December 4th, 2008

Goodbye Kras

Posted by sexyever at 09:32 AM on December 4, 2008.

Dear Kras,

Matapos kong mareformat ang aking kompyuter, naisipan kong mag-ayos ng files ko kahapon. Infairness, kinilig ako sa mga pictures na tayong dalawa lang ang andun, or yung mga magkasama tayo. Mas lalo kong napatunayan na hindi ako feelingera, may malisya talaga sa'yo. Discreet ka lang at ako ay hayagang nagtataka sa mga kinikilos mo at nagtatanong ng opinyon ng iba. Nagtatanong dahil sa totoo lang manhid ako at may pagka-objective kaya nagtitiwala ako sa aking instinct kapag may kakaiba. Ngunit nitong mga dagdaang araw, obvious ka na.

Hindi ko gusto yung nararamdaman ko. Gusto kita at mukhang lumalalim na ang tawag ko sa pakiramdam na ito. At isa yun sa mga kinakatakot ko, ayokong makorner ng isang katulad mo kahit alam ko na halos lahat ng gusto ko ay nasa iyo. Isa pa, komplikado ka ring tulad ko (mas magaling ka lang magdala), maraming may gusto sa'yo at may history ka ng pagkababaero. Kontento na ako na maging kaibigan ka at tingnan ka mula sa malayo sa mga bagay na ginagawa mo. Dati naa-amaze ako sa mga bagay na ginagawa mo, pero nung may "something" na para ka nang ewan. Tinanong naman kita ng tahasan kung ano ba talaga, sabi mo wala naman. Tsk, hindi mo man lang naisip na baka interesado na ako sa'yo?  Na baka nga nagsi-sink in na sa akin yung mga sinabi mo last summer, na baka nga handa akong sumugal at sa pagkakataong ito sa'yo naman. Pero dahil dalawang beses mo nang tinanggi, manigas ka! Bahala ka. Kahit suotin mo lahat ng t-shirts mong sinabi kong maganda at bagay sa'yo o yung kewl mong relo, ewan ko sayo. Kahit ilang papansin ang gawin mo, di kita titingnan. hehe

Kung sabagay, maganda na rin na ganito. Level down daw ang tawag dito sabi ni Hunter. Dahil kung magpapatuloy akong kiligin, paano na lamang ang mga nasimulan na? Nailang na nga ako nitong mga nakaraang araw at nung huli tayong nagkita nakatikim ka ng pagsusungit ko. Bleh! At malamang may magandang dahlan kung bakit hindi tayo matutuloy magkita sa darating na Sabado. By the time na magkita tayo uli, hindi na kita kras.

Akala ko dati joke-joke lang yung nangyari nung summer, pagtinitingnan ko yung mga litrato at yung mga naiblog ko dati at mga texts mo kay QWERTY; nanghihinayang ako. Sana lang naging mas matapang ka.

3 Umapir!

December 3rd, 2008

Something to consider

Posted by sexyever at 10:05 AM on December 3, 2008.

Lahat ng tao pwedeng maging mabait sa'yo pero hindi lahat ng kayang magpakatotoo sa'yo. Kung sa simula palang nagsinungaling na, paano ka magtitiwala sa kabaitan n'ya ngayon?

Kung yung mga bagay na sinasabi sa'yo ay hindi totoo, anong basehan mo para maniwala?

4 Umapir!

« Newer | »

#back top | Site powered by Tabulas.