tagal na pala
Posted by the_unspoken at 04:26 PM on October 26, 2005.
ito!! tumitingin lang!!!

may pasok pa ako mamaya!! hahahaa
pasukan na!! yehey!!
Posted by the_unspoken at 03:27 PM on May 25, 2004.
naku! ndi pla ako nakapaglagay dito nung monday... pero masaya at pasukan na naman... grabe... na miss ko din ang aking mga blockmates (na hindi ko na blockmates ngayon) at sobrang daming mukha ngayon... tapos artista pa na sa building ko.. hay naku sana makayanan nya ang pagaartista at pagaaral kasi trimester sa university na pinasukan niya... ok naman ang mga kaklase ko ngayon at yung iba kakilala ko... yung mga kaibigan ko na kablock ko rin dati ay kaklase nila ang kanilang crush at siyempre para balanse pati mga kinaasaran nila ay kaklase din nila... hangang dito na lang at iuupdate ko kayo sa aking mga adventure sa pasukan...
hay naku... pasukan na naman
Posted by the_unspoken at 12:05 PM on May 23, 2004.
ndi pa ako natutulog! naglilinis pa ako ng kwarto ko! pasukan na! hindi ko alam kung ako'y matutuwa o hindi!! bsta excited ako na parang hindi.. gulo... may praktis ba bukas... hay anong oras na naman kaya ako makakauwi... sana maging masaya ang pasukan ngayon...
ayaw ko na...
Posted by the_unspoken at 02:41 PM on May 21, 2004.
hay.. nandito na naman ako... may panibagong problema.. masyadong personal kaya ayaw ko muna ilantad sa publiko... kakaasar lang... bakit pa nagawa ang problema... bwiset na buhay ito... wala naman ako ginawa masyado kahapon na ito... tapos... tapos... may miting pala ako ngayong araw na ito.... sana lang makalimutan ko na ito... pasukan na namin sa lunes... sana maging masaya ako...
kung pwede lang... sana
Posted by the_unspoken at 01:50 AM on May 19, 2004.
kahapon ang huling araw ng aming pagtatanghal.. nakakapagod.... ngunit masaya at nakakamiss... tapos paguwi ko sumabay ako sa isang kaibigan pauwi.. sobrang ganda ng mga kantang pinatutugtog niya at may isang kantang nakapagalala sa akin nakaraan.. itong kantang ito pinipilit ko ng kalimutan kasi nagpapaalala lang iyon ng mga masilamuot na nakaraan... pero maski ako'y nagulat dahil pagkarinig ko ng kantang iyon.. dati kasi pagnaririnig ko siya ako'y natatahimik at napapaiyak ngunit ngayon parang gustong matulog dahil napapawi nito ang aking pagod... kahit alam ko nakakapagbalik ito ng aking nakaraan ngunit mas matimbang pa rin ang pag-ibig ko sa kanya... kahit anong pilit ko na kalimutan siya ay bumabalik pa rin... kahit alam ko na hindi masusuklian ang pagmamahal ko... tanggap ko na iyon...
sabi dun sa kanta... "if only i could turn back time.. if only i have said what i still hide.. if only i could turn back time.. i would stay for the night.." kung pwede nga lang...ibalik ang nakaraan... kung pwede lang talaga...
wala na siya... hibang na naman ako...
Posted by the_unspoken at 01:12 PM on May 17, 2004.
ngayong gabing ito... ako'y nagiisip na naman... ano ba dapat ang gawin ko... sundin ang puso ko o ang isip ko... yan pa rin ang malaking tanong sa maraming tao... lalo na sa mga sawi sa pag-ibig tulad ko... ewan ko ba kung iiyak ba ako ngayong gabing ito o hindi... naasar ako sa sarili ko.. kung bakit ako naging ganito at bakit pa ako umibig.. naasar ako sa mga taong homophobic pero.. wala akong magagawa kung ganun sila... pinagdadasal ko lang na sana ang kanilang pangungutya sa akin at sa iba pang tulad ko ay huwag maging sukdulan... sa ngayon.. naiiyak ako... dahil naawa ako sa sarili ko dahil naging ganito ako.. isang salot sa bayan sa tingin ng marami... isang malandi at mangmang sa lahat ng bagay... naiiyak ako dahil nakukutya kami ng mga taong hindi man lang tinitingnan kung anong klaseng tao talaga ang kanilang inaasar... sa tingin nila lahat ng tulad ko ay pareparehas.. kung ano nakikita mo sa isang katulad ko ay ganun din sa ibang tao... hindi ko talaga malaman ang dahilan kung bakit galit sila sa amin.. pinandidirihan na animo'y isang baboy na galing sa putikan... ayoko na sa buhay kong ito... sawa na ako sa ganitong senaryo... ayoko na mabuhay... hindi ko na kaya... pati mga taong sa tingin mo ay mabait at pwedeng maging kaibigan... iba ang tingin sa iyo.. parehas lang ako sa mga ibang katulad ko... kalandian at kalaswaan ang nasa utak... minsan tinatanong ko sarili ko... ako nga lang ba problema kung bakit marami taong ang nandidiri sa akin?? hindi ko na kayang baguhin ang pagtingin nila sa mga tulad ko alam ko... kailangan ko lang harapin ang katotohanan... na ang mga tulad ko ay walang pag-asang matangap ng mga tao sa lipunan... kakaiba talaga ako sa lahat ng mga katulad ko... dahil ang ibang kakilala ko... sige pa rin sa paghamon sa laro ng buhay kahit alam nila na wala na silang pag-asang mapansin... samantalang ako..takot humarap sa tao... takot makutya.. takot masaktan.. takot sa hamon ng buhay... ayoko na talagang mabuhay...
grabe.. nahuli ako...
Posted by the_unspoken at 01:24 PM on May 16, 2004.
nahuli ako sa paglagay dito sa blog ko... sumayaw kami nung isang araw sa harap ng maraming taga CLA... masaya dahil ang daming tao at buti nagawa namin ng maganda... hahaha tapos nagusapa kami at pinagtawanan namin ang mga praktis namin kasi nakapagpraktis kami ng apat na sayaw.. tapos sa loob ng isang linggo dalawang sayaw hehehe... ay mali tatlo... hahahaha ang saya... grabe.. sa martes na ang huling performance namin at malapit na naman ang pasukan.. grabe... tapos.. may problema pa rin ako kung babalik ba ako sa dating ako o hindi ngunit ang DIYOS na ang nagdesisyun para sa akin... babalik ako... ngunit.. pagdaan ng 2 linggo ako at nalagpasan ko ang pagaalinlangan ko sa sarili ay tuloy tuloy na ito... sana magawa ko... pero alam ko na inlove ako ngayon...
sa aking pagmumunimuni
Posted by the_unspoken at 05:51 PM on May 14, 2004.
Natatandaan ko pa nung una tayong nagkita sa classroom kasi binigyan kita ng papel at doon nagsimula ang pagkakaibigan natin. Maraming ng araw ang lumipas at hindi naglaon ay naging close tayo. Naguusap tayo sa phone gabi gabi at bago magsimula ang klase ay naguusap ulit tayo na parang hindi tayo nagusap at nagkita ng isang lingo. Ang sarap balikan ang mga araw na yun, ang mga araw na nagtatawanan tayo at lagi tayong masaya. Tinutukso na nga nila tayo ngunit lagi kong sinasabi na magkaibigan lang tayo.
Makalipas ng ilang buwan ay may nakilala kang iba at hindi nagtagal ay naging kayo rin. Natutuwa ako para sa iyo dahil kaibigan mo ako ngunit hindi ko malaman nung mga oras na yun ang aking nararamdaman. Gabi gabi nakaabang ako sa telepono, nagaantay sa tawag mo ngunit gabi gabi rin ako nabibigo dahil hindi ka na tumatawag simula ng naging kayo. Isang araw, nagipon ako ng lakas ng loob para lang tawagan ka, busy ang phone ninyo ngunit hindi ako sumuko at sa wakas ay sinagot mo rin ang telepono. Kinamusta kita at ang sabi mo ay mabuti tapos sabay sabi na bukas na lang tayo magusap dahil kakausapin mo pa siya at heto naman ako nanaig ang pagiging mabait ko kaya nagpaalam na ako. Magmula ng tawag na iyon ay hindi na tayo nagusap kahit minsan ay nagkakasalubong tayo sa daan. Nagbreak kayo ngunit wala ako doon para damayan mo dahil sa tingin ko ay hindi mo na ako kailangan. Kasi kung alam mo lang ang nararamdaman ko, hindi lang kaibigan kasi ang turing ko sayo dahil mahal na yata kita ngunit ano ginawa mo binaliwala mo lang pagmamahal ko.
Ngayon, malapit na ang graduation natin, hindi pa rin tayo naguusap simula ng tayo ay nasa unang taon hanggang sa ikaapat na taon. Pinilit ko sarili ko na kalimutan ka ngunit hindi ko makaya dahil may parte ka pa rin sa buhay ko. Ewan ko nga sa sarili ko dahil heto ako nagmamahal sa taong hindi naman ako minamahal. Hanggang maggraduation tayo ay hindi kita kinausap at hindi mo rin ako kinausap. Minsan tinatanong ko sarili ko kung ano ba ang dahilan kung bakit tayo nagkalayo, ako ba o ang minamahal mo??
Heto ako ngayon…inaalala ang mga masasayang araw nating dalawa. Wala na tayong komunikasyon ngunit inaasahan ko pa rin na isang araw ay maalala mo na narito ako at naghihintay. Ewan ko ba sa sarili ko dahil pilit kitang binubura sa isipan ko ngunit hindi ka mabura sa puso ko. Naasar ako!! Minsan sinisisi ko ang puso ko dahil umibig pa siya sa isang katulad mo... isang tulad mo na minahal ko ng maraming taon at nagaantay na mahalin mo rin ako... tama nga sabi ng mga kaibigan ko.. hindi ka dapat pinagaaksayahan ng panahon... nasasayang lang ang mga araw at oras na ginugugol ko sa kakaiisip sa iyo... nadudurog lamang ang puso ko sa kakaisip ng mga alaala mo...
problema...
Posted by the_unspoken at 03:15 PM on May 13, 2004.
pagod...
Posted by the_unspoken at 10:21 AM on May 12, 2004.
bakit kaya ganun??
Posted by the_unspoken at 01:15 PM on May 11, 2004.
bakit ganun.. kung kailan may tao kang gusto mong kalimutan ay mayroon pa rin mga bagay o mga sitwasyon o mga taong nagpapaalala sa kanya...
bakit ganun.. kung kailan kinalimutan mo na ang mga masasayang pinagsamahan ninyo ay siya namang dahilan kung bakit hindi ka makatulog sa gabi...
bakit ganun.. kapag mahal mo ang isang tao siya ang lumalayo...
bakit ganun.. kung mayroon kang gustong mangyaring maganda ay siyang kabaligtaran ang nagiging resulta...
bakit ganun.. kapag naiiba ka ay pakiramdamdam mo hindi ka gusto ng mga nasapaligid mo...
bakit ganun.. kung kailan gusto mong mapaniginipan ang minamahal mo ang lumalabas sa panaginip mo ay naghihiwalay kayo...
bakit ganun.. kailangan mong iwanan ang lahat para sa taong minamahal mo...
bakit ganun.. kailangan mo pang magpakatanga para mapansin ka lang ng minamahal mo...
bakit ganun.. kailangan mo pang gawin ang mga bagay na kaya niyang gawin para sa minamahal mo...
bakit ganun.. kung kailan ayaw mo siyang makita ay siyang magpapakita sa iyo
bakit ganun.. madaming tao ang naiinis sayo kung kakaiba ka at hindi ka nila kauri...
bakit ganun.. ang mga katulad naming naiiba ang nagiging sentro ng kahihiyan at asaran sa lipunan para sa ibang tao...
bakit ganun.. bakit hindi matangap ng ibang tao ang aming kalagayan...
bakit ganun.. magkaibigan kayo tapos nalaman niyang may gusto ka sa kanya at alam niyang naiiba ka ay lalayuan ka niya na animo'y pinandidirihang baboy...
bakit ganun.. maraming tao ang umiibig at nasasaktan kaagad...
bakit ganun.. kapag may gusto ka at gagawin mong lahat ay hidni ka naman niya sinusuklian ng maganda...
bakit ganun.. maraming tao ang naiingit kung sakaling ang isang normal at "abnormal" sa mata ng mga normal na tao ay nagsasama...
bakit ganun.. kung sinong tao ang nilagay mo sa isang magandang katayuan ay siyang tao walang kwenta at walang utang na loob...
bakit ganun.. ok lang magsama ang normal na tao at ang mga "abnormal" sa mata nila ay hindi pwede...
bakit ganun.. ang tingin nila sa aming mga espesyal at kakaiba ay nakakadiri at walang alam kundi lumandi ng lumandi sabi ng ibang tao...
bakit ganun.. kung naiiba ka sa iyong angkan ay ikaw ang pinagdidiskitehan at itinatakwil...
bakit ganun.. kung kailan may nakilala kang tao at kapag nakita ka niya ay biglang tatanggihan ka bilang kaibigan...
bakit ganun.. kung minsan ang mga normal na tao ay masyadong mapanghusga na wala sa lugar...
bakit ganun.. may mga normal na grabe kung manlait sa aming mga "abnromal" sa paningin nila na hindi nila na alam na tao rin kami nasasaktan dahil mayroon kaming puso't damdamin...
