Daan Lang...
(Daan... Dyan ka bagay...)
Daan lang. Sikat na talaga ang mga salitang iyan sa mga blog sites. Pagtingin mo sa "tagboard," lagi mong nakikita ang -- "Daan Lang.", "Hoy, daan lang...", "Galing, Daan lang...", "Astig, daan lang..." at ang pina-ingles na version, "Passin by...". Diyos ko, magbasa naman kayo! Baguhin mo na yang style mong bulok! Siguro nga hindi mo alam ang karamihan sa mga nakasulat sa isang blog site eh...
Halimbawa nalang sa blog site na ito. Di mo ba napapansin na si
Lester Jan A. Olimba
ang nagpapatakbo ng blog na to? Di mo ba alam na taga
Zamboanga City
ako tsaka nag-aaral ang nagpapatakbo sa
Ateneo de Zamboanga University
tsaka ang email ko ay
Lester_rave4@yahoo.com
???
Yan kasi, daan lang ng daan. Dumaan ka pa eh kung ang gagawin mo lang pala ay ang dumaan at dumaan. Sige, dumaan ka nalang. Huwag kang magbasa ha! You don't know what your missing! Pero isa lang sasabihin ko, pag naabutan mo tong linyang to, then welcome to my site. At least alam ko na nagbasa ka. Ibig sabihin, di ka lang dumaan. Kasi nagbasa ka na rin at hindi lang dumaan, lubos-lubusin mo na. Mag-iwan ka ng comment. Kapag hindi ka magiiwan, sinayang mo lang oras mo sa sticky na to. ^^
Posted by: vahnlsq__
At: 09:04 PM | 7 hmmmm... stickied post |


