Pasok lang .. magbasa..

July 28th, 2007

Tamad
POSTED AT 07:16 PM

 

Tinamad na naman ako buksan toh. Hehe! Dami ginagawa eh. Lecture, community, duty, retdem at lahat na ng maisip mo. Tapos na ang prelim. Woohhoo! 

Umpisa ulit sa midterms. WAAAH!!

Ewan.

Ayon, antagal lumabas ng Kikomachinekomix Blg.3! Hehe! Wala lang para maaliw aliw naman ako. Ayoko bumili ng harry potter. Hindi swak sa budget! Manghihiram na lang.

Saka yung Sportsfest ng CEU. Sama sama daw ang Mendiola Makati at Malolos? Haha! Andami ata nun? Pero ok din, pang ISANG DAANG SELEBRASYON! Tapos all year level ng Nursing kasama DAW. Andami ata nun? Haha! Ibig sabihin makakasama ako! Haha!



June 18th, 2007

Nyak. Nyak.
POSTED AT 04:48 AM

 

Amp. Nakalimutan ko password ko dito. Haha! Buti na lang.. Wala lang. May Tag Game pa kong hindi nagagawa. Tsk.

Umpisa na ng klase, parang last week lang natapos yung summer namin tapos klase ulit. Pero natutuwa ako dahil 3rd year na ko, ibang level na! Haha! Yehey! Excited akong isuot yung nameplate ko. Haha! Iba kasi pag suot mu yun eh. Simbolo ng pinaghirapan mo. At ang cap namin na nagmimistulang pakpak ko sa ulo. Haha!

Minsan niloloko ko sila mama. "Ma, yoko na! Tapos na ko ng AHSE! Magcacaregiver na ko!"

Pero siyempre, gusto ko tapusin toh. Gusto ko makita nila na yung anak nilang laging nandidiri eh magiging nars. Nax yabang! Haha! Pampalakas lang ng loob yan. Haha

----

May gusto pa sana akong itype. Tungkol ito sa matandang tatlong beses umutot sa harapan  ng pagmumukha ko. Panu nangyari yun? Nangyari yun sa bus, kung saan ako ay nakaupo at siya ay nakatayo sa gilid ko. Utot lang naman siya ng utot. Amp! Imbyerna. Gusto ko pa sana idetalye ang pangyayari kaso tinatamad na ko.

-----

Para sa mga kapwa ko taga CEU. Totoo bang wala na tayong integration day? Waah. Wala na ang sarap. Haha! Kawawa naman ang mga freshmen, hindi nila mararanasan yun.



May 19th, 2007

Macarthur
POSTED AT 11:33 PM

 

 

Aha! OO tama. May bagong libro na si Bob Ong. Ewan ko kung kelan lumabas, pero ayan na.. Manipis lang siya at mura.

Medyo natagalan ako mag isip kung ano bibilhin ko kanina, kung Macarthur o yung Libro ng eheads... Pero mas mura yung libro ni Bob Ong. Haha!

Tapos, nakakita ako ng Album ng RadioActive.. Tae! Bakit pag wala na kong pera, saka pa nagsusulputan yang mga yan. Haha!


Feeling: calm


May 19th, 2007

Libro at iba pa.
POSTED AT 04:14 AM

 

 

Sana nagagawa ko pa din yung dati kong gawain. Ang magbasa ng libro.. Tsk.

Sana DSL na kami. Para mabilis na ang koneksyon. Napagiiwanan na ata ako. Ang hirap naman kasi magpakabit sa PLDT. Leche. Gusto nila kinukulit sila. Tae!

May 30 daw ang last day namin. WAW! Talagang sagad sagaran na toh. Tapos June 4 may hospital orientation kami. Hindi na talaga uso ang pahinga.

Kagigising ko lang.. Ang sarap ng ganito.. Haha!


Listening to: Foodtrip - RadioActive Sago Project


« Newer | »
 User


shoo

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Tagboard
your name:

url:

your message: