nakaugalian ko na ang pagsumpa sa mga gumagawa ng masama sa akin...
pero ang sabi sa akin ng aking girlfriend, iwasan ko daw 'to, lalo na ang pagsasabi ng "sana mamatay siya!"
masama daw kasi 'yon eh...
nakinig naman ako, at naisip ko, tama nga naman... mali ang ipagdasal na mamatay ang isang tao...
kahit na gaano pa kasama ang ginawa ng isang tao sa'yo hindi dapat hinihiling ang kanyang kamatayan.
tulad kanina...
pauwi na ako galing sa katipunan upang maipahinga na sa wakas ang aking katawang hapong-hapo
na sa hindi pag-aaral.
mahirap ang hindi mag-aral... nakakabagot at nakakastress! kaya ayun, pauwi na nga ako,
nagmamaneho nang matino, safe, dahil ayoko ngang mapahamak...
binabaybay ko na ang literal na 'highway' ng sumulong paakyat sa antipolo nang biglang
nagmistulang pagong ang takbo ng mga sinusundan kong sasakyan.
sino nga naman ang hindi mababagot dito at makapagpipigil pang umoberteyk?!
kating kati na ako... ang bulong ko pa nga sa sarili, kung tatlong sasakyan lamang 'yan,
(isang 10-wheeler truck, isang fortuner, at isang taxi), kayang kaya ko,
basta wala lang bubulaga sa bulag na kurbadang (blind curve) aking dadaanan.
ibinaba ko na ang kambyo at sumilip sa kaliwang side mirror upang ihanda ang sarili
sa isang delikadong pag-abante.
handa na ako... nakumbinsi ko na ang aking sarili na ilang segundo lamang 'yon
at maliit lamang ang posibilidad na may bumulaga sa akin sa kabilang lane.
inapakan ko na ang silinyador at dahan-dahang inangat ang klats nang bigla akong natigilan...
naalala ko ang text sa akin ni wix...
"ingat ka
. love you!"
hindi ko maatim wasakin ang pangako ko sapagkat sinabi ko
"opo
"
at may smiley din 'yon!
anyway yey yey yey...
hinayaan ko na lamang ang mabagal na daloy ng trapiko.
hindi naman na ganoon kalayo ang susunod na kurbada
kung saan kitang-kita na ang kasalubong at hindi na delikadng umoberteyk.
dumating na ang aking pagkakataon.
wala nang sasakyan sa pagitan namin ng trak.
naroroon na kami sa kurbadang akma sa pag-ooberteyk.
pwede na...
sinilip ko ang likuran at gilid gamit ang salamin...
ibinaba ang kambyo sa segunda...
inapakan ang sininyador....
kumabig pakaliwa upang lumipat ng lane..
inangat ko nang dahan-dahan ang klats...
umaandar na ako nang biglang may humarurot na sasakyan sa aking gilid
halos mabangga niya ako sa pagmamadali sapagkat apat na sasakyan ang kanyang linampasan,
kabilang na si timmy (pangalan ng aking kotse)!.
"putang inang pak syet!!," na lamang ang sabi ko nang magulantang.
tila ba pati ang puso ko'y umoberteyk sa akin sa bilis ng tibok nito!
natakot ako...
isang putang-inang-pak-syet na fx na dark silver ang salarin.
at ang kanyang putang-inang-pak-syet na plaka ay TNR 743.
nais ko na sanang sabihing "sana mamatay (kang putang-inang-pak-syet) ka!"
ngunit naalala kong hindi ko ito dapat gawin...
hindi siya dapat mamatay 
hindi dapat...
kaya ito na lamang ang mga namutawi sa aking bibig...
putang ingang paksyit ka!!
sana mabangga ka ngunit wag ka naman sanang mamatay.
nais ko lang naman na tumaob ang iyong sasakyan, mabasag ang windshield
at mapuno ng bubog ang kaliwa mong mata.
pag nangyari ito, mahihirapan ka na magmaneho...
hindi naman ako ganoon kasama upang hilingin ang tuluyan mong pagkabulag.
nais kong mailigtas ang kanan mong mata upang makita mo kung gaano kapangit
ang itsura mo pagkatapos ng aksidente.
nais kong makita mo kung gaano kadaming buto ang nabali,
gaano karaming dugo ang dumaloy, at iba pa...
ayos din kung tuluyan kang mabaldado. maraming buhay ang maililigtas noon.
at pag nangyari ito,
lalapit ako...
at babawi.
lalapit ako...
at bubulong.
buti nga sa'yo...
putang-inang-paksyet ka.