The focus will be on those groups who bear the brunt of poverty including indigenous people, muslims and disaster survivors.
An initial calendar of events has already been put together, building on existing campaigns and linking up with the South-North issues targetted by GCAP globally.
Currently the calendar for 2005 includes:
March 15th: Women's March Against Poverty and Globalisation
April 24th-30th: Global Campaign for Education Week of Action
May 28th: International Women's Health Day - a Maternal Death Audit
July 1st: Mobilisation to press the G8 - Actions on food sovereignty, trade and poverty led by IRDF and Philnet-Rural Development Inc
July or August: Shadow Report by civil society on the status of the MDGs in the Philippines to be released.
September 10th: Mobilisation to press the UN Special Summit - Poverty, Social Exclusion Debt and Aid
October: Indigenous people's month
December: Mobilisation to press the WTO - Actions on trade led by Focus on the Global South
Further dates may be added in partnership with other movements.
The Philippines GCAP alliance, currently facilitated by Social Watch, already includes organisations from Action for Economic Reforms (AER), Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), Education Network (E-Net), Philippine Network on Rural Development Institutes, Inc. (PhilNet-RDI, Inc.), Integrated Rural Development Foundation (IRDF), Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC), WomanHealth Philippines, Women's March against Poverty and Globalization, Freedom from Debt Coalition (FDC), World Vision Development Foundation in the Philippines, and AnthroWatch along with many others. They are now working to develop stronger links with muslim groups, workers' organisations, environmentalists and legal advocates. The plan is combine advocacy and lobbying with street mobilisation and public education and to link local issues with global ones. The view is that by pooling resources and energies all those seeking to challenge poverty and injustice will be much stronger.
For more information or to get involved with the Philippines campaign please contact Marivic Requiza at mraquiza@surfshop.net.ph and sowat@info.com.ph
Created by ojames
*sana makahanap ako nang sasalihan na grupo. Baka may alam ka, magkomento ka lang, at tulungan mo akong tumulong..

April 22nd, 2005
ang gwardya
Kagagaling ko lang kanina sa shop ng tito ko sa may Project 8. Inutusan kasi ako ng nanay ko na singilin ang utang ng tito ko. Masaya pa ako ng una. Nagyayaan pa nga kaming manuod ng sine nitong darating na linggo. Kampante din ako kasi muli akong bumabalik sa pagkabata, sa tulong na lang ng librong binabasa ko habang nasa dyip.
Kaso isang gwardya ang nakatawag-pansin sa akin. Tumigil ang dyip na sinasakyan ko sa tapat ng isang iskwelahan sa may Tandang Sora, para magsakay ng pasahero. Nakita ko ang gwardya sa iskwelahang iyon, nakatayo at may kinukutkot na bag ng plastic. Lumingon sa baba ang mata ko, at doon ko lang napansin ang isang lalaki na nakaupo sa simento.
Aah, tsinetsek ng guard ang bag niya, bulong ko sa sarili ko.
Pero bakit ganoon? May mesa naman sa tabi ng guardhouse. Kapag may pumapasok sa isang gusali at itsetsek ng gurad ang gamit nito, diba pinapatong ang bag sa mesang iyon, kasi doon nakalaan iyon. In short, para sa mga bisita iyon.
Pero bakit ang lalaking iyon nakalapag ang bag niya sa simentong nilalakaran ng mga istudyante? Para saan pa ang mesa?
Bulag. Putol ang kaliwang kamay.
Iyan ang lalaking nakaupo sa simento.
Porket lang ba may kapansanan ang lalaking iyon, at porket lang ba mukhang gusgusin at hindi kagalanggalang, pauupuin na ng isang gwardya ang isang mama sa simento at doon niya na din tsitsikin ang mga gamit niya? Porket hindi naka necktie at long sleeves?
Nakakasama ng loob. Alam ko maliit lang na bagay ito, pero nakakainis pa rin. Nakakainis ang mga taong stereotype. Mga tamang hinala.
Ang sa akin lang, tao pa rin iyon. Gusgusin man, at mukhang hindi kagalanggalang hindi dapat ganoon ang trato mo para dito. Hindi ba sila nanood ng commercial o nagbabasa ng bibliya? Ako hindi, pero ni minsan hindi ko sila pinagisipan ng masama.
Ang sa akin kasi, ganoon man ang itsura nila, " they deserve to be respected." Lahat naman tayo hindi gusto ng pinagiisipan ng masama, lalo pa ng tratuhin na para bang lagi kang may dalang bomba.
Nakakasama lang talaga ng loob.
April 20th, 2005
PAPARATZI nger

Paunawa: Sa mga nainsulto ko sa aking inilagay na titulo, pasensya na. Ginanahan lang magsulat.
Nakakatuwa ang mga tao. Habang pinapanood ko ang mga balita kanina, hindi ko mapigilang ngumiti. Sa wakas, kako, nakangiti na din sila. Nakatayo , nagsisigawan, at nagsasasayaw. Sino ba namang katoliko ang hindi matutuwa? eh lumabas na ang puting usok sa simbahan.
Ibang klase. Hindi ko akalaing matutunghayan ko ang makasaysayang pangyayaring ito. Simula kasi nang nabasa ko ang unang dalawang libro ni Dan Brown, hindi ko na mapigilang ma-adik sa kwento nito. Naitanong ko pa nga sa sarili ko kung paano kaya kapag nagkatotoo ang isinulat niya? (pagpasensyahan, adik lang talaga). Sa mga hindi nakabasa, pwede niyo na akong batukan kapag nakita niyo ako sa kalye.
Amazing..ibang klase talaga ang feeling. Iyon bang alam mo na ang hindi pa nasusulat na history kasi nandoon ka at nakita, nabasa, at narinig mo na. Kahit paano may maikukwento ka, kahit lang ba sa mga anak mo. Magaling. Nakakatuwa. :D
Isa pang nagustuhan ko, eh iyon bang nagkaisa ang mga tao habang inaabangan ang kasaysayang ito. Kahit paano, wala kang narinig na masamang balita.
Kaso iyon din ang problema. Sa halos tatlong linggong pagtututok sa Vatican, parang nakalimutan ata ang mga taong nasa kabilang panig ng mundo. Ang nabaril na UN peacekeeper na pinoy; tuloy pa ba ang giyerang nangyayari sa Iraq?; Kamusta kaya ang meeting ni Gloria sa Pakistan President?. Ang mga balitang ito, tila hindi na napansin. Natakot pa nga ako na baka kasama ang dati kong kakalase sa sunog sa may Binondo. Buti na lamang hindi.
Tapos na ang botohan. Umusok na ang dapat pausukin. Nalaman na ang dapat malaman. SAna naman sa lahat ng ito hindi natin makalimuta na may iba pang balitang dapat pakinggan. May iba pang seksyon ang dyaryon hawak mo. At sana, hindi dito matapos ang pagkakaisang nasaksihan ko.
*Mas gwapo ata ang lolo ko kapag naging Pope, tingin niyo?