bakit ganun.. kung kakaiba ka sa isang lupon ng mga tao ay siyang hindi naniniwala sa taglay mong talento...
bakit ganun.. kailangan mo pang gumawa ng katawatawa bago ka pagbalingan ng pansin...
bakit ganun.. kung kailan gusto mong silang maging kaibigan ay sila nananahimik na wari'y nagpapahiwatig na ikaw ay isang basahan lumayas ka sa aming harapan...
bakit ganun.. kapag wala kang alam sa isang bagay at pilit mo itong pinagaaralan ay ang katumbas mo pa rin ay walang alam...
bakit ganun.. kahit kaibigan mo ay pinagdududahan mo sa mga pinagagawa nila sa iyo...
bakit ganun.. natatakot ka kapag kaharap mo na ang mga taong kakikilala mo lang...
bakit ganun.. mas komportable ka sa mga taong nakilala mo na ng lubusan kaysa sa mga taong hindi mo pa nakikilala ng maigi...
bakit ganun.. kung kailan ang mga taong binigyan ng angking kagandahan at kagwapuhan ay sila pa ang mga taong hambog at bastos...
bakit ganun.. kung kailangan mo ng taong kausap para sa iyong problema ay saka walang makikinig sa iyo, hindi ka nila siniseryoso dahil alam nila na patawa lang ang alam mo...
bakit ganun.. magagalit ka sa isang taong sinabihan ka na sa tingin mo ay nakakababa ng tingin sa iyo ay siyang pang magagalit sa iyo...
bakit ganun.. hindi ko pa rin matangap kung ano ang kalagayan ko ngayon...
bakit ganun.. ayaw ko magpadaig sa iba gusto ko ako lang ang magaling...
bakit ganun.. kailangan ko pang maingit sa ibang tao marami ng narating samantalang ako'y nakutunganga at nagaantay ng grasya na bumagsak sa akin...
bakit ganun.. nalilito pa rin ako sa mga bagay bagay tulad ng aking relihiyon, ako'y gulong gulo kung nandyan ba siya o wala...
bakit ganun.. kung kailan may gusto kang gawing maganda ay may kokontra sa iyo...
bakit ganun.. pakiramdam ko ako'y nakakulong sa isang kahong malalim at madilim dahil sa tingin ko walang gustong makipagkaibigan sa akin...
bakit ganun.. pakiramdamdam ko pinandidirihan at pinagtatabuyan ang mga katulad kong "espesyal" ng ibang lalaki...
bakit ganun.. nagagalit ako sa lahat ng lalaki dahil lamang sa pangyayari noong hindi ko matanggap at hindi ko siya mapatawad...
bakit ganun.. lagi kong gusto itagao ang aking nararamdaman dahil alam ko na pangungutya ang makukuha ko sa problemang kami mga "espesyal" ang meron...
bakit ganun.. marami akong gusto ngunit hindi ko na kayang magmahal pang muli...
bakit ganun.. hindi ako naiiyak kung may mga bagay na nasasaktan ako...
bakit ganun.. mababa ang tingin nila sa mga katulad naming "kakaiba" ngunit hindi nila alam na mas marami kaming nagagawa kaysa sa isang "normal" na tao...
bakit ganun.. may mga taong tumitingin sa pisikal na anyo ng tao bilang batayan ng katayuan at estado at ugali ng isang tao...
bakit ganun.. puro kababuyan ang naiisip kung kaming mga "abnormal" sa paningin ng iba ang pinaguusapan...
bakit ganun.. pang comedy lang ba ang mga tulad naming mga "espesyal" at hindi namin kaya sa ibang larangan...
bakit ganun.. tumututol ang simbahan sa kalagayan naming mga "espesyal" parang sinasaad sa bibliya na kami'y pandirihan, apihin, alipustahin, sunugin, patayin at itakwil parang hindi tao ang tingin sa amin kundi kampo ni satanas...
bakit ganun.. bawal bang magmahal ng tunay ang mga tulad naming mga "kakaiba" sa pananaw ng mamayan...
bakit ganun.. bakit kaya.. bakit ganito ang buhay naming mga "naiiba", "abnormal", "espesyal"
bakit ganun.. bakit??
sabi nga nila.. ang pagibig ay walang pinipiling edad o kasarian.. walang tamang oras o araw na pwede umibig.. hindi mo maiisasara ang puso mo para umibig dahil kahit anong mangyari ay bubukas pa rin yan sa tamng tao... sa tamang oras... at sa tamang sitwasyon...
kung ganito lamang sana ang pananaw ng lahat ng tao... sana...
*ito'y mga pananaw ko sa buhay at hango sa tunay na buhay...